Tagalog,covid-19,community quarantine,quarantine,superspreader,Kids Can Become Superspreaders If You Let Them Go Outside,covid-19, superspreader, covid, coronavirus, quarantine, general community quarantine,Lumalabas sa mga pag-aaral na mas mataas pa ang viral load count ng mga bata kaysa sa matatandang nasa ICU.
LifeNews

Experts: Maaaring Maging Superspreaders Ang Mga Bata Kung Hahayaan Silang Lumabas

Ano nga ba ang ibig sabihin ng 'superspreader?'
PHOTO BYShutterstock

Nagdulot ng kalituhan kamakailan ang lumabas na pahayag ng Department of Interior and Local Government (DILG) na pwede nang lumabas ng bahay ang mga batang edad 15 pababa basta't may kasamang magulang.

Iba kasi ang naging pahayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) chief na si Brig. Gen. Vicente Danao tungkol dito.

Ayon sa huli, hindi pa pwedeng pumunta ng mga malls ang mga bata kahit na may kasama pa silang mga magulang.

"Hindi pa po allowed 'yan [minors sa malls] sa GCQ," paglilinaw niya.

Kasunod naman nito ang pahayag ng public health expert na si Dr. Tony Leachon, na kung hahayaang makalabas ng bahay ang mga bata, maaari silang maging superspreaders.

Ayon sa dating adviser sa pandemic task force ng gobyerno, maaaring dalhin ng mga bata ang virus papasok sa mga tahanan nila at maipasa sa mga magulang at sa iba pa.

"This has been happening in other countries where the children are actually the superspreaders in the home and in other areas," pahayag niya sa isang ABS-CBN report.

Ano nga ba ang superpreader?

Ayon sa VeryWell Health, ang isang superspreader ay isang taong may COVID-19 virus na kayang ipasa ito sa napakaraming mga tao. 

Lumabas pa sa isang article ng Harvard Medical School na ang mga batang infected ay may mas mataas na viral load sa kanilang airways kumpara sa mga matatanda sa ICU na may mas malalang mga sintomas. 

Kaya naman kahit walang lumalabas na sintomas sa mga bata, hindi ibig sabihin nito ay wala na silang COVID-19 virus sa kanilang dugo.

Pahayag pa niya, hindi pa natin lubos na nalalampasan ang hamon ng COVID-19, lalo na ngayong mas maraming tao ang lalabas ng kani-kanilang mga bahay dahil sa holiday season.

Mayroon din daw magiging epekto ang pagkaka-relocate sa evacuation centers ng mga nasalanta ng mga dumaang bagyo.

"If we will consider the temperature, I have a projection it might actually be a problem also because as you approach the holiday season the temperature will drop."

watch now

"And based on experience and overindulgence over the holiday season, you might experience also an uptick of cardiovascular cases and these are more vulnerable to COVID infection," sabi pa niya.

Nauna nang inirekomenda ng mga Metro Manila mayors sa national government na panatilihin ang capital region sa general community quarantine (GCQ) para malimitahan ang bilang ng mga taong magtitipon-tipon.

Matatandaang sa ilalim ng GCQ, hanggang sampung katao lang ang pwedeng magtipon at tanging mga nasa edad 15 hanggang 65 lang ang papayagang lumabas ng bahay.

Sabi ni Leachon, physical distancing at ang pagsusuot ng face shield at face mask ang pinaka-epektibong paraan para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Isama mo pa riyan ang nauna nang panawagan ng gobyerno na palaging maghugas ng kamay.

Para sa iba pang balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ang link na ito

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close