-
Getting Pregnant 9 Ways to Try Getting Your Baby to Kick and Punch While in the Womb!
-
Toddler Noticing Your Child's 'Bad' Behavior? Check How You Talk To Him
-
Real Parenting Dad, There's a Reason Why It's Hard to Say No to Your Little Girl
-
Big Kids So Your Child May Not Have Valedictorian Potential: That's Okay
-
Senator Angara Nag-Donate Agad Ng Plasma Sa COVID-19 Patients: It Could Save Lives
Isang linggo pa lang mula nang siya ay mag-negatibo sa COVID-19 at ma-discharge sa ospitalby Lei Dimarucut-Sison .
Isang linggo pagkatapos niyang mapagtagumpayan ang COVID-19, may panibagong misyon ang 47-taong gulang na si Senator Sonny Angara: tulungan ang ibang pasyente na makaalpas din sa sakit na ito.
Sa Instagram, ibinahagi ni Senator Angara kahapon, April 13, 2020, na nag-donate siya ng dugo sa isang ospital sa Quezon City para magamit ito sa isang bagong therapy na sinasabing makakagaling sa mga COVID-19 patients.
"Gave my plasma and it went straight to a hospital in QC to a man on a ventilator — a severe case of COVID19. My wonderful doctors say it could save his life as the antibodies of survivors in past viruses have done," caption niya sa larawan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWCONTINUE READING BELOWRecommended VideosAng tinutukoy niya ay ang convalescent plasma transfusion. Kung tutuusin, hindi talaga ito blood donation sa teknikal na kahulugan nito. Sa proseso, inihihiwalay ang red blood cells sa plasma ng donor, at ang madilaw na liquid na ito, na siyang naglalaman ng antibodies laban sa COVID-19, ang siyang ginagamit sa mga pasyente.
Sa mga pag-aaral sa China, napatunayang ang plasma ng mga naka-recover sa COVID-19 ay nakagaling sa ilang pasyenteng malala ang kalagayan. Dahil dito, sinusubukan na din ito sa Pilipinas, kaya may mga ospital na nananawagan sa mga gumaling na sa COVID-19 na mag-donate ng plasma.
Pero gustuhin man ni Senator Angara na makatulong sa mas nakararami, may limitasyon ang pagdo-donate ng plasma.
"I wish I could pay it back every day but the protocol is you can only give your plasma as a survivor every 14 days," sabi niya.
Sa ngayon ay patuloy pang naka-self-quarantine si Senator Angara kahit nag-negatibo na ang test results niya at pinayagan na siyang makauwi ng bahay. Para sa kanya, isang malaking biyaya ang gumaling sa sakit na ito at ang mabigyan ng panibagong pagkakataon na makasama ang kanyang pamilya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"Going home was pure joy although again I am in self-quarantine for 14 days to protect my family and our kasambahay/househelpers," sabi niya sa Esquire, kung saan niya ikinuwento ang kanyang karanasan.
"I now appreciate the simple things I used to take for granted, such as sipping calamansi juice or homemade hot chocolate and eating warm pandesal while looking at the sunset."
Sakto din ang kanyang pag-uwi para ipagdiwang ang ika-siyam na kaarawan ng kanyang bunsong anak.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSabi ni Senator Angara, ang pagmamahal ng kanyang asawa at mga anak, pati na ng kanilang mga kaibigan, ang siyang nagtawid sa kanya sa lungkot at karamdaman. Pinasalamatan din niya ang mga doktor at nurse na walang kapagurang nag-aruga sa kanya habang siya ay nasa ospital.
"When you are down there is nothing like hundreds of your friends and school co-parents praying for your recovery. I thank the Lord for I felt his intervention through friends' and strangers' acts of kindness.
"This episode has definitely strengthened and regenerated my faith and my conviction. I am thankful to my love and rock, my wife Tootsy who was there with me on the phone every day to cheer me up along with our kids, with daily care packages with food and handwritten letters from our kids. Their love I leaned on every single day, it was perpetual and unwavering."
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network