embed embed2
  • Addicted Si Mommy Sa Disney! Paano Gayahin Ang DIY Milestone Photoshoot Nila

    Hilig mo rin ba ang Disney Princesses at characters?
    by Ana Gonzales .
Addicted Si Mommy Sa Disney! Paano Gayahin Ang DIY Milestone Photoshoot Nila
PHOTO BY courtesy of Angel Eslawan-Malait
  • Kapag paborito mo ang isang bagay, papalibutan mo ang sarili mo ng iba't-ibang versions ng bagay na ito. Ganyan na ganyan si mommy Angel Eslawan-Malait, isa sa mahigit 50,000 na miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Hardcore fan siya ng Disney, mula sa mga characters nito hanggang sa pelikula at mga kanta. Kaya naman hindi na kami nagtaka nang ito rin ang gamitin niyang inspirasyon para sa milestone photoshoot ng kanyang anak.

    What other parents are reading

    "Isa sa dahilan kung bakit paborito ko ang Disney [ay] dahil kapag nakakakita ako ng kahit anong Disney character parang may nagbibigay [sa akin] ng magical feeling. Hindi ko talaga [maipaliwanag] pero ang saya sa feeling," sabi niya sa isang Facebook Messenger interview. "In fact po, sa Tokyo Disneyland nag propose si hubby kasi alam nyang gustong-gusto ko ng Disney," dagdag pa niya.

    Ang paboritong character daw niya ay si Belle [ng Beauty and the Beast], dahil bukod sa maganda ito, hindi ito tumitingin sa panlabas na anyo ng mga tao. Relate din daw siya kay Ariel [ng Little Mermaid] dahil tulad nito, siya rin ay adventurous, brave, at curious.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Kung gusto mong gayahin ang monthly Disney-inspired milestone shoot ni mommy, narito ang breakdown ng cost at listahan ng suppliers niya.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    First Month - Chibi Disney

    Para sa unang buwan ng baby ni mommy, hindi mo pa mahahalata na mahilig siya sa Disney characters. Chibi Disney pa lang ang inilagay niyang kasama ni baby. 

    Kwento niya, regalo lang ang damit kay baby na galing sa Cotton On. Php560 naman ang ginastos niya para sa cake.

    Simpleng Disney reference pa lang ang ginagawa ni mommy dito, pero makikita mong passionate talaga siya pagdating sa Disney theme at characters.
    PHOTO BY courtesy of Angel Eslawan-Malait‎
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Second Month - Snow White

    Ito ang isa sa mga pinakanaunang pelikula ng Disney at isa sa mga pioneers ng animation kaya naman notable talaga ang Snow White.

    Inorder ni mommy ang costume sa isang seller mula sa Facebook Marketplace. Nakuha niya ito sa halagang Php650. Inorder naman ni mommy ang cake sa Leona's Cake sa halagang Php475, habang ang mga props na mansanas ay nabili niya sa halagang Php650.

    Kumpleto talaga with apples ang Snow White theme ni mommy!
    PHOTO BY courtesy of Angel Eslawan-Malait‎
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Third Month - Beauty and the Beast

    Cute na cute naman si baby bilang Belle sa kanyang ikatlong buwan. Nabili ni mommy ang costume sa Lazada (Babyzone) sa halagang Php650. Sa Leona's Cake ulit siya nag-order ng cake ni baby na nakuha niya sa halagang Php450.

    Ito naman ang version ni mommy ng paborito niyang Disney character na si Belle.
    PHOTO BY courtesy of Angel Eslawan-Malait‎
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Fourth Month - Little Mermaid

    Si Ariel naman ang napiling gayahin ni mommy para kay baby sa ikaapat na buwan nito. Inorder ni mommy ang crochet costume sa Handmade by Sabelle (Facebook: @handmadebysabelle) sa halagang Php800. Mayroon itong shipping fee na Php120 kaya umabot ng Php920 ang total cost ng costume ni baby. Sa Tazza Cake (Facebook: @tazzacake) naman nabili ni mommy ang cake na nagkakahalaga ng Php1,100.

    Ang bongga ng mermaid tail ni baby! Kuhang-kuha ang kay Ariel!
    PHOTO BY courtesy of Angel Eslawan-Malait‎
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Fifth Month - Aladdin

    Para naman sa fifth month ni baby, ginaya ni mommy ang Disney princess na si Jasmine. Handmade by Sabelle pa rin ang creator ng kanyang cute costume na nagkakahalaga ng Php1,200—plus shipping fee na Php120. Sa Red Ribbon bumili ng cake si mommy. Php400 ang nagastos niya para dito.

    Pati buhok ni Princess Jasmine, ipinagaya talaga ni mommy!
    PHOTO BY courtesy of Angel Eslawan-Malait‎
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Sixth Month - Sleeping Beauty

    Ginaya naman ni mommy ang isa sa mga unang Disney Princesses para sa ika-anim na buwan ni baby, si Princess Aurora. Ginawa ng Handmade by Sabelle ang costume sa halagang Php650, habang ang cake ay galing sa Leona's Cake, para sa halagang Php400.

    What other parents are reading

    Seventh Month - Alice in Wonderland

    Biyaheng Wonderland naman si baby sa kanyang Alice in Wonderlang-themed seventh month shoot. Umorder ulit si mommy ng costume sa Babyzone sa halagang Php750—kasama na sa halagang ito ang wig at sapatos na mula sa Handmade by Sabelle, plus shipping fee na Php106. Sa La Marea Cake naman umorder si mommy ng cake na nagkakahalagang Php450 lang.

     

    Mukhang masarap ang cake kaya hindi na maka-concentrate si baby sa photoshoot niya!
    PHOTO BY courtesy of Angel Eslawan-Malait‎
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

     

    Eight Month - Tinkerbell

    Balik nanaman si mommy sa suki niyang Handmade by Sabelle para sa Tinkerbelle costume na nagkakahalaga ng Php900. Para naman sa cake, balik din si mommy sa suki niya na La Marea Cake para sa handa na nagkakahalaga ng Php450.

     

    Kamukha na talaga ni baby ang sidekick ni Peter Pan!
    PHOTO BY courtesy of Angel Eslawan-Malait‎
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

     

    Ninth Month - Cinderella

    Siyempre hindi mawawala si Cinderella sa lineup. Ginawa ng Handmade by Sabelle ang costume sa halagang Php1,300, plus shipping key na Php156. Nagkakahalaga naman ng Php600 ang cake na gawa ng online seller na Niralliv Snov.

    What other parents are reading

    Tenth Month - Frozen

    Isa naman sa mga talagang pinakapaborito ng mga bata na Disney characters ay si Elsa, ang ate sa dynamic duo na featured sa pelikulang Frozen. Handmade by Sabelle ang gumawa ng costume sa halagang Php1,300, habang The Dessert Factory Restaurant and Bakery (Facebook: @DessertFactoryCebu) naman ang provider ng handa sa halagang Php350 lang.

     

    Mukhang the cold never bothered baby talaga.
    PHOTO BY courtesy of Angel Eslawan-Malait‎
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

     

    Eleventh Month - Pocahontas

    Isang matapang na prinsesa naman ang ginaya ni mommy sa eleventh month ni baby. Bumili siya ng cake sa Red Ribbon na nagkakahalaga ng Php475. Ipinagawa niya naman sa Handmade by Sabelle ang costume sa halagang Php1,000, plus shipping fee na Php156.

     

    Si baby na siguro ang pinakacute na Pocahontas na nakita namin!
    PHOTO BY courtesy of Angel Eslawan-Malait‎
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

     

    Twelth Month - Tangled

    Sobrang haba naman ng buhok ni baby para sa kanyang 12th month dahil ipinagaya ni mommy ang Disney princess na si Rapunzel. Sa Handmade by Sabelle pa rin siya nagpagawa ng costume na nagkakahalaga ng Php1,300, plus shipping fee na Php156. Ang cake ay nabili niya sa Sweet Craft (Facebook Pages: @/sweetcraft2buran and @cherrymae.derecho).

     

    Mukhang happy naman si baby sa kanyang Rapunzel costume!
    PHOTO BY courtesy of Angel Eslawan-Malait‎
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Bawat buwan ay may budget si mommy na Php1,200 hanggang Php2,000 para sa mga flatlays na ginagawa niya. Sila lang din ni daddy ang nagsisilbing photographer para hindi na sila gumastos pa ng malaking halaga para sa professional photography. 

    Bukod pa sa mga characters na 'yan, naging Moana rin si baby!

     

    Ang cute naman ng Moana na ito!
    PHOTO BY courtesy of Angel Eslawan-Malait‎
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

     

    Pati sina mommy at daddy ay bigay todo rin sa pagcocostume para makiterno sa kanilang baby.

     

    Parang inaantok na si Snow White! Nakakain na yata siya ng apple!
    PHOTO BY courtesy of Angel Eslawan-Malait‎
    What other parents are reading

     

    Kayo? Mayroon ba kayong paboritong bagay na naging inspirasyon ninyo para sa milestone photoshoot ng baby ninyo? Kumusta ang inyong experience? I-share niyo na sa comments section.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles