-
Pwedeng Maging Sanhi ng Kabag ang Breast at Bottle Feeding
Dahil sa kabag, maaaring lumalaki ang tiyan at nagdudulot ito ng pagkairita sa sanggol.by Allan Olga .
- Shares
- Comments

Nangyayari ang kabag kapag nagkakaroon ng maraming hangin sa tyan. Nagiging sanhi ito ng discomfort at cramping kay baby. Maraming nag-iisip na ang pangunahing dahilan ng kabag sa mga baby ay resulta ng bottle feeding. Ngunit nakakakuha din ng hangin si baby kapag breastfeeding.
Mga mungkahi at posibleng solusyon kapag may kabag ang inyong sanggol
Kung medyo lumaki ang tiyan ni baby at may ibang tunog kapag tinatapik, baka may kabag na siya. Dahil sa dami ng hangin, lumalaki ang tiyan at nagdudulot ito ng pagkairita sa sanggol. Kasunod nito ang pag-uunat ng bata ng kanyang mga paa at pagsasarado ng kanyang mga kamao. Kapag hindi ito nalunasan, nagdudulot ito ng pag-iyak ng bata na tumatagal ng ilang oras. Eto pa ang mga pangunahing dahilan kung bakit may kabag si baby.
1. Siguraduhing tama ang paraan ng breastfeeding o pagpapasuso.
Maaaring isang dahilan ng kabag ay ang pagsagap ng maraming hangin ni baby kapag sumususo. Nangyayari ito kapag mali ang kanyang pag-latch. (Basahin dito ang basic breastfeeding positions para maiwasan ang hangin.)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPagdating naman sa baby bottle, humanap ng isa na mayroong mga anti-colic features. (Tignan ang ilang options ng baby bottles sa listahan dito.)
Sinasabing ang madalas na pagdighay habang nagpapasuso ay nakakaiwas sa kabag. Padighayin ang sanggol na breastfed kada 5-10 minuto at ang mga bottle-fed naman kada isang onsa (ounce) ng gatas na nainom.
What other parents are reading
May mga pagkakataon na itataas ng sanggol ang kanyang mga paa sa direksyon ng kanyang tiyan at susundan ng dighay o paglalabas ng hangin (pag-utot) pero baka kailanganin pa rin ni baby ang inyong tulong.
Maaaring kargahin si baby na nakaharap sa inyo o sa karaniwang posisyon kapag magpapadighay. Ang isa pang paraan ay ang pagpapadapa sa sanggol — ilapat ang kanyang tiyan sa inyong mga hita habang hinahagod ang kanyang likod gamit ang bandang pulso ng iyong kamay.
Sundin ang oras ng pagpapasuso kay baby at tiyakin na napapadighay siya pagkatapos dumede.What other parents are reading
2. Iwasang ma-stress si baby
CONTINUE READING BELOWwatch nowAng pagkakaroon ng sobrang taas na emosyon ay nagdudulot ng stress kay baby. Kung sa tingin niyo ay nai-i-stress si baby sa kanyang kapaligiran — maingay o may mga pangyayari na bago sa kanya — hayaang makapagpahinga si baby sa tahimik na kwarto. Ihele siya at hayaang makaidlip.
Maaari ring ma-stress si baby kapag sobrang tahimik, lalo pa’t nasanay siya sa mga naririnig habang siya ay nasa sinapupunan ni nanay — ang tibok ng iyong puso, ang tunog ng iyong tiyan habang siya ay nasa loob, at tunog ng iyong beses.
Makakatulong ang pagkakaroon ng malumanay na ingay kagaya ng iyong pagkanta, ang tunog ng TV set o ng washing machine. Maging ang tunog ng kotse habang siya ay nakasakay ay magandang paraan upang patahanin si baby kung siya ay kinakabag. Nagpapakalma kay baby ang steady rhythmic sound.What other parents are reading
3. Diet ni nanay
Kahit walang history ng food allergy mula sa ina at ama, may 25% tsansa na magkaroon ng food allergies ang sanggol. At lalong malaki ang tsansa na magkaroon siya ng food allergy kung ikaw, si mister, o kayong dalawa, ay may food allergy.
Paalala kay nanay anuman ang iyong kakainin ay makakaapekto sa iyong gatas. Kabilang sa mga pagkaing pwedeng makaapekto sa iyong gatas ay ang dairy products, kagaya ng ice cream, yogurt, cheese, at gatas sa cakes at cookies. Kasama na rin ang mani, tree nuts, itlog seafood o shellfish, soya at iba pang processed soy products, at wheat. Idagdag pa rito ang repolyo, sibuyas, broccoli, at kape.
Pwede ring makaapekto ang paninigarilyo ni nanay. Kung ikaw ay naninigarilyo, maaring ma-expose si baby sa mapanganib na second-hand smoke kahit na hindi ka nagpapasuso.
Dahil iba-iba ang kinakain natin araw-araw, mahirap matukoy kung ano sa mga ito ang posibleng sanhi ng allergic reaction. Narito ang ilang magagandang payo mula sa mga allergist.ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa loob ng isang linggo, tanggalin sa iyong diet ang mga pagkain na sa tingin mo ay posibleng allergens o nagdudulot ng allergy.
- Magdagdag ng isang pagkain sa iyong diet bawat linggo. Halimbawa, idagdag ang mani sa iyong diet sa loob ng isang linggo (pero hindi cookies na may mani, dahil ang cookies ay may dagdag na ingredients na gatas, itlog, at wheat). Pwede mo pa ring kainin ang mga karaniwang pagkaing kinakain mo.
- Mag-obserba. Patuloy na padedehin si baby at obserbahan kung magkakaroon ng kabag si baby sa mga idinagdag mong pagkain.
- Ulitin ang steps 2 at 3 para sa ibang uri ng pagkain. Matrabaho man ang paraang ito, makakatulong ito para matukoy kung ano ang posibleng nagdudulot ng kabag kay baby.
What other parents are reading
4. Subukan ang baby yoga
Hindi lang nakakatulong ang baby yoga para mawala ang kabag kundi nagpapatibay rin ito ng digestive at respiratory systems dahil sa mga ehersisyo para sa kalamnan at posture ni baby. Nakakatulong din ang baby yoga para sa motor skills, posture, balance, mind and body coordination, at bone growth.
Bukod sa nakakaiwas sa kabag, nakakatulong din ito para sa mahimbing na tulog ni baby. Hindi lang ito nakakabuti sa kalusugan ni baby, pinatitibay pa nito ang bond sa pagitan ng ina at anak.ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW5. Stress level ni nanay
Alam ng mga nanay na pagkauwi nila mula sa trabaho ay may mga naghihintay pang obligasyon sa kanila sa bahay, kagaya ng pagluluto at paglilinis. Idagdag pa riyan ang kakulitan ng bata. Tapos, sasabayan pa ng pagkakaroon ng kabag ni baby!
Dahil sabay-sabay ang mga pangyayaring ito, hindi malayong ma-stress ka, at maaring makasama ito kay bata na magpapalubha sa kanyang kabag. Kung stressed ka, maiging huminga muna ng malalim. Humingi ka rin ng tulong kay mister kahit ilang saglit lang para mahismasan ka.
Isipin ang kapakanan ni baby. Kapag naka-recover ka na, mabibigyan na ng tamang pag-aaruga si baby.What other parents are reading
Gamot sa kabag
Kung anuman ang nagiging sanhi ng kabag ni baby, maigi na bigyan siya ng TLC (tender loving care) sa pamamagitan ng baby massage. Iba pa rin talaga ang haplos ng ina. Ayon sa pag-aaral, ang haplos o touch therapy ay nagpapabilis ng paglaki, lalo na sa mga preterm babies. Ang mga batang minamasahe o hinahaplos ay mas relaxed, may mas matibay na immune systems at may regular na sleep patterns. At higit sa lahat, sinasabing naiibsan nito ang kabag at nagpapakalma sa sanggol.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAng pinakamahalagang medical information tungkol sa kabag ay wala itong medical treatment. Dahil iba-iba ang mga baby, maaaring sumubok ang ina ng ibat-ibang paraan na epektibo para sa kanila. Ang good news, kung gaano kabilis mangyari ang kabag ay ganoon din ito kabilis mawala pagdating ng apat o limang buwan ni baby.
Pero pakatandaan, “if symptoms persist, consult your doctor.” Kung sa palagay niyo ay hindi na pangkaraniwan ang lagay ng inyong sanggol, o iba ang sinasabi ng inyong kutob, maaaring tama kayo. Tawagan agad ang inyong pediatrician o family doctor o magtungo sa emergency room. Huwag ipagsapalaran ang kalusugan ni baby.
Ang mga impormasyong nakalahad dito ay mula sa:
Gassy Baby: Breastfeeding Doesn't Need to Stop But Check Your Diet
What other parents are reading

- Shares
- Comments