embed embed2
  • Safer Batteries: Panawagan Ng Nanay Ng Nasawing Anak Dahil Sa Nalunok Na Button Battery

    by Jocelyn Valle .
Safer Batteries: Panawagan Ng Nanay Ng Nasawing Anak Dahil Sa Nalunok Na Button Battery
PHOTO BY Shutterstock
  • Bagamat napatunayan nang malaking panganib ang dulot ng maliliit na baterya, gaya ng button battery, patuloy itong ginagamit, lalo na sa toys at gadgets, at nakakabiktima ng mga bata. 

    Kaya ang panawagan ng isang mommy sa U.S. state na Texas ay gawing mas ligtas ng battery manufacturers ang kanilang mga produkto. Hiling niya rin na bigyan pansin ng U.S. Congress ang kanyang panawagan.

    Sa ganyang paraan, maaaring sumunod ang iba pang mga bansa, tulad ng Pilipinas, nang lubusang maproteksyonan ang mga kabataan mula sa paggamit ng button battery. 

    Nag-ugat ang panawagan ng U.S. mom na si Trista Hamsmith sa trahedyang kinasangkutan ng kanyang 17-month-old daughter na si Reese.

    Kuwento ni Trista sa ulat ng TODAY Parent, bandang October 2020 nang mapansin niyang kakaiba ang pag-ubo ng kanyang anak kaya pinatingin niya sa doktor. Pero mas kinabahan siya nang mapansin din niyang nawawala ang isang button battery sa kanilang remote control sa bahay.

    Nakumpirma ang masamang hinala ni Trista nang dalhin nilang mag-anak si Reese sa emergency room ng pinakamalapit na ospital sa kanila. Nakita sa X-ray ng bata na nakalunok ito ng maliit na baterya, at iyon ang bumutas ng kanyang esophagus.

    Paliwanag ni Trista sa ulat na napag-alaman niyang kapag nalunok ang battery, nasisira ito at nagsisimulang masunog sa loob ng katawan. Madalas daw palang mangyari ang pagkakalunok ng battery taliwas sa iniisip ng karamihan.

    Dagdag pa niya na sumailalim ang kanyang anak ng emergency surgery para tanggalin ang battery sa tiyan nito. Naging successful ang surgery kaya hindi sila nagtagal sa ospital. Pero pagkaraan ng ilang araw, dinala nilang muli ang bata sa emergency room dahil lumala ang kondisyon nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gumawa ng paraan ang mga doktor para masolusyonan ang butas na nilikha ng battery sa espophagus, pati na trachea, ng batang si Reese. Nariyan ang gastronomy tube para makadaan ang nutrisyon sa kanyang katawan. Inilagay rin siya sa ventilator.

    Pero, sa kasamaang palad, hindi na gumaling pa si Reese at tuluyan siyang pumanaw noong December 2020. 

    March 2021 nang maibahagi ang kanyang kuwento sa pamamagitan ng kanyang naulilang ina na si Trista. Nais kasi ni Trista na paalalahanan ang mga kapwa niya magulang sa panganib ng dulot ng button battery. 

    Narito ang ilang safety tips na nakalap ng SmartParenting.com.ph para sa mga magulang:

    • Suriin ang lahat ng battery-powered devices at toys sa inyong bahay. Siguraduhin na ang battery compartment ay may takip na hindi madaling buksan ng bata, tulad ng iyong may screw.
    • Itago ang mga hindi pa nagagamit na battery doon sa lugar na hindi makikita at maaabot ng bata. Maiging i-lock ang mga drawer at container.
    • Kung kakayanin, huwag bigyan ng battery operated na laruan ang mga baby at preschooler.

    Sa sandaling may suspetsa ka na nakalunok ng baterya ang iyong anak, dalhin kaagad siya sa ospital.

    (Para sa karagdagang kaalaman, basahin dito.)

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close