-
Maglalaba Mamaya? 10 Laundry Detergent Brands Para sa mga Damit ni Baby
Narito ang ilan sa mga nirekomenda ng mga nanay sa Smart Parenting Village.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Marso ngayong taon, nagbigay kami ng lima sa pinaka-highly recommended na laundry detergents para sa damit ng mga babies. Nagmula ang mga suggestions na ito sa mga nanay sa Parent Chat. Ngayon naman, nagtanong kami sa mga nanay sa Smart Parenting Village kung anong laundry detergent ang pinakagusto nilang gamitin para sa damit ng mga anak nila. Narito ang kanilang suggestions:
Perwoll Baby
Madalas irekomenda ng mga nanay ang Perwoll Baby dahil ayon sa kanila, maganda ito para sa mga batang may sensitive skin. Nagustuhan nila na kahit mild lamang ang amoy nito, malinis pa rin ang damit ni baby. Maaari mo itong orderin online o di naman kaya ay bilhin sa mga pangunahing grocery stores.
Smart Steps
Hindi nawawala sa recommendations ng mga mommies and Smart Steps dahil mabisa raw ito sa pagtanggal ng mga kung ano mang residues sa damit ni baby. Maganda ito kung gusto mong maiwasang magkaroon ang anak mo ng dry skin o kung ano mang skin irritations. Maaari kang umorder nito sa Lazada. Mayroon din silang interactive website na magtuturo sa iyo kung saan ka makakabili.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWCycles
Gustong-gusto rin ng mga nanay ang detergent na ito dahil ayon sa kanila, mabisa itong pantanggal ng mga stains sa baby clothes. May kamahalan nga lang ang Cycles, ngunit para sa mga moms sa Village, worth it ito, lalo na kung sensitive talaga ang balat ng anak mo.
Human Nature Baby Liquid Detergent
Ang gusto ng mga mommies sa brand na ito ay ang pagiging mild enough nito para ipanlaba sa mga damit ng newborns. Ayon pa sa kanila, madali rin daw kasi itong banlawan at wala rin itong matapang na amoy. Cruelty-free at vegan din ito.
Tiny Buds
Para sa mga nanay, nagustuhan nila na may iba’t ibang varieties ang Tiny Buds para sa edad at pangangailangan ng mga mommies. Mayroon silang Baby Fabric Softener at Newborn Naturals Laundry Set. Payo ng mga mommies, kung gusto mong mapadali ang iyong paglalaba, ibabad mo muna ang damit ng baby mo sa Tiny Buds ng 30 minutes, at saka mo ito kusutin bahagya bago banlawan.
CONTINUE READING BELOWwatch nowWhat other parents are reading
Pigeon Baby Laundry Detergent
Mahirap mang hanapin ang produktong ito para sa ibang mga nanay sa Village, gusto pa rin nilang gamitin ito para sa damit ng kanilang mga anak. Mayroon itong variety na anti-bacterial at mabisa rin daw itong pantanggal ng mansta at mabahong amoy.
Ariel Soft & Gentle
Nagustuhan din ng mga mommies ang Ariel dahil ayon sa kanila, hindi ito masyadong mabula, mild lang ito sa balat, at hindi ito mahirap banlawan. Bukod pa rito, mabango ang damit ngunit hindi masyadong matapang ang amoy.
What other parents are reading
Perla
Isa pang hindi nawawala sa listahan ng mga most recommended laundry detergents para sa baby clothes ay ang Perla. Ang technique pa nga ng ilang mga mommies, kapag matindi ang mantsa ng damit ni baby, kukusutin muna nila gamit at Perla, pagkatapos ay ilalagay sa washing machine gamit ang Cycles o Smart Steps. Ang gusto rin ng mga nanay sa Perla ay ang pagiging abot-kaya nito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWDreft
Bagaman mao-order mo lang ang dreft online, sulit pa rin ito para sa mga magulang sa Smart Parenting Village. Maganda rin itong pantanggal ng mantsa ngunit hindi ito harsh sa balat ng bata.
What other parents are reading
Nature to Nurture
Kung naghahanap ka ng plant-based option, recommended ng mga nanay at tatay sa Village ang Nature to Nurture. Mabisa itong pantanggal ng mantsa at amoy. Wala rin itong iniiwang residue sa damit ng mga anak mo at ligtas itong gamitin kung may skin condition man ang mga anak mo.
Pagdating sa pagpili ng sabong panlaba, kalimitang hinahanap ng mga nanay ‘yung pwede sa mga batang may sensitive skin. Gusto rin nila na hindi ito masyadong mabula, gawa ito sa natural na ingredients, at hindi ito gaanong kamahal. Kaya naman patok ang mga sabong panlaba na ito sa ating mga Smart Parenting Village members.
Mayroon ka pa bang ibang sabong panlaba na gustong i-recommend? I-send mo sa amin sa Smart Parenting Village.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading

- Shares
- Comments