embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • La Union Getaway Ng Pamilya! Dito Magandang Pumunta At Masarap Kumain

    Narito ang ilan sa mga highly recommended tourist destinations, tulugan, at kainan sa La Union.
    by Vienna Mae Urbiztondo .
La Union Getaway Ng Pamilya! Dito Magandang Pumunta At Masarap Kumain
PHOTO BY iStock
  • Kapag narinig ang La Union, ang unang naiisip ng mga tao ay beach o di kaya ay dagat. Kilala ito bilang isa sa mga pinakamagagandang surfing destinations dito sa Pilipinas. Katunayan, may surf break pa nga ang mga La Union locals taon-taon, tuwing Oktubre. Isa ito sa mga malalaking events sa La Union na nakakahikayat ng mga turista. Isa rin ito sa mga magagandang paraan para maipakilala sa buong bansa at sa buong mundo ang kagandahan ng La Union.

    Maliban sa karagatan at mga malalaking alon, madaming kainan at pasyalan na tiyak na kagigiliwan ng inyong buong pamilya. Kahit anong edad, may magagawa at mapupuntahan kayo kapag nagbakasyon kayo dito sa La Union.

    Paano pumunta sa La Union mula Metro Manila?

    Mula Metro Manila, kailangan mo lang pumunta sa Cubao o Pasay para makasakay ng bus papuntang San Fernando, La Union. Aabutin ng anim hanggang pitong oras ang biyahe at nasa Php436 hanggang Php534 ang pamasahe. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Saan magandang tumuloy sa La Union?

    Ngayong mas nakikilala na ng bansa ang La Union, mas marami nang turista ang pumupunta dito kahit hindi pa peak season. Dahil diyan, kabilaang resorts at hotels na ang makikita mo rito—hindi ka mauubusan ng pagpipilian pagdating sa matutuluyan. 

    Bauang, La Union

    Ilan sa mga magagandang tuluyan sa Bauang, La Union ay ang Marand Resort and Spa, Maritoni Bali Suites & Villas, San Luis del Mar, Villa Veronica, at White House Beach Resort.

    San Fernando, La Union

    Kung sa San Fernando, La Union ka naman pupunta, mainam tumuloy sa Sea Park Beach Resort & Restaurant, Ashburn's Transient, Natures Healing Home, at Blue Marlin Resort.

    San Juan, La Union

    Pinaka-sikat na puntahan ang San Juan, La Union kaya mas marami kang pagpipilian dito pagdating sa mga tutuluyan. Ilan sa mga pinaka-maganda ay ang Costa Villa Beach Resort, Isla Bonita Beach Resort, Kahuna Beach Resort and Spa, Puerto De San Juan, San Juan Treasure Resort, La Playa Ursula, North Coast Beach Resort, at Sebay Surf Central.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Urbiztondo, La Union

    Kung gusto mo namang makatipid, sa Urbiztondo, San Juan, La Union ka dapat pumunta. Kadalasan, dito namamalagi ang mga solo backpackers. Ilang sa mga magagandang tuluyan dito ay ang Flotsam and Jetsam o kaya naman ay ang The Circle Hostel.

    More from Smart Parenting

    Anu-ano ang mga patok na tourist destinations sa La Union?

    Kung tourists destinations lang naman ang pag-uusapan, marami iyan sa La Union. Pinaka-popular na nga ang kanilang mga beaches na bukod sa ubod ng ganda, naglalakihan pa ang mga alon—tamang-tama kung gusto mong matutong mag surfing.

    Urbiztondo Beach

    Kilalang destinasyon ng mga mahilig mag surfing ang Urbiztondo, San Juan La Union. Mula Oktubre hanggang Marso matataas ang alon na swak na swak sa pag susurfing. Sa dalampasigan, maraming surfer ang nag aalok ng surfing lessons sa halagang Php400 kada isang oras.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Marami ring marerentahang surfing boards na nagkakahalaga ng Php200 kada oras o Php500 para sa kalahating araw. Kahit wala kang karanasan sa surfing, maraming paraang ino-offer ang La Union beaches para matutunan at ma-enjoy mo ito.

    Pwede din naman mag swimming sa karagatan o sa mga pools sa mga resorts malapit sa dalampasigan. Siguraduhin lang na bantayan ang mga bata dahil matataas ang alon.

    Tangadan Falls

    Kung wala namang hilig sa surfing o sawa na sa swimming pool at dagat, subukan naman ang Tangadan Falls sa San Gabriel, La Union. Malinis ang tubig, para kang minamasahe sa waterfalls showers nito. Maaring mag cliff diving at sumakay sa mga bankang gawa sa kawayan. Napaka ganda ng tanawin, siguradong marerelax ang mga nanay habang nakababad sa malamig na tubig.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Php30 lang ang entrance fee at Php500 naman ang bayad para sa mga tourist guides.

    Bacnotan Beach

    Ang La Union ay isa sa may pinaka-magagandang sunset views sa buong Pilipinas—diyan kilala ang Bacnotan Beach. Bukod pa sa makapigil hiningang views, magaganda rin ang pasyalan, kainan, at tuluyan dito. Mataas din ang mga alon, kaya may mangilan-ngilang nagsu-surfing dito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mabato at malakas ang alon sa dalampasigan kaya naman kalimitan ay mga pro surfers lang ang narito. 

    More from Smart Parenting

    Balaoan La Union

    Unti-unti na ring nakikilala ang Balaoan, La Union dahil dito matatagpuan ang Immuki Island. Ito'y nasa Barangay Paraoir. Dito mo makikita ang isang nakatagong yaman—isang napakalinaw na lawa. Sa katunayan, sa sobrang linaw nito, makikita mo ang mga isdang lumalangoy sa tubig, maging ang nag-gagandahang rock formations. Napapalibutan ang lawa ng mga mangroves at patay na coral reefs.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang maganda pa dito, walang bayad ang pagpunta. Ngunit para masigurong mapapahalagahan at mapapanatili ang kagandahan nito, kailangan mo pang magparehistro sa Barangay Hall bago makapunta.

    Kung pupunta kayo, siguraduhing may dala kayong underwater slippers dahil mabato ang lawa at hindi ito pwedeng lakarin ng nakapaa. Tuwing high tide, may mga bankang maaaring rentahan para malibot ninyo ang buong lawa.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tuwing hightide, may mga bankang gawa sa kawayan ang maaring rentahan para malibot ang lawa.

    Balay-Anito Falls Santol, La Union

    Matatagpuan sa hilagang bahagi ang Balay-Anito falls, sa Banbanaba, Lettac Sur, Santol, La Union. Nasa 20 feet din ang lalim ng lawa nito, tahimik at hindi gaano mainit ang klima dito. Paborito din itong daanan ng mga nagbibisikleta o motorsiklo sa kabundukan dahil sa mga matatarik na daan nito. Pakiusap lamang ng lokal na pamahalan na huwag sanang dumihan ang lugar na ito upang mapanatili ang kaganadahan nito.

    Bahay na Bato, Pebble Beach, Namacpacan Church sa Luna, La Union

    Ang Bahay na Bato ay isa sa pinaka bagong dinarayo ng mga tao dahil sa kakaibang pagkakagawa ng bahay. Sa harapan nito makikita ang sikat din na Luna Pebble Beach. Pagmamay-ari ito ng mag-asawang sina Dr. Edison and Dr. Purita Chan-Noble. Napaka-tahimik dito at napakaganda ng mga gawa sa kahoy na sculptures sa loob ng bahay na likha ng koreanong artist na si Bong Kim.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi nalalayo sa Bahay na Bato makikita ang simbahan ng Namacpacan na kilala bilang isa sa pinaka malaking simbahan sa La Union. Ilang hakbang mula dito makikita naman ang Luna Watchtower, na ginamit pa noong panahon ng mga kastila.

    More from Smart Parenting

    Ma-Cho Temple

    Habang nasa San Fernando La Union, maaring dumaan muna sa Ma -Cho Temple. Nagiisang templo ito na itinayo para sa Chinese sea-goddess na si Mazu. Pinaka attraction nito ang matatayog na pintuan nito at ang napaka raming chinese decorations na makikita sa loob ng templo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    La Union grape farms

    Madadaanan sa Bauang La Union ang mga magkakatabing taniman ng ubas na pwedeng puntahan. Karaniwang attraction dito ang “grapes picking” marami ang nae-enganyong bumaba at sumubok mamitas dahil sa ganda ng tanawin at sariwang sariwa pa ang mga ubas.

    Ang ilan sa mga taniman ng ubas na pwedeng puntahan ay Lomboy Grape Farm, Gapuz Grape Farm, Mangguera Grape Farm at Calica Grape Farm.

    More from Smart Parenting

    Saan masarap kumain sa La Union?

    Hindi makukumpleto ang gateaway ng pamilya kung hindi matitikman ang mga pagkaing dito lang sa La Union makikita.

    Dinarayo ang Halo-Halo De Iloko sa San Juan La Union, dahil dito matitikman ang iba’t-ibang Filipino cuisines. Pinaka patok sa menu nila ang Okoy Tikyosko at ang kanilang Buko halo-halo.

    Kung murang pagkain naman ang hanap, ang Tagpuan sa San Juan ang dapat pumunta. Maliit lamang ang kainang ito, katulad ng mga carinderia. Masarap at mabenta ang kanilang tapa, bagnet at mami. Bukas sila mula Miyerkules hanggang Lunes.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maari ring subukan ang mga kainan sa surfing area tulad ng Olas Banditos kung mahilig sa mexican food, Mad Monkeys para sa burger at pasta, Surf Shack para sa mga cocktail drinks at pampalamig, at Hungry Nomad Kitchenbar para sa mga mahilig ng pizza at pasta.

    Ang pinakamasayang paraan para ma-enjoy ang paglilibot sa La Union ay kung didiretso kayo rito pagkatapos ninyong pumunta ng Baguio. Masarap magtampisaw sa beach pagkatapos ang ilang araw ng pagpapalamig sa City of Pines.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles