embed embed2
Mag-Ingat Sa Pag-Post Para Sa 'Drop Your Beautiful Daughter Challenge'
PHOTO BY Pexels
  • Sa kabila ng pagkawili ng karamihan ng mga magulang sa pagsali sa pinakabagong pakulo sa Facebook — ang #dropyourbeautifuldaughterchallenge — nagbigay ng babala ang concerned parents at child-protection groups sa posibleng panganib na dulot nito.

    Ang pakulo kasing ito ay nagsasabi sa magulang na mag-post ng mga litrato ng anak na babae na parang pagbibigay pugay at pagmamalaki sa pagkakaroon ng supling na tulad niya. Pagkatapos, kailangan isulat sa post ang hashtag na #dropyourbeautifuldaughterchallenge.

    Dahil sa hashtag na ito, ayon sa concerned parents na nagpapadala ng mensahe sa Facebook din at ilang chat groups, mas magkakaroon ng access ang pedophile sa mga litrato para sa kanyang sariling kasiyahan o di kaya para ipasa sa porn sites. Kabilang sa iba pang trending hashtag na dapat daw iwasan ay

    • #drop_your_daughter_pic_challenge
    • #drop_your_son_pic_challenge
    • #drop_your_children_pic_challenge
    • #drop_your_cute_son_challenge
    • #drop_your_cute_children_pic_challenge
    • #drop_your_handsome_son_challenge
    What other parents are reading

    Paliwanag ng abogadong si Albert Muyot, ang chief executive officer ng Save the Children Philippines, mayroon pa ring panganib ng exploitation kahit hindi sexual ang dating o malaswa ang mga litrato.

    Aniya, “While we are proud of our children and would love to share beautiful pictures of them, let us be more cautious in joining online challenges that may jeopardize their welfare.”

    Tinatawag na “global epicenter of online sexual abuse and exploitation” ang Pilipinas, kung saan naglipana ang malaswang imahe ng mga kabataan sa internet. Katunayan, nakatanggap ng 45,645 tips ang Office ng Cybercrime ng Department of Justice (DOJ) noong 2017 tungkol sa mga ganoong uri ng child abuse.

    Kaya hinikayat ni Atty. Muyot ang mga magulang na maging mas responsable sa gawain sa social media at turuan ang mga anak ng mas ligtas na paggamit ng internet.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sang-ayon dito si Wilma Banaga, ang Child Protection Advisor ng Save the Children Philippines. Sana daw ay gamitin ng mga magulang ang mga oras na pagkakapirmi sa bahay bilang pagsunod sa patakaran ng community quarantine sa pagmo-monitor ng gamit ng internet at social media ng mga bata. 

    What other parents are reading

    Samantala, ibinahagi ng isang mommy sa United Kingdom sa isang newspaper report ang pagiging “horrified” nang makita niya ang mga litrato ng kanyang baby daughter sa tinatawag na child abuse website.

    Kuwento ni Amanda Morgan na kinunan niya ang mga litrato at saka nag-post sa Instagram noong 6 months old pa lang ang kanyang anak na ngayon ay 2 years old na. Nalaman na lang niya mula sa kapwa mga magulang na makikita ang mga litrato, na edited para maiba sa totoong itsura ng kanyang anak, sa isang Russian website na may pedophiles na tumitingin at nagko-comment.

    Mula daw sa kanyang personal Instagram account, sabi ni Amanda ay naipasa ang mga litrato sa ibang social media networks hanggang nakarating na nga sa mga masasamang kamay at pinagpiyestahan ng pedophiles. Nagkikipagtulungan na siya sa iba pang mga nabiktimang magulang sa pagpapasara ng porn site, pero nananatili ito sa cyberspace hanggang ngayon.

    Payo ni Amanda sa mga magulang na maging maingat sa pagshi-share ng mga litrato ng mga anak. Marahil, masisimula ito sa pagdinig sa panawagan ng concerned parents at child-protection groups.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close