Marami ang naka-relate kay Angelica Panganiban nang mag-post ito sa Instagram ng pictures ng kanyang anak na natutulog nang magkatabi sa kama o tinatawag na co-sleeping ngayong February 23.
Ani ni Angelica, sobrang clingy daw ni Amila Sabine o Bean at ayaw nito magpaiwan sa crib kaya naman natulog sila nang magkatabi. May sariling kuwarto si Bean na nakadikit sa kanilang master's bedroom kung saan meron itong baby monitor.
"As a kabadong mom, na hindi sanay mag-co-sleep, ngalay na ngalay po tayo ngayon opo. Walang galawan ang ina, at outside the kulambo naman ang ama hay…" pahayag ng aktres.
Dagdag pa niya, "Magandang umaga sa lahat! Lalo na sa mga ina na more more ang body pain."
BASAHIN: Angelica Panganiban Gets Real, '5 Months Na Kaming Half-Asleep,' And It's Far From Over
Relate na relate ang mga nanay sa comment section, kabilang ang mga celebrity moms na sina Iya Villania, Chynna Ortaleza, at Liz Uy.
Nang ipost namin ang litrato nila sa Smart Parenting Facebook page, maraming nanay rin ang nakadama ng ngalay ni Angge. Ang iba ay nagbigay ng kanilang mga tips sa co-sleeping para sa bagong ina.
"Me since day 1 hanggang ngayon, seven years later. Imagine 7 yrs nang ngalay ang braso ko," sabi ng isang nanay.
"Laban Mami angge ganyan talaga pag my baby palambing," ayon naman sa isa.
BASAHIN: Angelica Panganiban's Baby Monitor Is Every Mom's Dream--Here's Where To Buy It
Safe ba ang co-sleeping?
Ayon sa mga pag-aaral, talaga namang may benepisyo ang co-sleeping hindi lang sa mga nanay kundi pati sa mga anak. Ayon sa isang eksperto pagdating sa Sudden Infant Death Syndrome (SIDS) na si Dr. James McKenna, pabor siya sa co-sleeping para sa mga batang higit 3 buwan. Ayon raw sa statistics, sa mga bansa na madaming magulang ang nag-ku-co-sleeping ang may pinakakaunting insidente ng SIDS.
Higit na nakakatulong din ito sa ina na nagpapadede dahil hindi na kailangang gumising para kunin ang anak sa crib kung sakaling magutom ito at umiyak sa gitna ng pagtulog nito.
BASAHIN: Co-sleeping is Safer for Babies than Cribs, Experts say
“Co-sleeping is humankind’s oldest and most successful method of mother and baby sleeping. The push in the western world to get babies to sleep through the night on their own as young as possible is doing more harm than good. Whether it’s in the same bed or on a separate sleeping area in the same room, no baby should ever sleep outside the direct supervision of an adult," pahayag ni Dr. McKenna.
Samantala, ayon naman sa American Academy of Pediatrics o AAP, mariin nilang ipinagbabawal ang co-sleeping.
BASAHIN: Why Doctors Don't Recommend Co-Sleeping for Babies Under 6 Months
Ang rekomendasyon nila ay dapat natutulog ang sanggol sa parehong kwarto ng magulang ngunit sa ibang higaan, gaya ng crib o bassinet hanggang sa maging 6 na buwan ito.
Paalala rin ng mga eksperto na kung mag-co-sleeping man ang mga nanay at anak nito, dapat walang unan, kumot, o laruan na maaaring maging sanhi ng hirap sa paghinga o pagkasakal nito.
Ayon kay Dr. Philip S. Chua ng Cebu Doctors Hospital, “Over the past several years, research has learned a vital lesson that can help reduce the risk of having SIDS — keep the babies on their back when they sleep." Ito ay dapat i-observe hanggang sa isang taong gulang na ang bata.
Payo naman ng isang nanay kay Angge, magpa-massage at magpahinga para sa ngalay. Welcome to motherhood, where ngalay is life!
Panoorin ang video na ito kung saan sinagot ng isang pediatrician ang mga tanong ukol sa pag-aalaga ng newborn.