embed embed2
  • Ynez Veneracion Is Excited To Be A Mom Again: 'Araw-Araw Kong Inaayos Ang Gamit Niya'

    She and her non-showbiz boyfriend are expecting their first baby in August.
    by Arniel C. Serato for Pep.ph .
Ynez Veneracion Is Excited To Be A Mom Again: 'Araw-Araw Kong Inaayos Ang Gamit Niya'
PHOTO BY Facebook/Ynez Veneracion, Bundle of Joy Studio
  • Excited ang soon-to-be mommy na si Ynez Veneracion.

    Ngayong araw, July 8, 2021, nag-upload ng kanyang kauna-unahang maternity shoot si Ynez kung saan inanunsiyo niya na apat na linggo na lamang ay isisilang na niya ang kanyang pangalawang anak.

    Sa pamamagitan ng Facebook Messenger, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dating sexy star tungkol sa kanyang pagdadalantao.

    Pandemic baby daw itong maituturing, at nalaman niyang buntis siya noong Disyembre 2020.

    First baby niya ito with her non-showbiz boyfriend Bryan Julius Recto, 27.

    PHOTO BY Facebook/Ynez Veneracion
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kuwento ng 40-year-old star, “First month na delayed ako, nag-check na ako agad.”

    Labintatlong taon ang agwat ng kanilang edad ni Bryan, na dalawang taon na niyang karelasyon.

    Ano naman ang sabi ng panganay niyang anak na si Princess Keilah Del Rosario na magkakaroon na siya ng kapatid?

    Si Keilah ay anak ni Ynez sa dating karelasyong pulitiko.

    PHOTO BY Facebook/Ynez Veneracion

    Lahad niya, “Natuwa. Noon pa kasi talaga siya nanghihingi, baby brother daw. Sabi ko, ‘Hala, e, saan naman ako kukuha?’ Hahaha!

    “Kaya nung nalaman, ayun tuwang-tuwa siya.

    “Tapos, nung seven months preggy ako, sabi niya ilabas na daw.

    “Sabi ko, ‘Teka naman anak hindi pa puwede.’

    “In-explain ko din kung bakit hindi pa puwede. Ano ito? Ginawang laruan, hahaha!”

    Gaano naman siya ka-excited ngayong magiging ina siyang muli?

    Masayang sagot ni Ynez, “Super excited. To the point na halos araw-araw ko inaayos mga gamit niya.

    “Punta ako palagi mall para bumili ng mga damit niya.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "Tapos kung anu-ano na ginagawa kong paglilibang para lang di ko na mapansin kung ilang months or days na lang bago ko siya ilabas.”

    Nakatakdang magsilang si Ynez sa unang linggo ng Agosto via caesarian section.

    Samantala, may plano na nga ba sila ng boyfriend para sa kanilang future?

    Tugon niya, “Wala pa naman as of now, pero nag-iisip at pinag-uusapan na namin ang mga negosyo na puwede namin gawin.”

     

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles