embed embed2
Mga Tips Mula sa Doktor at Nanay Kapag May Sipon si Baby
PHOTO BY iStock
  • Sinisipon at nilalagnat si baby? Huwag mataranta! Sabi nga ni Mommy Imee Fronda, “Hindi kasi talaga maiiwasan ang sipon at ubo.”

    Mula sa mga karanasan ng mga nanay at mga ekspertong payo ng doktor, narito ang ilang paalala kapag si baby ay may sipon

    1. Gumamit ng tamang thermometer.

    Laging i-monitor ang temperatura ng bata. “Every hour ko chine-check temperature niya para agad ko maagapan ang nararamdaman niya,” sabi ni Jennifer Palomer, nanay ng isang 3-year-old.

    Iminumungkahi ni Dr. Carmina Arriola-Delos Reyes, isang pediatrician at infectious disease specialist, na gumamit ng axillary (o armpit) thermometer para sa mga bata. Sa paggamit ng axillary thermometer, ang temperaturang mas mataas sa 37.5 °C ay maikokonsiderang lagnat na. Ang sinat ay mula 38-39°C, ang mataas na lagnat ay mula 40-41°C, at ang sobrang taas na lagnat ay mula 42°C pataas.

    Tandaan na dapat nang kumonsulta sa doktor kaagad kung ang nilalagnat na sanggol ay may edad 3 buwan pababa, sabi ni Dr. Delos Reyes.

    What other parents are reading

    2. Panatilihin ang breastfeeding.

    Pinakamainam ang breastfeeding, lalo na sa mga sanggol na may sakit. “Every time my sipon si baby, ang ginagawa ko pinapadede ko lang siya,” ani ni Mommy Eve Mercado-Tibay. Sang-ayon dito si Mommy Imee. “Unlimited latch! Comfort talaga ‘yon.”

    Ani ni Joyce Martinez, RN, MSN, CLC, isang U.S.-certified lactation counselor, ang pagpapadede sa sanggol ay nakakapagpatibay sa kalusugan at nakapagbibigay ng kapanatagan. Dagdag pa ni Martinez, "Mother’s milk provides antibodies to fight infection. It protects the baby from any organism he or she is exposed to thus triggering your baby’s immune system." (Ang gatas ng ina ay nagbibigay ng antibodies panlaban sa infection. Pinoprotektahan nito ang sanggol mula sa mga organismo na maaaring makapagpababa sa kanyang resistensiya.) 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    3. Subukan ang nasal aspirator at saline nasal drops.

    Kapag barado ang ilong, nahihirapan si baby na huminga, kumain, at matulog. May ilang bagay na maaaring gawin para makatulong. Nirerekomenda ng mga ilang ina ang saline nasal drops at nasal aspirator, isang hugis bombilyang rubber device na sinisipsip ang sipon na nasa ilong ni baby. 

    “Big help ang nasal aspirator every time na may sipon siya to ease clogged nose,” sabi ni Misty Sarmiento, nanay sa isang 3-year-old. “Nilalagyan ko din siya ng saline drops sa ilong kapag kailangan pa.”

    Ayon sa Parents, “Many doctors recommend nasal saline drops for relief of nasal congestion in an infant.” (Marami sa mga doctor ang inirerekomenda ang nasal saline drops para maiwasan ang baradong ilong ng mga bata.)

    Tanungin ang inyong pediatrician kung magagamit ito para sa inyong baby.

    What other parents are reading

    4. Panatilihing humid (mahalumigmig) ang hangin.

    Sabi ni Mommy Hannah Laya-Monterola, “Ang lagi kong ginagawa is to steam water with salt and place it in the room to create a mist or moisture. It helps my kids breathe easier.” (Ang lagi kong ginagawa ay magpakulo ng tubig na may asin at inilalagay ko sa kwarto para magpausok. Nakakatulong ito sa paghinga ng bata.)

    Magandang investment ang humidifier. Ginagamit ni Mommy Isay Hugal Khor ang humidifier sa tuwing nagkakasipon ang kanyang anak. “Every time na matutulog siya sa gabi, I’ll use the humidifier para hindi magka-blocked nose.”

    5. Pakainin ng prutas at sabaw

    Para sa mga sanggol na may sakit at nagsimula nang kumain ng solid food, pinapakain sila ng mga ina ng prutas at maligamgam na sabaw. Sabi ni Gladys Ariola at Hannah Laya-Monterola, na parehong may maliliit na anak, mga prutas na sagana sa Vitamin C ang pinapakain nila sa mga anak nila panlaban sa sakit. Si Misty Sarmiento naman, naglalagay ng ilang patak ng kalamansi juice sa isang basong tubig para sa kanyang anak, habang si Lanie Dela Cruz-Manrique ay nagluluto ng maligamgam na sabaw para sa kanyang anak na babae.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

     

    6. Massage para kay baby 

    Si Mommy Felinor Olaguera naman, minamasahe ang kanyang baby sa tuwing may sakit. Ganito rin ang ginagawa ni Misty. Sabi niya, “I still believe that a mother's touch is the best way to comfort a baby.” (Naniniwala pa rin ako na pinakamabisang lunas ang haplos ng ina para sa bata.) Naglalagay siya ng vapor rub sa dibdib at likod ng anak.

    Tanungin ang inyong local pharmacist para sa vapor rub na ligtas para sa inyong sanggol. Kapag minamasahe ang inyong baby, inirerekomenda ni Dr. Roselyne M. Balita ang paggamit ng edible oil, kagaya ng sunflower oil at virgin coconut oil, para ligtas kung sakali mang aksidenteng makain ito ni baby kapag isinubo ang kanyang mga daliri sa kamay at paa. Maaaring uminit ang mineral oil, lalo na kapag napapasobra ang hagod at lumilikha ng friction, paliwanag ni Dr. Balita.

    Hindi rin niya inirerekomenda ni Dr. Balita ang aceite de manzanilla na maaaring maging mahapdi kapag ipinahid sa sensitibong balat.

    7. Huwag magbibigay ng gamot sa sanggol para sa kanyang sipon.

    Laging kumonsulta sa doktor bago bigyan ng gamot ang inyong baby kahit na ito pa ay over-the-counter (OTC) na gamot. Ayon kay pediatrician Dr. Faith Buenaventura-Alcazaren, “OTC meds tend to be abused by caregivers, giving rise to unwanted side effects. In general, these cough and cold preparations have not been proven safe.” (Ang mga OTC ay inaabuso ng mga caregivers, kaya nagkakaroon ng maraming side effects. Sa kabuuan, ang mga gamot para sa ubo at sipon ay hindi napapatunayang ligtas.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang impormasyon na nakalahad dito ay nanggaling sa:

    The Best Medicine for Cough and Colds That Beats Over-the-Counter Drugs

     Sipon? Here's What Parents Need to Know About the Common Cold

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close