;
embed embed2
  • Nandito Na Ang ‘Little Princess’ Nina Sophie Albert At Vin Abrenica

    Nanganak si Sophie nitong March 15, 2021 sa panganay nila ni Vin.
    by Jocelyn Valle .
  • Nanganak na si Sophie Albert sa panganay nila ng kanyang fiance at kapwa artista na si Vin Abrenica.

    Ibinahagi ni Sophie ang magandang balita sa kanyang Instagram account sa araw mismo ng kanyang panganganak, March 15, 2021. Makikita sa kanyang post ang munting kamay ng baby, at sa caption naman ang birthday nito: “03.15.21.”

    Ginamit ni Vin ang parehong litrato sa kanyang Instagram Stories bilang pag-anunsiyo sa pagdating ng kanilang anak na tinawag niya, “Our little princess.”

    Katulad ng inaasahan, baby girl ang unang supling ng engaged couple. Sa vlog kasi ni Vin, posted noong February 28, ipinalabas ang naganap na baby shower at gender-reveal party. Sa magkahiwalay na pagkakataon nila ibinunyag sa kani-kanilang mga pamilya na babae ang bago nilang miyembro.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dumagsa ang pagbati para sa new parents mula sa kanilang Instagram followers. Sabi nga ng tita ni Sophie na si Mikee Cojuangco, “Woweeee!!! Congratulations!!!” Dagdag pa ng isang tita at kapatid ni Mikee na si China Cojuangco, “Enjoy motherhood!”

     

    Dumagsa ang pagbati sa pagdating ng "little princess" nila Sophie at Vin.
    PHOTO BY Instagram/Sophie Albert

     

    Ang kuya ni Vin na si Aljur Abrenica, dinaan din sa photo-sharing app ang kanyang pagbati sa new parents. Gamit ang parehong litrato, na reposted mula kay Sophie, nagbigay ng mensahe ang aktor.

    Aniya sa caption, “To the new Daddy and new Mommy of an amazing little baby, your princess is a gift to you and to us. I’m happy and excited for you, guys. You’ll experience how much your life will change and realize why you exist.

    “I have no doubt you’ll be a protector and an awesome father just like you’ve always been. A mom who will be the light and nurturer to the family. My heart is filled with joy. Tito is excited to see you very soon.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang asawa ni Aljur na si Kylie Padilla, ginamit din ang litrato mula kay Sophie upang ihatid ang congratulations sa new parents. Sina Aljur at Kylie ay mayroon namang two sons na sina Alas, 3, at Axl, 1. 

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles