embed embed2
  • Nag-Throwback Photo Si KC Concepcion Para Sa Birthday Ng Kanyang Mom Sharon Cuneta

    Nagdidiwang ng kanyang 54th birthday si Megastar Sharon Cuneta.
    by Jocelyn Valle .
  • Dinaan ni KC Concepcion sa isang throwback Instagram post kahapon, January 5, 2020, ang pagbigay ng advance birthday greeting sa kanyang mommy na si Sharon Cuneta. Ngayong araw, January 6, ang 54th birthday ng tinaguriang Megastar. 

    “Happy birthday, mama,” pahayag ni KC sa caption ng old photo nilang mag-ina, kung saan pareho silang nakangiti sa camera.

    Humingi din siya ng sorry sa kanyang Mommy Sharon sa hindi niya pagdalo sa birthday celebration nito sa ABS-CBN musical-variety show na ASAP noong araw ding iyon. Paliwanag niya, “For personal reasons.”

    Sa nasabing TV appearance ni Sharon ay nagkaroon siya ng song number kasama ng mga kapatid ni KC sa mother side na sina Frankie at Miel, habang ang mister ni Sharon na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan ay nakaupo sa audience katabi ang bunso nilang si Miguel. 

    Bumuhos ang luha ni Sharon at nagbigay ng pahayag sa mga manonood. Aniya, “Pasensya na ho, medyo emotional ako kasi nagulat ako sa mga surprise. At saka kasi alam ko, apat ang anak ko, e.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Nagbigay naman si Senator Kiko ng bouquet of flowers, kiss sa lips, at birthday message sa kanyang maybahay. Pahayag niya, “Maraming salamat sa Diyos, maraming salamat sa iyo. Hanggang ngayon, patay na patay ka pa rin sa akin…Ako naman ang patay sa kanya mamaya.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nag-post si KC ng kanyang Instagram birthday greeting ilang oras matapos ang ASAP celebration. Nagbigay pugay din siya sa kanyang Mommy Sharon. 

    Lahad niya pa sa caption, “We may not be perfect, but in the many ways I know how to LOVE you, I have, I do and I always will. I have done all I can to help you when I could and to make you proud knowing you had me so young. If I fail, I’m only human and I’m sorry. But I try my best.”

    Dugtong pa niya, “Happiest birthday to you mama. May your light shine brighter and brighter, and I will see you soon. I love you and pray for your happiness always.”

    Noong Araw ng Pasko ay kasama si KC sa pagdiriwang ng buong Cuneta-Pangilinan family.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Samantala, sa ASAP celebration ay may mga song number si Sharon sa kanyang close friends and colleagues na sina Cherie Gil at Judy Ann Santos, at mga hosts din ng show na sina Sarah Geronimo, Zsa Zsa Padilla, Vina Morales, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Martin Nievera, at Piolo Pascual.

    Basahin dito ang tips ni Sharon Cuneta pagdating sa pera at investments. 

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles