-
News Get A Chance To Win P100,000 By Sharing Your Smart Parenting Story!
-
Toddler Co-Sleeping With Your Kids Makes Them Grow Up Confident, Says Study
-
Labor & Childbirth Labor And Delivery Horror Stories: 'Nakakawala Ng Dignidad Manganak'
-
News Lilo Is Too Adorable With Her Toy Propeller That Dad Philmar Alipayo Made Using Coconut Leaves!
-
Halos P25,000 Ang Matitipid Mo Kung Sa Health Center Mo Pababakunaan Si Baby
Ito ang mga bakunang available sa mga health centers.by Ana Gonzales .

PHOTO BY Shutterstock/Akkalak Aiempradit
Isa sa malimit na itanong ng mga bagong magulang sa aming online community ay kung saan sila pwedeng makakuha ng libre o murang bakuna para sa kanilang bagong silang na sanggol.
Alam mo bang hindi mo na kailangang maghanap dahil marami sa mga bakunang kailangan ng anak mo ay ibinibigay nang libre sa mga health centers?
Sa YouTube channel ng registered nurse na si Hermee Tolentino, ibinahagi niya kung anu-ano ang mga bakunang libre mong makukuha sa health center sa inyong lugar. Sinagot din niya ang ilan sa mga malimit itanong ng mga magulang.
Bakit kailangang pabakunaan si baby?
"Nagbabakuna tayo para makaiwas sa mga vaccine preventable diseases (VPD)," paliwanag ni nurse Hermee. "Ito 'yung mga sakit na pwede nating maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna."
"Tulad nito ay ang tigdas, tigdas hangin, beke, diphtheria, tetanus, pertussis, hepatitis, tuberculosis, polio, meningitis, at marami pang iba," dagdag pa niya.
Anu-ano ang mga libreng bakuna na mayroon sa mga health centers?
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBCG at Hepatitis B
Maiiwasan ang tuberkulosis at hepatitis B sa pamamagitan ng mga bakunang ito. Kailangan itong ibigay sa anak mo pagkapanganak niya.
Pentavalent Vaccine (DPT-Hep B-HiB)
Kilala ang bakunang ito bilang 'penta'. Panlaban ito sa dipterya, tetano, hepatitis B, pertussis, pulmonya, at meningitis. "Ang safe at effective na interval ng pagbabakuna ay 28 days o 4 weeks," paliwanag ni nurse Hermee.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosOral Polio Vaccine (OPV) at Inactivated Polio Vaccine (IPV)
Ito ay ipinapatak sa bibig ni baby. Ayon kay nurse Hermee, hindi pwedeng dumede si baby sa loob ng 30 minutes pagkabigay ng OPV. Ang IPV naman ay karagdagang proteksyon kontra sa polio.
Pneumococcal Conjugate Vaccine (PCV)
Ayon kay nurse Hermee, pareho ito ng mga may bayad na ibinibigay sa mga pribadong clinics. Panlaban ito sa pulmonya at kasabay na ibinibigay kasama ang penta at OPV.
Measles, Mumps, Rubella (MMR)
Ito naman ang bakuna kontra tigdas, tigdas hangin, at beke.
Sa tala o estimate ni nurse Hermee, maaaring umabot nang hanggang P25,000 ang babayaran mo sa pagbabakuna kung hindi mo ito sa health center gagawin.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNagkakahalaga kasi ng Php3,500 kada dosage ang DPT-HepaB-HiB. Tatlong doses nito ang kailangan ni baby. Php3,500 din kada dosage ng PCV13—tatlong beses ding bibigyan ng ganito si baby. Panghuli ang MMR na Php1,500 naman kada dosage. Dalawang doses nito ang kailangan ng anak mo.
Kaya naman sa halip na gumastos nang malaki, mas magandang magtanong sa health center sa inyong lugar kung paano ang proseso ng pagpapabakuna ni baby.
Maaari mong makita ang listahan na ito sa website ng Department of Health.PHOTO BY Department of Health (DOH)ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPwede mong panoorin ang kabuuan ng video ni nurse Hermee dito:
Kung may iba ka pang katangungan tungkol sa mga bakuna ni baby, pwede mong bisitahin ang website ng Smart Parenting o ang Facebook page ng Department of Health (DOH).
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network