Balik-paaralan a face-to-face classes na ang maraming estudyante sa bansa nitong Agosto 22, 2022 matapos ang higit dalawang taon na blended learning dahil sa banta ng COVID-19.
Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, balik din ang mga magulang sa pagiging mas abala sa pag-aayos ng mga kakailanganin ng anak para sa eskuwela. Nariyan ang paghahanda ng baon, uniporme, at paghatid-sundo sa mga anak.
Naging laman din ng mga balita ang mga hamon ng muling pagpapatupad ng face-to-face classes sa mga paaralan sa bansa. Nananatili pa rin kasi ang banta ng COVID-19 at kailangan ang patuloy na pag-iingat laban dito.
Siniguro naman ng mga opisyal sa sektor ng edukasyon na handa ang mga paaralan upang masunod ang physical distancing gayundin ang mahigpit ng pagpapatupad ng palagiang pagsuot ng face mask ng mga estudyante, guro, at iba pang school staff.
Nagpaalala rin ang Department of Education sa mga magulang na huwag nang papasukin ang anak kung naobserbahan ang alin mang sintomas ng COVID-19 upang maiwasan ang pagkalat nito.
Related story: DWSD cash aid for indigent students
Pero sa kabila ng hamon at alalahanin, nanatiling positibo ang pananaw ng marami sa pagbabalik-eskuwela. At kung present ang mga bata, tiyak na hindi rin absent ang mga kakuwelahang hatid nila.
Funny #BackToSchool Photos And Videos
Hindi maikakailang nakaka-stress sa mga magulang ang paghahanda sa pagbabalik-eskuwela. Kaya naman mag-recess muna tayo sa stress hatid ang mga nakalap naming nakakatutuwa (at nakakatawang) eksena sa mga paaralan.
Sad Panda
Sa aming Facebook community na Smart Parenting Village, may baong kwento si Mommy Nikkay Garcia. Literal na tungkol sa baon kasi ng kaniyang anak noong first day of school ang kaniyang kwento.
Gaya ng maraming magulang, nagbuhos ng oras at effort si Mommy Nikkay sa paghahanda ng bento lunch para sa anak na si Yuri. Naubos naman ni Yuri ang kaniyang baon pwera lang sa isang bagay - ang kaniyang kanin.
Related story: Bento Box Ideas From A Pinay Mom Of Three
Ginawa kasing hugis panda ang kanin at kuwento raw ni Yuri sa kaniyang nanay, hindi niya ito kinain dahil naaawa sa kay panda rice. Aww!
Sa aming panayam kay Mommy Nikkay, hanggang hapunan ay bantay-sarado ni Yuri ang panda rice. "Tumigas na lang yung rice kasi binantayan hanggang dinner baka daw kainin ng Daddy," kuwento niya. Mabuti na nga lang daw at hindi na ito hinanap kina-umagahan.
"Pinag-pray ko po talaga na di hanapin. Kasi mahaba habang eplain ang mangyayari," ani Nikkay.
Don't talk to strangers
Ang isang mommy naman ibinahagi ang pagiging sobrang masunurin ng anak na nasa Kinder 1 na si Arkin.
Mainam talagang paalalahanan ang anak na maging maingat sa pakikipag-usap sa hindi kilala lalo sa panahon ngayon. Hindi bale at sa araw-araw na pagkikita ni Arkin sa kaklase ay hindi malabong magiging magkaibigan din sila. Sa ngayong, better safe than sorry!
Struggle is real maging morning person
Marami ring naaliw na netizens sa mga larawan at video sa social media na nagpapakita ng ilang estudyante na tila hirap pang mag-adjust sa maagang gising para makapasok sa eskuwela. Marahil lahat tayo at relate at minsan na rin nahirapang bumangon ng maaga. LOL!
Naging viral din ang live interview ng reporter kung saan isang mag-aaral ang kaniyang tinanong tungkol sa pakiramdam nito sa maagang pagpasok sa eskuwela.
Happy in the morning
Kung mayroong not-so morning person, mayroon din namang full of energy agad sa pagsisimula ng araw at todo hataw na. Tama nga naman na simulan ang araw sa masayang execrcise!
Mayroon din ba kayong nakakaaliw na kwento ngayong balik-eskuwela na? Sumali sa aming Facebook Group, Smart Parenting Village, at i-spread ang good vibes sa ibang mommies at daddies!
Isang mambabatas ang nagsusulong na mabawasan ang mga subjects ng mga bata mula grade 1 hanggang grade 3. Basahin dito ang kaniyang dahilan.