embed embed2
  • Baby Food Menu Ng 30 Days Atbp! Meal Planning Tips Para Sa 6-Month-Old Baby

    Nagbahagi ng mga sample ang Smart Parenting Village mommies.
    by Jocelyn Valle .
Baby Food Menu Ng 30 Days Atbp! Meal Planning Tips Para Sa 6-Month-Old Baby
PHOTO BY Shutterstock/Onjira Leibe
  • Sabik nang pakainin si baby dahil puwede na siya sa solid food? Makakatulong ang paggawa ng meal plan para sa 6-month-old baby upang hindi kaagad maubusan ng ideya kung ano ang ipapatikim sa anak. Masisiguro pa na tama at angkop sa edad ang pagkain, habang patuloy ang pagdiskubre ni baby sa iba-ibang lasa.

    Ayon sa UNICEF, maaaring pakainin ang batang 6 months hanggang 8 months ng kalahating tasa ng soft food nang dalawa hanggang tatlong beses kada araw. Puwede ring magdagdag ng healthy snack, gaya ng mashed fruit, sa pagitan ng meals. Paalala lang na sa pagdami ng kinakain ni baby, dapat dumadami rin ang pagdede niya ng breast milk.

    Meal plan para sa 6-month-old-baby

    May mapupulot na kaalaman mula sa sariling karanasan mismo ng mga miyembro ng Smart Parenting Village Facebook group pagdating sa meal plan sa mga 6-month-old babies.

    Baby food rotation 

    Si Mabel Estores Frial, halimbawa, sinusunod ang sistema ng rotation na galing mula sa pediatrician para malaman daw kung may food allergy si baby.

    Ganito ang ginawa ni Mabel na baby food :

    • 2 to 3 days - lugaw/cereals
    • 2 to 3 days - any green veggies/monggo
    • 2 to 3 days - any yellow veggies/fruits

    Hinay-hinay lang sa seasoning

    Kuwento ni Maricor Lumantas Chan, natuklasan niyang mas mainam na mag-umpisa sa wala masyadong lasa o bland na gulay para masanay ang bata sa natural taste ng mga gulay.

    Sa prutas naman, piliin daw ang locally grown fruits muna at saka na lang ang imported dahil baka mayroon ang mga iyon na preservatives.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    3-day rule sa solid food 

    Ang sinusunod n Maricor ay ang three-day rule: 1 veggie 3 times a day for 3 days. Pag tungtong ni baby ng 6 months, agad niya pinakain ng tatlong beses kada araw. Di na raw niya pinakain ng lugaw at diretso na sa kanin pag dating ng 7 months.

    Baby food menu ng 30 days 

    Ibinahagi ni Camille Bautista-Natividad ang guide para sa meal plan kay baby mula 6 months old. Tandaan lang na durugin o gawing mashed ang pagkain at lagyan ng breast milk. Huwag daw magdagdag ng asin o asukal.

    • DAY 01 to 03 - Avocado/squash
    • DAY 04 to 06 - Banana 
    • DAY 07 to 09 - Sayote
    • DAY 10 to 12 - Papaya
    • DAY 13 to 15 - Kamote
    • DAY 16 to 18 - Ampalaya
    • DAY 19 to 21 - Green beans
    • DAY 22 to 24 - Unpolished brown rice
    • DAY 25 to 27 - In season fruit
    • DAY 28 to 30 - Potato

    Para kay Joselle Therese D. Ona, mainam ang paggamit niya ng tinidor lang sa pagdurog ng pagkain para sa kanyang anak. May natitira pa raw na texture ng pagkain sa ganyang simpleng paraan.

    Hindi tulad pag ginawang puree na liquid na ang kalalabasan ng pagkain. Nabasa niya daw kasi na kapag nasanay si baby sa smooth consistency ng puree, baka lumaki siyang umiiwas sa pagkaing may texture o iyong buo-buo pa.

    Sinunod ni Therese ang konsepto ng Tamang KAIN (Kid and Infant Nutrisyon). Mashed at may halong breast milk ang binibigay niya kay baby.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    • DAY 01 to 03 - Avocado
    • DAY 04 to 06 - Patatas 
    • DAY 07 to 09 - Kalabasa 
    • DAY 10 to 12 - Carrots 
    • DAY 13 to 15 - Kamote
    • DAY 16 to 18 - Sayote 
    • DAY 19 to 21 - Nilangang itlog (pula lang)
    • DAY 22 to 24 - Labanos
    •  DAY 25 to 27 - Steamed green papaya
    • DAY 28 to 30—Gabi

    Gumamit ng baby-led weaning menu

    Ang suhestiyon naman ni Princess Kimberly Traya Bautista-Ongayo ay ang No-Teeth Baby-Led Weaning (BLW) menu. Unang nakilala ang BLW sa United Kingdom bilang unique approach para matuto si baby na kumain ng solid food. Imbes na idaan muna sa puree, diretso na ang bata sa finger food.

    Lahad ni Princess, 5 months ang kanyang anak nang pakainin niya ng baby food three times a day. Pero pag tungtong ng 7 months, sinimulan na niyang bigyan ng kung ano ang kinakain nilang pamilya. Ang first food daw ni baby ay pinakbet. Hindi naman daw nagkaroon ng allergy ang bata kahit may sahog na hipon ang putaheng gulay. 

    Batay sa No-Teeth BLW menu na ibinahagi ni Princess, iba-ibang pagkain ang ibinibigay kay baby bawat araw para sa breakfast, lunch, at dinner. Hindi man istriktong masunod ang menu, mapagkukunan ito ng ideya sa paggawa ng meal plan para sa 6-month-old na baby. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles