embed embed2
  • Japanese Name Meanings: Alin Ang Bagay Sa Anak Mo?

    Narito ang ilan sa mga pinakamagagandang Japanese names na pwede mong pagpilian.
    by Jhem Bon .
Japanese Name Meanings: Alin Ang Bagay Sa Anak Mo?
PHOTO BY iStock
  • Maraming pinaniniwalaan ang mga Pinoy pagdating sa pamimili ng pangalan. Sa katunayan, tingin ng iba'y may kinalaman ang pangalan ng isang tao sa kanyang kapalaran, bagaman wala pang scientific studies para suportahan ang mga paniniwalang ito.

    Gayunpaman, pinaguubusan pa rin natin ng panahon ang pamimili ng pangalan ng ating mga anak dahil gusto nating maging maganda ang itatawag natin sa kanila.

    What other parents are reading

    Kung gusto mong maging unique ang ipapangalan mo sa iyong anak, maaari kang mamili ng mga pangalang hango sa ibang bansa. Isa sa mga magagandang pagpipilian ay ang mga pangalang mula sa bansang Japan

    Mahalagang tandaan na sa pagpili ng Japanese names, kailangang maintindihan mo ang ibig sabihin bago ka pumili. Narito ang ilan sa mga pinakamagagandang Japanese names mula sa Very Well Mind kasama ang kanilang mga ibig sabihin.

    What other parents are reading

    Pangalan para sa mga batang babae:

    Airi

    Pinagsasama sa pangalang ito ang Japanese words para sa love at white jamine o pear. Ilan sa mga name variations na pwedeng gawin dito ay Eri o Meri.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Akari

    Sa pangalang ito naman, pinagsasama ang mga Japanese na salita para sa red, cold, plum, at pear tree. Isa sa mga sikat na aktress sa Japan ay nagngangalang Akari Hayami.

    Akemi

    Ang ibig sabihin ng pangalang ito ay 'bright and beautiful.'

    Emiko

    'Beautiful child' naman ang ibig sabihin ng pangalang ito.

    What other parents are reading

    Fumiko

    Ang ibig sabihin ng pangalang ito ay 'child of treasured beauty'. Kung sakaling ito ang ipapangalan mo sa anak mo, magiging kapangalan niya si Fumiko Hayashi, ang ika-39 most powerful woman ng Forbes taong 2006. Siya ang unang babaeng mayor ng Yokohoma, presidente ng BMW Tokyo, at CEO ng Daiei supermarket chain.

    Hana

    Kung mahilig ka sa mga bulaklak, tamang-tama ang pangalang ito para sa anak mo dahil ang ibig sabihin nito ay 'flower'. Ang ilan sa mga name variations na pwede mong gawin gamit ang pangalang ito ay Hinata, Haruna, Akina, at Hinano. Isa ito sa mga pinaka-popular na pangalan sa Amerika simula pa 1993 hanggang ngayon.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Himari

    Sunod din sa bulaklak ang pangalan na ito na ang ibig sabihin ay 'long jasmine' o 'benevolent sunflower'. Isa pa sa ibig sabihin nito ay 'home of light and love'. 

    What other parents are reading

    Hiroko

    Ibig sabihin naman ng pangalang ito ay 'generous child', 'abundant child', o 'prosperous child'.

    Kazuko

    Kung nag-iisa naman ang iyong anak, magandang pangalanan siyang Kazuko dahil ang ibig sabihin nito ay 'peaceful child' o 'one child'.

    Kei

    Dati ay mas popular ang pangalang ito para sa mga batang lalaki, ngunit ngayon ay ibinibigay na rin ito sa mga batang babae bilang pinaiksing version ng Keiko. Ang ibig sabihin nito ay 'blessing'.

    What other parents are reading

    Keiko

    Ang ibig sabihin naman ng pangalang ito ay 'lucky child', 'respectful child', at 'happy child'. 

    Kumiko

    'Forever beautiful child' naman ang ibig sabihin ng pangalang ito.

    Megumi

    Blessing o love naman ang ibig sabihin ng pangalang ito.

    Misaki

    Halos kapareho ng Megumi ang ibig sabihin ng pangalang ito: 'beautiful blossom'.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mitsuki

    Kung ipinanganak mo naman ang iyong baby habang bilog ang buwan, magandang pangalanan siya ng Mitsuki na ang ibig sabihin ay 'beautiful moon'.

    What other parents are reading

    Sachiko

    Kung sa tingin mo naman ay tagapagdala ng swerte ang iyong anak, pwede mo itong ipangalan sa kanya. Ang ibig sabihin nito ay 'lucky child'. 

    Sakura

    Siyempre, hindi mawawala sa listahan ang pangalang ito na talaga namang kilala bilang isa sa mga pinakasikat na Japanese names. Ang ibig sabihin ng Sakura ay 'cherry blossom'.

    Setsuko

    Para naman sa mga magulang na music lovers ang baby name na ito. Ibig kasing sabihin nito ay 'melody'.

    Shizuko

    'Quiet child' naman ang ibig sabihin ng pangalang ito. 

    What other parents are reading

    Tomoko

    Ito naman ay nangangahulugang 'friendly child' o 'wise child'.

    Yoshiko

    Maganda rin ang pangalang ito na ang ibig sabihin ay 'joyous child'.

    Youko

    Ilan sa mga name variations na pwede mong gawin sa pangalang ito ay tulad ng sa singer at artist na si Yoko Ono. Pwede mo ring gamitin ang Yohko. Ang ibig sabihing ng pangalang ito ay 'sunshine child'.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Ilan lamang iyan sa mga Japanese names na pwede mong pagpilian para sa anak mong babae.

    Pangalan para sa mga batang lalaki:

    Asahi

    Ang ibig sabihin ng pangalang ito ay 'morning sun' o 'rising sun'. Ito rin ang pangalan ng isang kilalang brewing company sa Japan.

    Daiki

    Magandang choice ito kung naghahanap ka ng pangalang ang ibig sabihin ay 'shining brightly'. 

    Daiksuke

    'Great help' naman ang ibig sabihin ng pangalang ito. 

    Haru

    Unisex ang pangalang Haru kaya pwede mo rin itong ibigay sa anak mong babae. Ang mga ibig sabihin nito ay 'light', 'spring', at 'clear weather'.

    Hinata

    'Toward the sun' ang ibig sabihin ng pangalang ito na unisex din katulad ng Haru. 

    Hiroshi

    Ito naman ay magandang pangalan kung naghahanap ka ng ibig sabihin ay 'generous' o 'prosperous'.

    Isamu

    Maraming mga sikat na personalidad sa Japan ang makakapangalan ng anak mo kung ito ang pipiliin mo. Isa na riyan ang Nobel Peace Prize winner na si Isamu Akasaki, isang physicist. Kabilang din ang Japanese admiral at diplomat na si  Isamu Takeshita at ang artist na si Isamu Noguchi. Ang ibig sabihin ng pangalang ito ay 'brave'.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kazuya

    Ang ibig sabihin ng pangalang ito ay 'to be one' o 'to be in harmony'.

    Kenta

    'Healthy and strong' naman ang ibig sabihn ng pangalang ito. 

    Makoto

    Kung mahalaga naman sa iyo ang katotohanan at sinseridad, magandang ipangalan sa anak mo ang Japanese name na Makoto. Ang ibig sabihin nito ay 'sincerity' at 'truth'.

    Reo

    Kung katalinuhan naman ang pinapahalagahan mo, maganda ang pangalang Reo dahil ang ibig sabihin nito ay 'smart' o 'clever'.

    What other parents are reading

    Maaaring maging overwhelming ang pagpili ng pangalan para sa inyong magiging anak lalo na't maraming pagpipilian. Tandaan lang na para makapili ka, isipin mo ang mga bagay na tunay mong pinahahalagahan at kung gusto mong maging bahagi ito ng buhay ng iyong anak. 

    Pwede ka ring pumili ng pangalan sa pamamagitan ng first impression mo sa kanya kapag naipanganak mo na siya. Tahimik lang ba siya? O iyakin? Maaari mo ring isaalang-alang ang ugali niya habang nasa tiyan mo pa lamang siya. Malikot ba siya? Mahilig ba siyang sumipa? Marami kang maaaring maging basehan ng pangalan ng iyong magiging anak. Huwag mo lang itong i-overthink para hindi ka mahirapan sa pagpili.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kapag nakapili ka na, siguraduhin mong tama ang pagkakasulat nito sa birth certificate kapag nanganak ka na. Kalimitan ay madaling ma-overlook ang spelling ng mga pangalang hango sa ibang bansa. 

    May nagustuhan ka bang pangalan mula sa listahang ito? I-share mo na sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close