embed embed2
  • Binyag Requirements: Anu-Anong Mga Dokumento Ang Kailangan Ihanda?

    Siguraduhing mayroon kang kopya ng mga dokumentong ito, mommy.
    by Vienna Mae Urbiztondo .
Binyag Requirements: Anu-Anong Mga Dokumento Ang Kailangan Ihanda?
PHOTO BY iStock
  • Ang pagpapabinyag ay isang mahalagang okasyon sa buhay ng ating mga anak, kaya naman pinaghahandan ito, ngunit malaki na ang pinagkaiba ng pagpapabigyag noon at ngayon. Kung dati, kailangan mo lang mag-fill out ng baptism form, mamili ng petsa ng binyag, magbayad ng stipend, at ilista ang mga pangalan ng napiling mga ninong at ninang, ngayon ay marami nang ihinahanda ang mga magulang bago pabinyagan ang kanilang anak.  

    Anu-ano ang mga kailangan para makapagpabinyag?

    1. Simbahan kung saan bibinyagan si baby

    Mas mainam piliin ang simbahan na malapit sa inyong tinitirhan para hindi ka mahirapan sa pag-aasikaso. Mas madali na rin itong puntahan sa araw ng binyag ng anak mo. Kung ibang simbahan ang gusto mo, kakailanganin mo munang humingi ng clearance o endorsement mula sa malapit na Parish Church sa inyo bago makapgpa-schedule ng binyag sa iba.

    More from Smart Parenting

    2. Schedule ng binyag

    Madalas, humihingi ng dalawa hanggang tatlong linggong lead time ang mga simbahan para sa schedule ng binyag. Sa ibang simbahan, isang buwan o higit pa ang kanilang hinihingi, depende sa dami ng nagpapaschedule ng binyag sa buwan na iyon. Kaya naman mas mainam kung aagahan ninyo ang pagpapaschedule, o may ibang option date kayo kung sakaling hindi na available ang unang araw na napili.   

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    3. Individual o group?

    Depende ito sa preference ninyong mag-asawa. Maaring mamili kung kayo lang ang magpapabinyag sa araw na iyon o kaya naman ay sasabay kayo sa mga scheduled na binyagang pang maramihan. Ang pagkakaiba lamang nito ay mas malaki ang kailangang bayaran kung nais ninyong solo ang magaganap na binyagan.

    More from Smart Parenting

    4. Bayad

    Hindi pare-pareho ang bawat simbahan pagdating sa halaga ng kailangang bayaran kapag magpapabinyag. Depende din ito sa bilang ng mga kukunin mong ninong at ninang ng inyong anak. 

    5. Birth certificate ng bibinyagan

    Dati, hindi na kailangan ng birth certificate para mapabinyagan ang mga bata. Ngayon, isa na ito sa mga pangunahing requiremtns. Magdala ng original copy at photocopy ng birth certificate para makasigurong tatanggapin ito ng opisina ng simbahan. Iba-iba ang mga patakaran ng simbahan—may iba na tumatanggap ng photocopy lang at may ibang kailangan ay original.

    Para sa mga sanggol na wala pang NSO birth certificate maaaring gamitin ang Certificate of Live Birth mula sa Local Civil Registry.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    6. Marriage Certificate

    Kailangan mo ring magdala ng kopya ng marriage certificate ninyong mag-asawa. Kung hindi payo kasal ng partner mo o 'di naman kaya ay civil rites ang kasal, kailangang umattend ng seminar o interview. Dumadaan din sa ganitong proseso ang single parents bago pahintulutan ng simbahan na mabinyagan ang kanilang anak.

    More from Smart Parenting

    Anu-ano ang mga kailangang ihanda ng mga ninong at ninang?

    1. Catholic Baptismal o Confirmation Certificate

    Hindi sa lahat ng simbahan ay humihingi ng dokumentong magpapatunay na nabinyagan bilang Katoliko ang mga tatayong ninong at ninang. May ibang simbahan naman na pumapayag na isama pa rin sa listahan ng mga ninong at ninang ang mga walang certificates ngunit ang isusulat sa baptisimal certificate ng bibinyagan ay “Witness” tanging mga may confirmation at baptism certificate ang maililista bilang “Principal Sponsor.”

    Kung non-Catholics ang mga napiling ninong at ninang ng bibinyagan, posible pa rin ito, at tulad ng mga Katolikong ninong at ninang na walang dokumento maari pa rin silang maging “Witness” sa binyag. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May ilang simbahan din na may maximum number ng sponsor lang ang pinapahintulot, kaya naman kung sumobra man sa kanilang itinakdang bilang, maari pa rin naman silang maging ninong o ninang ng bibinyagan, ngunit hindi na sila maisusulat sa Baptismal certificate ng bata.

    More from Smart Parenting

    2. Seminar

    Kasama ng mga magulang ang mga napiling ninong at ninang sa Pre-Jordan o Pre-Baptism Seminar. Sa ibang simbahan, ang seminar ay nagaganap 2 oras bago ang binyag, at sa iba namang simbahan ay may schedule na maaring pagpilian basta ang importante ay makadalo sa seminar na ito bago ang mismong binyagan. 

    Anu-ano ang mga kailangan sa mismong araw ng binyag?

    1. Kandila

    May ilang simbahan na sila na mismo ang magbibigay ng gagamiting kandila sa binyagan. Pero choice pa rin naman ng mga magulang na magdala ng kanilang kandila lalo na 'yung mga may inihandang personalized candles. Hindi na kailangang magdala ng lighter o posporo. 

    More from Smart Parenting

    2. Tamang kasuotan

    Hindi kailangang magarbo ang isusuot ng bibinyagan. Importante nakasuot ng puting damit at puting cap o mini veil ang batang bibinyagan. Ganun din sa mga magulang at tatayong sponsors. Pinapahintulutan namang magpantalon kahit ang mga babae. Ang importante ay pormal o Sunday dress ang isusuot at hindi masyadong maiksi o kaya naman ay plunging at backless ang blouses. Huwag magsuot ng tattered pants o shorts maging babae man o lalake. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    3. Photography at Video Coverage

    May ilang mga simbahan na pinapahintulutan ang video at photo coverage ng buong binyag pero may ilan namang simbahan na naglalaan lang ng oras para sa photographers at videographers. Madalas nangyayari ito kapag maramihan ang bibinyagan.

    May mga pari ring hindi gusto na may mga palakad-lakad na photographers habang nagfafacilitate sila ng misa. Mas mainam magtanong muna bago magpabook ng mga photographers at videographers.

    More from Smart Parenting

    4. Venue pagkatapos ng binyag

    Katulad ng damit ng bibinyagan, hindi kailangang magarbo ang pagdadausan ng reception ng binyag. Ang importante ay maipagdiwang ang pagiging bahagi ng bata ng Catholic family. Mag-focus sa pagpapasalamat sa mga taong dumalo sa araw na ito. Pwede mo ring isabay sa unang birthday ng anak mo ang kanyang binyag para isang handaan na lang.

    Ang pinaka importanteng paalala sa tuwing binyag ay pagiging present at on time, dahil ang presensya ng mga taong nagmamahal sa bibinyagan ay nagsisimbulo ng kanilang pagmamahal, hindi lang sa araw kung kelan siya nabinyagan, kung hindi sa buong buhay niya. Ang mga tatayong ninong at mga ninang ay siyang hahalili sa mga magulang upang mapalaki ang bata sa wastong paraan at may takot sa Diyos. Hindi importante ang mga materyal na bagay, bagkus, mas mahalagang oras, malasakit at mga ituturo nila sa kanilang inaanak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles