breastfeeding baby,breastfeeding,Tagalog,Watsons,Lazada,Smart Parenting Village,Shopee,spv lifestyle,chatnshop,affiliate,updated affiliate,r08-judy,scr24,How to Increase Breast Milk Supply | Smart Parenting,breastmilk, smartparenting village, malunggay, tagalog, how to increase milk, People & Society,Family & Relationships,Family and Relationships,breastfeeding,breastfeeding milk,breast milk,breastfeeding mom, what to buy, where to buy,Here are some of the tried and tested ways to increase your breast milk supply from Smart Parenting Village moms.
ParentingBaby

6 Na Subok Na Paraan Para Dumami Ang Iyong Breast Milk

Ito ang mga tried and tested tips at gamit ng mga nanay na pwede mong mabili online.
PHOTO BYiStock

Fact-Checked by Ronna Capili Bonifacio

Ang article na ito ay unang naipublish noong Oktubre 8, 2019. Nadagdagan ito ng updates noong Abril 29, 2024.

Products and services recommended on our websites are independently selected by our editors. If you buy something through our links, Summit Media may earn an affiliate commission at no extra cost to you. 

Bawat bagong ina ay naghahangad na mapasuso ang kanilang anak paglabas nito sa kanilang sinapupunan. May mga inang maswerte na nagkakaroon ng gatas ilang oras matapos mag-latch ng kanilang mga anak, ngunit hindi maikakailang may mga inang kahit anong gawin ay hindi talaga nilalabasan ng gatas.

Kalimita’y nagiging sanhi ito ng baby blues o di naman kaya ay stress, dahil nakakaramdam ng pressure ang mga bagong ina na makapagpasuso. Kung isa ka sa mga nakakaramdam ng matinding lungkot at disappointment dahil hindi mo ma-breastfeed ang iyong anak, narito ang ilan sa mga subok na paraan para dumami ang iyong breastmilk, ayon sa mga nanay sa Smart Parenting Village: 

Subok na paraan para dumami ang breast milk

1. Uminom ng maraming tubig bago at pagkatapos sumuso ni baby

Napakasimple kung tutuusin ngunit hindi lahat ng bagong ina ay naiisip ito. Ayon sa isang ina sa Village, dati ay wala talaga siyang gatas. Ngunit pinayuhan siya ng kanyang doktor na uminom ng maraming tubig at kumain ng mga ulam na masabaw. Saka niya napansing dumarami na nga ang kanyang gatas.

2. Kumain ng lactation treats

Kung naghahanap ka ng masarap na paraan para paramihin ang iyong breastmilk, subukan mo ang milking bombs. Ito ay mga lactation desserts na gawa sa mga masustansiyang ingredients na nakakatulong sa pagpaparami ng breastmilk. Isa sa mga pinakasikat na milking bombs ay ang kay Bettinna Carlos, ang Milking Bombs by ABC (@milkingbombsbyabc sa Instagram). Ilan sa mga variants na maaari mong pagpilian ay ang kanilang brownies, “crinkoats”, at malunggay pandecitos.

3. Uminom ng malunggay capsules o supplements

Isa sa mga pinakamabisang paraan para magparami ng breastmilk ay ang uminom ng malunggay supplements tulad ng Mega Malunggay. Ayon pa sa kanila, makakatulong din kung maglalaga ka ng malunggay na siya mong iinumin araw-araw. Kung ayaw mo ang lasa ng plain malunggay, ihalo mo ito sa iyong ulam tulad ng tinola, nilaga, monggo, at halaan soup. 

watch now

Maaari mo ring lagyan ng malunggay flakes ang iyong pagkain. Isa ito sa pinaka epektibo sa lahat ng tips na nakuha namin sa Village. Ang isang kilo ng malunggay flakes ay nagkakahalaga ng Php650 sa supermarket.

Narito pa ang ilang supplements na highly recommended ng mga Smart Parenting Village moms:

1. Mother Nurture Chocolate/Coffee Drink

Mabibili sa:

- Mother Nurture 7-in-1 Coffee Lactation Drinks, Php 140 sa Valianne's Trends LazMall, Valianne's Trends Shopee Mall, at Value Thrift Mart Shopee Mall

- Mother Nurture 7-In-1 Coffee Mix, Php 140 sa CEO Emporium Shopee Mall

- Mother Nurture 7-In-1 Choco Mix, Php 140 sa CEO Emprion Shopee Mall

    2. M2 Tea Concentrate

     Mabibili sa:

    - M2 Malunggay Okra Luya Concentrate Tea Drink 300ml, Php 120 sa Babymama LazMall at Babymama Shopee Mall, Mommy Mundo

    - M2 Malunggay Okra Luya Concentrate Tea Drink 1L, Php 290 sa Babymama LazMall, Babymama Shopee Mall, Watsons, Naturearth, Babyzen, Mommy Mundo

    - Php 238 sa Landmark

    - Babymama, Robinson’s Supermarket, Andok’s (Php250 per liter)

    3. Spirulina

    Mabibili sa:

    - Puritan's Pride Spirulina 500mg 100 tablets, Php 1,169 mula sa Php 1,286 sa Puritan's Pride LazMall at Php 1,169 sa Shopee Supermarket

    - Amazing Food Supplement Organic Spirulina 500mg Capsules Box of 100, Php 160.37 mula sa Php 700 sa Amazing Food Supplements LazMall

    - Amazing Food Supplement Organic Spirulina 500mg Capsules Bottle of 100 Set of 2, Php 313.61 mula sa Php 1,000 sa Amazing Food Supplements LazMall

    - Swanson Certified Organic Spirulina 500 MG 180 Tabs Antioxidant, Php 562 mula sa Php 1,100 sa Swansons Vitamins LazMall

    - Spirulina + Premium Blue-Green Algae Potent Immune Booster Superfood 500 mg, Php 745 mula sa Php 1,900 sa Herbs of the Earth LazMall

    4. Maca Powder

    Mabibili sa:

    - The Superfood Grocer Organic Maca Powder 227g, Php 675 mula sa Php 750 sa The Superfood Grocer LazMall

    - Organic Black Maca Root Powder, Php 355.88 mula sa Php 385 (75g) at Php 640.59 mula sa Php 720 (150g) sa UrganGreens Market Official sa LazMall

    - Organic Red Maca Root Powder, Php 283.58 mula sa Php 365 (75g) at 511.92 mula sa Php 680 (150g) sa UrbanGreens Market Official sa LazMall

    - Navitas Organics Organic Maca Powder 113g, Php 550 sa Nova Wellness Store LazMall

    - GPGP GreenPeople Herbal Maca Root Extracts, Php 163.50 mula sa Php 388 sa GPGP GreenPeople sa LazMall

    5. Natalac

    Mabibili sa:

    - NATALAC Moringa Oleifera 250mg Capsule 1 Capsule, Php 11 sa Watsons LazMall, Watsons Shopee Mall, at Watsons

    - Natalac Malunggay Capsule 10's, P115 sa Muramed LazMall at sa Muramed Shopee Mall

    - Natalac 250 mg Capsule 20s, Php 210 sa Southstar Drug LazMall at Php 255 sa Southstar Drug Shopee Mall

    4. Mag-unli latch

    Kung bahagi ka ng Smart Parenting Village, madalas mong makikita ang advice na ito. Ang ibig sabihin ng unli latch ay hahayaan mo lang si baby na sumuso hanggang kaya at gusto pa niya. Gayahin mo ang ginawa ni Bianca Gonzales. Natutunan niya na baby talaga ang pinakamagaling mag-pump ng milk. Ayon pa sa kanya, magkaiba ang makukuha mong gatas sa pag-pump, kumpara sa makukuha mong gatas kapag direkta mong pinasuso si baby.

    5. Uminom ng vitamins

    Ayon sa American Academy of Pediatrics, makakatulong ang paginom ng vitamin D, iron, folic acid, at calcium supplements. Tandaan na ang content o komposisyon ng iyong breastmilk ay nakadepende sa iyong iniinom at kinakain. Kung hindi masustansya ang iyong pagkain at kung palagi kang dehydrated, malaki ang chance na kaunti lang ang magiging gatas mo.

    1. Vitamin D

    Mabibili sa:

    - I-Fern D 120's 1000 IU, Php 1,280 sa i-Fern LazMall

    - Forti-D 800IU 10 Tablets, Php 70 sa Unilab LazMall

    - Swisse Ultiboost Vitamin D Calcium Immune Healthy Bones 250 Soft Capsules, Php 1,071 sa Swisse Official Mall LazMall

    - BUY 1 TAKE 1: Forti-D 100 Capsules + 100 FREE Capsules, Php 700 mula sa Php 1,400 sa Unilab LazMall

    2. Iron supplements

    Mabibili sa:

    - Multivitamins + Iron (Iberet Active) 30s tablet, Php 989 sa Abbott LazMall

    - Sangobion Iron Plus 30 Capsules, Php 840 sa Watsons LazMall

    - Sangobion Iron+ Capsule 10's, Php 280 sa Muramed LazMall

    3. Folic acid supplements

    Mabibili sa:

    - Folic Acid 400 mcg 250 tablets, Php 419 sa Puritans Pride LazMall at Puritans Pride Shopee Mall

    - Swanson Folic Acid 800 MCG 250 Caps, Php 316 mula sa Php 700 sa Swansons Vitamins LazMall

    - RiteMED Folic Acid 5mg, Php50 (10 tablets), Php100 (20 tablets), Php 501 (100 tablets) sa RiteMed Shopee Mall

      4. Calcium supplements

      Mabibili sa:

      - United Home Calactate 325Mg 100 Tablets, Php 100 sa Unilab LazMall

      - United Home Calactate 650Mg 100 Tablets, Php 184 sa Unilab LazMall

      - Calci-Aid 30s Calcium Supplement Soft Gel 30 Capsules, Php 191 mula sa Php 381 sa Bayer Consumer Health LazMall

        6. Magpadede sa magkabilang suso

        Epektibo ang unli latch dahil ang milk production ay isang demand-supply system. Mas madalas mong pinapasuso ang iyong anak, mas gagawa ng gatas ang suso mo. Kaya mahalaga ring parehong suso ang iinuman ni baby upang makuha nila ang foremilk at fatty hindmilk na panggagalingan ng mga nutrients na makakatulong sa kanilang paglaki.

        Bukod pa sa mga supplements at techniques na ito, importante rin ang regular na pag pump at ang pag-iwas sa stress. Kailangan matulog ka kapag tulog si baby para mapahinga ang iyong katawan at isip—mas stressed ka, mas mahihirapan ang katawan mong mag-produce ng gatas. 

        Mga Pangmatagalang Benepisyo ng Pagpapasuso para sa Ina at Anak

        Ang pagpapasuso ay hindi lamang isang paraan ng pagpapakain sa sanggol; ito ay mayroon ding mga benepisyo na umaabot sa mahabang panahon para sa parehong ina at anak. Sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO) at iba pang institusyong pangkalusugan, mayroong malalim na ebidensya na ang prolonged breastfeeding ay may mahalagang papel sa kalusugan at kapakanan ng mag-ina.

        Para sa Anak

        1. Mas Mahusay na Kalusugan sa Pangkalahatan

        Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mga batang eksklusibong napasuso hanggang anim na buwan at nagpatuloy sa pagpapasuso kasama ang komplementaryong pagkain hanggang dalawang taon at higit pa ay may mas mababang insidente ng mga karaniwang sakit tulad ng sipon, trangkaso, at gastroenteritis.

        2. Pag-unlad ng Utak

        Maraming pag-aaral, kabilang ang isa mula sa American Academy of Pediatrics ang nakapagtala na ang mga batang napasuso ng mas matagal ay may mas mataas na IQ scores at mas mahusay na kasanayan sa pag-aaral kumpara sa mga hindi napasuso.

        3. Pagbawas ng Panganib sa Chronic na Sakit

        Research mula sa Lancet ay nagpapakita na ang prolonged breastfeeding ay nakakabawas sa panganib ng Type 2 diabetes at obesity sa mga bata habang sila ay lumalaki.

        Para sa Ina

        1. Pagbabawas ng Panganib sa Kanser

        Isang pag-aaral mula sa National Institutes of Health (NIH) ang nagsabi na ang pagpapasuso ng mahabang panahon ay nauugnay sa mas mababang tsansa ng pagkakaroon ng breast at ovarian cancer sa mga ina.

        2. Natural na Contraception

        Sa mga unang buwan pagkatapos ng panganganak, ang prolonged breastfeeding ay kumikilos bilang isang natural na paraan ng contraception, na kilala bilang Lactational Amenorrhea Method (LAM), na epektibo sa loob ng unang anim na buwan kung ito ay ginagawa nang eksklusibo, ayon sa WHO.

        3. Pagbabawas ng Panganib sa Osteoporosis

        Ayon sa Journal of Bone and Mineral Research, ang mga kababaihan na nagpasuso ng matagal ay may mas mataas na bone density at mas mababang panganib ng pagkakaroon ng osteoporosis sa katandaan.

        4. Mental Health Benefits

        Ang pagpapasuso ay nauugnay din sa mas mababang panganib ng postpartum depression at nagbibigay ng emosyonal na benepisyo sa ina dahil sa pagtaas ng hormone na oxytocin, na kilala bilang 'love hormone', na makatutulong sa pagbuo ng isang malapit na bond sa pagitan ng ina at anak, sabi ng American Psychological Association.

        Ang mga benepisyo ng prolonged breastfeeding ay sumusuporta sa rekomendasyon ng WHO na ipagpatuloy ang pagpapasuso hanggang dalawang taon at higit pa. Ang desisyon kung gaano katagal magpapasuso ay personal at maaaring magkaiba sa bawat ina, ngunit mahalagang isaalang-alang ang mga benepisyong pangkalusugan na ito sa paggawa ng desisyon.

        Frequently asked questions ukol sa breastfeeding

        1. Paano ko malalaman kung sapat ang nakukuhang gatas ng aking sanggol sa pagpapasuso?

        Ang mga senyales na sapat ang nakukuhang gatas ng sanggol ay kinabibilangan ng regular na pag-ihi (mga 6 na basang diaper kada araw), pagdumi ng 3 o higit pang beses sa isang araw, at mabuting pagtaas ng timbang. Ayon sa American Academy of Pediatrics, kung ang iyong sanggol ay aktibo, alerto, at mukhang malusog, ito ay magandang indikasyon na sapat ang kanyang nakukuhang nutrisyon mula sa gatas ng ina.

        2. Ano ang mga senyales ng mabuting pagkakalatch at paano ko mapapabuti ang pagkakalatch ng aking sanggol?

        Ang mabuting pagkakalatch ay nakikita kung ang buong areola o mas maraming parte ng areola ay nasa loob ng bibig ng sanggol kaysa sa labas. Dapat din ay nakatutok ang ilong ng sanggol sa suso, at maririnig ang ritmikong paglunok. Para mapabuti ang latch, maaaring kailanganin mong ayusin ang posisyon ng iyong sanggol at tiyakin na bukas ng malaki ang kanyang bibig bago siya dumede. Inirerekomenda ng La Leche League International na kumonsulta sa isang lactation consultant kung mayroon kang patuloy na problema sa pagkakalatch.

        3. Mayroon bang partikular na mga pagkain na dapat iwasan sa panahon ng pagpapasuso upang maiwasan ang pagbaba ng produksyon ng gatas?

        Bagaman walang tiyak na listahan ng pagkain na direktang nakakaapekto sa produksyon ng gatas para sa lahat ng ina, may ilang inang nakakaranas ng pagbaba sa supply ng gatas dahil sa labis na pagkonsumo ng menthol, sage, at peppermint. Ayon sa Kellymom, isang respetadong mapagkukunan sa breastfeeding, mahalagang obserbahan kung paano tumutugon ang iyong katawan sa iba't ibang pagkain at inumin.

        4. Ano ang dapat kong gawin kung ako ay nagpapasuso at kinakailangan kong uminom ng gamot?

        Mahalagang kumonsulta sa iyong doktor bago uminom ng anumang gamot habang nagpapasuso. Maraming gamot ang ligtas sa pagpapasuso, ngunit may ilan na maaaring makaapekto sa iyong gatas o sa iyong sanggol. Ang Drugs.com ay may tool na maaaring magamit para sa pagsuri kung ligtas ang isang gamot sa panahon ng pagpapasuso.

        5. Maaari ba akong magpatuloy sa pagpapasuso kung kailangan kong bumalik sa trabaho, at ano ang mga pinakamahusay na kasanayan para sa pagpump sa trabaho?

        Oo, maaari kang magpatuloy sa pagpapasuso kahit na bumalik ka na sa trabaho. Mahalaga ang pagkakaroon ng regular na iskedyul ng pagpump upang mapanatili ang milk supply. Inirerekomenda ng U.S. Department of Labor na magbigay ang mga employer ng pribado at malinis na lugar para sa mga inang nagpapasuso na makapag-pump sa trabaho. Maghanda rin ng sapat na bilang ng sterile na containers at isang maaasahang breast pump. Ang pag-iimbak ng gatas sa tamang temperatura at ang regular na pagpump ay makakatulong upang magpatuloy ang produksyon ng gatas kahit na ikaw ay nasa trabaho.

        Mayroon ka bang mga tips, tricks, o secrets sa pagpaparami ng iyong breastmilk? I-share mo na sa mga nanay sa Smart Parenting Village. 

        Links are updated regularly and as much as possible but note that products can run out of stock, discounts can expire and listed prices can change without prior notice.

        Trending in Summit Network

        lorem ipsum

        Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

        Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
        Read more
        lorem ipsum

        Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

        Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
        Read more
        lorem ipsum

        Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

        Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
        Read more
        Close