embed embed2
  • Out Of Town Ang Pasko Nina Assunta, Jackie, Sarah At Fatima

    Pinili ng mga celebrity families na ito bumiyahe ngayong Christmas season.
    by Jocelyn Valle .
  • May ilang celebrity families ang piniling bumiyahe ngayong Christmas season kung hindi man sa kanilang hometown ay doon sa may beach. Ang mahalaga, magkakasama sila at maligaya ang kanilang pagdiriwang ng Kapaskuhan.

    Assunta de Rossi and Family

    Naibiyahe na ni Assunta de Rossi si Fiore, ang baby girl nila ng asawang si Jules Ledesma, noong umaga ng bisperas ng Pasko. Lulan ng chartered plane, nagtungo ang mag-anak papunta sa hometown ng dating congressman sa San Carlos, Negros Occidental.

    Ikinuwento ni Assunta sa caption ng kanyang Instagram post kung anong nangyari habang nakasakay silang mag-ina sa eroplano. Aniya, “This is how Fiore spent her 2nd month. She was asleep the whole flight and super bait.”

    Kinagabihan sa kanilang destinasyon, kasama na nila Assunta at Baby Fiore si Jules at ang mga anak ni Jules sa late wife niya na sina Cristina at Carlo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lahbati-Gutierrez Family

    Ilang araw bago ang Pasko, bumiyahe si Richard Gutierrez, kanyang asawang si Sarah Lahbati, at kanilang 2 boys na sina Zion at Kai patungong Boracay. 

    Hindi naitago ni Sarah ang saya pagdating sa isla. Kaya sabi niya sa kanyang Instagram post, “Finally, some much needed family time, fresh air, and the ocean.”

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    At sinulit naman nilang mag-anak ang bakasyon.

    Jackie Forster and Family

    Boracay din ang destinasyon ni Jackie Forster, ang kanyang asawang si Michael Franken, at kanilang mga anak: Jared, Yohan, at Caleigh. Kasama rin ang older kids ni Jackie na sina Andre at Kobe Paras.

    Kaya pahayag ng mother of five sa Instagram, “Finally, we are complete.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi nag-aksaya ng oras ang mag-anak, lalo na ang mga magkakapatid, sa pag-swimming at pag-enjoy sa kanilang bonding time. 

    Hideo Muraoka and Family 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kinasabikan ni Hideo Muraoka ang pagpunta sa beach kaya sa Boracay niya dinala ang asawang si Fatima Rabago at kanilang mga anak na sina Danda at Kenzo. Hindi naman nabigo ang Japanese-Brazilian model at kanyang pamilya sa pagkakawili sa isla.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles