embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Ilang Celebrity Families Binati Ang Bagong Dekada Sa Beach!

    Sa beach ang destinasyon ng ilang celebrity families nitong holiday season.
    by Jocelyn Valle .
Ilang Celebrity Families Binati Ang Bagong Dekada Sa Beach!
PHOTO BY @jackie_forster and @andieigengirl via Instagram
  • Narito ang ilang celebrity parents at kanilang mga pamilya na nakalanggap ng Vitamin Sea ngayong holiday season:

    Andi Eigenmann sa Siargao

    Nitong Pasko ay sinikap ni Andi Eigenmann at kanyang pamilya na makabalik sa Siargao, kung saan sila nakabase. Ilang linggo din kasi silang namalagi sa Metro Manila para sa 8th birthday celebration ng kanyang panganay na si Ellie noong November 23, 2019.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bukod kay Ellie, kasama rin ni Andi na bumiyahe ang kanyang 5-month-old second daughter na si Lilo at ang daddy nito na si Philmar Alipayo, ang current partner niya na surfing champ at Siargao native. Ang beach ang isa sa una nilang pinuntahan sa pagbabalik nila sa isla, at ikinuwento ito ni Andi sa kanyang Instagram post.

    Lahad ng fulltime mom at part-time actress sa caption, “Spending the last day of 2019 the best way we know how! Enjoying the day out with each other with some sun, sand, and the sea! I am incredibly grateful to these three and my life and to welcome the new year with them—my favorite people in the world!”

    Nakapag-bonding na rin sina Andi at Ellie sa sarili nilang pamamasyal na mag-ina “just like old times,” patungkol ni Andi sa mga panahong solo pa niyang anak si Ellie. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Rochelle Pangilinan sa Batangas

    Pagkatapos magdiwang ng Pasko sa kanilang tahanan ay nagbakasyon sila Rochelle Pangilinan, kanyang mister na si Arthur Solinap, at kanilang unica hija na si Shiloh sa Batangas. First time dalhin ng mag-asawa si Baby Shiloh sa beach, at nag-enjoy ito sa pag-swimming. 

    Pahayag ni Rochelle sa kanyang Instagram post, “Alaskador na nanay. Ayaw nga umahon eh pinipilit pa.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ikinuwento pa ng GMA-7 actress na sa beach sand naganap ang “first steps” ng kanyang 10-month-old baby girl, at naiyak daw siya nang masaksihan ito. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Jackie Forster sa Boracay

    Masaya si Jackie Forster na sa Boracay family holiday trip ay nakapiling nila ang grown-up son niyang si Kobe Paras, ang pangalawa sa mga anak niya sa ex-husband na si Benjie Paras. Samantala, ang kuya ni Kobe na si Andre Paras ay nasa Japan, base sa Instagram feed ni Andre. Nawalay si Jackie kina Kobe at Andre nang mahabang panahon, ngunit noong April 2018 ay nagkalapit silang muli ni Kobe. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa Boracay ay nagkaroon ng pagkakataon na maka-bonding ni Kobe ang younger siblings niya sa mother side na sina Jared, Caleigh, at Yohan. Hindi madalas nangyari ito nang mga nakaraang mga taon dahil nakabase sina Jackie sa China, kung saan nadestino ang kanyang Caucasian husband na si Michel Franken.  

    Tinawag ni Jackie ang kanyang mga anak na “may sunshine after any storm” sa kanyang Instagram post. Dagdag niya sa isa pang post, “One part of my journey is still being uncovered, but it will come soon, I can feel it.”

    Ibinalita niya rin na nagbalik-bayan na silang mag-anak. Aniya, “We have moved back home. God is good! Everything indeed happens in His perfect time.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Joross Gamboa sa Boracay

    Nagpunta rin ng Boracay si Joross Gamboa kasama ang kanyang non-showbiz wife na si Katz at kanilang two boys na sina Jace Kyler at John Kody. Inabutan sila ng bagyo sa isla kaya hindi siya kaagad nakapagbigay ng holiday greetings sa kanyang social media followers.

    Paliwanag niya, “Now lang nakapag-Instagram. Walang signal, kuryente at WiFi sa Boracay dahil sa Signal#3 na typhoon noong araw ng Pasko, pero ok na ngayon naka recover na ang Boracay.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Georgina Wilson sa Palawan

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagkaroon ng pagkakataon si Georgina Wilson at ang kanyang pamilya na magbakasyon sa Palawan bago pa maging busy sa holidays. Nag-island hopping sa El Nido ang Filipino-British model-entrepreneur, kanyang British husband na si Arthur Burnand, at kanilang two boys na sina Archie, 3 years old, at Alfie, 5 months old. 

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles