embed embed2
  • Tinupad Ni Ken Chan Ang Pabirong Hiling Ng Nanay 10 Taon Na Ang Nakaraan

    Tila advance Mother's Day gift ng GMA-7 actor ang pulang sasakyan.
    by Jocelyn Valle .
  • Tila napaaga ang pagbibigay ni Ken Chan ng Mother's Day gift para sa kanyang nanay. Nitong Thursday,  April 15, 2021, nag-post ang GMA-7 artist sa Instagram ng ilang litrato ng kanyang nanay at isang pulang sasakyan.

    Kuwento ni Ken sa caption, "10 years ago pabirong sinabi sa akin ni Mama: 'Anak kapag naging successful ka sa career mo bigyan mo ako ng pulang kotse ah', at natawa siya sa sinabi niya.

    "Hindi niya alam na tumatak yun sa isip ko at hindi rin niya alam na tutuparin ko yung biro niya. This is for you Ma, enjoy the ride! I love you! ??"

    Sa May 9 naman ipagdiriwang ngayong taon ang Mother's Day sa Pilipinas.

    Si Ken, na mapapanood sa teledrama na Ang Dalawang Ikaw, ay tumatayong breadwinner ng kanyang pamilya. Nagkasakit kasi ang kanyang tatay ng esophageal cancer at kinailangan sumailalim sa chemotherapy. Mayroon siyang dalawang kapatid na lalaki.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles