Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Inamin ni Iza Calzado Na May 'Slight Tampo' Siya Sa Asawa

    One year nang kasal Si Iza and Ben Wintle pero hindi namayalayan ng dalawa.
    by Jocelyn Valle .
  • December 19, 2018 nang ikasal si Iza Calzado sa Filipino-British techpreneur na si Ben Wintle sa Club Paradise beach resort sa Coron Island sa Palawan. 

    Pagkaraan ng isang taon, “okay naman” ang pagsasama nila ng asawa na cofounder ng food at lifestyle app na Booky,  ayon sa actress.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    “It’s been one year. Can you imagine?” pahayag ni Iza, na suot ang Levi’s couple denim jacket na may embroidery ng “Mr. Wintle."
    PHOTO BY Jocelyn Valle

    "Time flies so fast. Wala, sobrang busy lang ng 2019 na hindi namin namalayan na isang taon na pala kami.” 

    More from Smart Parenting

    Sa bilis ng takbo ng panahon at kanilang mga buhay ay hindi sila nagkaroon ng selebrasyon para ipagdiwang ang kanilang first wedding anniversary. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Kasi umalis siya papuntang England kahapon,” sabi niya, sabay tawa. “Ang galing, di ba? Palakpakan natin siya.”

    Paliwanag ni Iza, “Actually, nang binu-book niya kasi ang ticket, ang sabi niya, ‘Hey, I found a good price on the 19th. I’ll book this.’ Sabi ko, ‘Okay, okay.’ 

    “Parang days after, a week after, ‘Teka lang, di ba that’s our anniversary?’ We kept laughing na lang. Tumawa na lang kami.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakausap ni Iza ang SmartParenting.com.ph sa outreach event ng She Talks Asia, isang woman-centered movement na itinatag niya katuwang sina Bianca Gonzalez, Vicky Herrera, at Lynn Pinugu. 

    Tinawag nila ang event na “Nanay Time!” at ginanap ito noong December 20 sa SM Aura Tower sa Taguig City. Dinaluhan ito ng mga piling new moms at moms-to-be na residente ng Taguig City. Nakinig sila sa postpartum talk ni Dr. Michele Alignay, isang family life specialist at psychologist, at ang ilan ay nakisali sa Zumba session ni Coach Kristie Bonifacio.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Inamin ni Iza na nagkaroon siya ng “slight tampo” dahil hindi niya nakasama si Ben sa kanilang wedding anniversary. Aniya, “Kasi ikaw ’yong iniwan, e.  Iba talaga pag ikaw ang naiwan.”

    “Pero okay lang,” dagdag niya. “I mean, busy din naman ako. Nagpaka-busy ako. Kahapon, may shoot kami na promo for Culion, ’tapos ’yon, humanap na lang ako ng friends na, parang, maka-dinner to ease feelings of loneliness. Yes!”

    Ang Culion ay isang period drama na kanyang pinagbibidahan kasama sina Meryll Soriano at Jasmine Curtis-Smith. Ito ay kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF), na magbubukas sa mga sinehan sa December 25, Araw ng Pasko, at tatakbo ng dalawang linggo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ito rin ang dahilan kung bakit hindi nakasama si Iza sa paglipad ni Ben sa England sa araw mismo ng kanilang anniversary. Susunod na lang daw siya doon upang magkapiling si Ben at ang pamilya nito sa Pasko.

    Lahad niya, “Nauna lang siya. Atat kasing magbakasyon. Naintindihan ko naman. Normally kasi maaga kaming umaalis. Pero hindi makaalis nang maaga dahil sa MMFF.”

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles