World Health Organization,news,infertility,Tagalog,report,WHO Report: 1 Sa 6 Na Adult Buong Mundo Ay Hindi Magkaanak,Medical Health, Reproductive Health, Diseases and Conditions, Infertility, fertility,male infertility, reproductive health, reproductive system, infertility causes, infertility, female infertility, World Health Organization, WHO report infertility, infertility rising,Ayon sa report ng World Health Organization (WHO), isa sa bawat anim na adult sa buong mundo ang apektado ng pagkabaog (infertility).
LifeNews

1 Sa 6 Na Adult Sa Mundo Ay Hindi Magkaanak, Mayaman Man O Mahirap: WHO Infertility Report

Hinihikayat ng World Health Organization ang pagkakaroon ng access sa reproductive treatment.
PHOTO BYFreepik

May kasabihan na isang biyaya ang pagkakaroon ng anak. Kaya maraming mag-asawa ang masugid na sumusubok makabuo, ika nga, at sinasabayan ng dasal (pati na pagsayaw sa Obando). Meron ding dumudulog sa doktor at umaasa sa reproductive medicine para maisakatuparan ang kanilang hangarin.

Ang hirap sa pagkakaroon ng anak, o pagkabaog (infertility), ay malaking problema sa buong mundo, ayon sa World Health Organization (WHO). Nakasaad sa kanilang bagong ulat (new report) na apektado ang 17.5% ng adult population, o isa (1) sa bawat anim (6) na tao. Kaya, anila, mahalagang lawakan ang access sa de kalidad at abot-kayang fertility care para sa mga nangangailangan.

Batay ang WHO report sa iba-ibang magkakatulad na pag-aaral na tumakbo mula 1990 hanggang 2021. Isinaalang-alang nila ang mga magkakaibang paraan sa bawat pag-aaral.

Tinuturing ang infertility na isang sakit ng reproductive system ng parehong kalalakihan at kababaihan. Masasabing infertility kapag ang regular na pagtatalik ng walang proteksyon (unprotected sex) sa loob ng 12 buwan ay hindi nagreresulta sa pagbubuntis.

Maaaring magdulot ang infertility ng lubhang stress at stigma, pati na matinding gastos sa pagpapagamot. Kaya malaki rin ang epekto nito sa mental health at psychosocial well-being.

Makikita sa WHO report na limitado lamang ang pagkakaiba ng problema sa infertility sa bawat rehiyon sa mundo. Halos pantay din ang dami ng kaso ng infertility sa mga bansang mataas ang antas ng pamumuhay (high income), katamtaman (middle income), at mababa (low income). Mataas lang nang kaunti ang pagkabaog nang habang-buhay (lifetime prevalence) sa high income (17.8%) kumpara sa middle at low income (16.5%).

Walang diskriminasyon sa pagkabaog, sabi ni Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, ang director-general ng WHO. Ito raw ang mahalagang katotohanan (important truth) na lumabas sa kanilang ulat.

Paliwanag ni Ghebreyesus na ang mataas ng bilang ng apektado ng infertility ay indikasyon ng pangangailangan sa mas malawak na access sa fertility care. Kaya hindi rin daw dapat isang tabi ang usapin ng infertility sa health research at policy. Sa ganitong paraan kasi magkakaroon ng mas malawak na access sa ligtas, epektibo, at abot-kayang paraan para magkaanak.

watch now

Diin ng WHO na kahit malaki ang epekto ng usapin sa infertility, wala pa ring mga sapat na solusyon para matugunan ang problema. Kulang ang solusyon, halimbawa, sa prevention, diagnosis, at treatment (kabilang ang assisted reproductive technology, tulad ng in vitro fertilization (IVF). Mailap pa rin ito sa karamihan dahil sa high costs, social stigma, at limited availability.

Sa kasalukuyan, nanggagaling sa sariling bulsa ng mga nagpapagamot ang gastos sa fertility clinic. Malaking dagok ito sa kanilang kabuhayan kung hindi naman silang mayaman. Kaya isinusulong ng WHO ang pagbibigay ng pansin at tulong mula sa policymakers para matugunan ang problema sa infertility.

Layunin din ng WHO na palawigin pa ang kanilang ulat sa infertility nang maabot pa ang ibang aspeto ng problema.

Basahin dito ang kuwento ng mag-asawang nalampasan ang male infertility.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close