-
Gaano Kalaki Ang Matitipid Mo Kapag Gumamit Ng Cloth Diapers Sa Loob Ng 2 Taon?
Paano nagawang mas economical ng mommy na ito ang mga diaper needs ng anak niya.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Isa sa mga pinakamalaking pinagkakagastusan ng mga nanay ay ang diaper ni baby. Ito ang dahilan kung bakit laging patok ang mga sales sa mga online stores na nagbebenta ng mga disposable diapers. Palagi ring pinag-uusapan ng mga nanay kung ano nga ba ang best disposable diaper para sa mga anak nila.
Kaya naman nang mauso ang mga cloth diapers, maraming mga nanay ang nagdesisyong lumipat dito. Bagaman effort ang linisin ito, sabi ng mga nanay ay mas malaki pa rin ang natitipid nila.
'Yan ang ibinahagi ni mommy Quey Isla sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Ayon sa kanya, Php2,024 ang nagastos niya sa cloth diapers na nagamit na ng anak niya sa loob ng 23 months. Sulit hindi ba?
Pagbabahagi niya, nagsimula siyang pagamitin ng cloth diaper ang anak niya nang limang buwan na ito. "At first, trial lang talaga and for presko time," kwento niya. "Since stay-at-home mom naman ako, I cannot see any reason not to use cloth diaper na full-time."
Sabi pa niya, kailangan ng tiyaga at open mind dahil mayroong kaakibat na learning curve and paggamit ng cloth diapers. "I joined several cloth diaper groups at aminado ako, nakaka-overwhelm," pag-amin niya.
"Hindi ko maintindihan ang mga terms at napakarami palang uri. Plus, may makikita pa akong mga ang gagandang cloth diapers na hindi afford ng budget. Parang mas mahal pala, nakaka-discourage at first."
What other parents are reading
"Bakit pinili ko pa rin ang cloth diapers? My main goals are..."
Makatipid
Kwento ni mommy, asawa lang niya ang nagtatrabaho at kumikita para sa kanilang pamilya. "Although kaya namang gumastos para sa disposable diapers, mas maganda pa rin kung makaka-save kung kaya naman hindi ba?" paliwanag niya. "Wala rin naman akong ibang gagawin sa bahay. Pang-alis stress ko na rin magkusot ng mga diapers," biro pa niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMakatulong sa kalikasan
"Bata pa ako, yamot na ako sa pakalat-kalat na used diapers sa daan," sabi ni mommy. Kaya para makabawas sa basura, pinili niyang gumamit ng mga cloth diapers.
Makaiwas sa rashes
"Hindi maselan ang baby ko kaya dun lang kami sa abot kayang mga cloth diapers. As long na hindi nag li-leak at walang rashes, okay na okay na 'yun," pahayag niya.
Hindi naman maikakailang may kamahalan ang pagsisimula ng sarili mong stash ng cloth diapers. Paano nga ba nagawa ni mommy na masigurong within budget pa rin siya?
Paano makatipid sa cloth diapers?
Huwag magpatukso sa mga magagandang designs
Sabi ni mommy, kung afford naman, bakit hindi. "One of my goals ay makatipid, kaya iwas-iwas ako," kwento niya. Masaya na raw si mommy na tumitingin na lang muna sa mga magagandang designs.
Mag-handwash
Ito raw ang sikreto ni mommy. Maraming mga nanay kasi ang hindi tumutuloy sa paggamit ng cloth diapers dahil ayon sa kanila, magastos ito sa sabon, sa kuryente, at sa tubig. "I only use [bareta na pwede sa cloth diapers]," paliwanag ni mommy. "Plus sun dry and air dry. I also make sure to wash them as soon as possible, para hindi na mamanghi at hindi na kailangan ng maraming tubig."
"All in all, I am happy because ang laki din ng natipid namin at nag-work talaga sa situation namin 'yung ganitong set up. This is my personal choice at nakakatuwa kasi pwede pa magamit ng next baby yung mga cloth diapers," dagdag pa niya.
CONTINUE READING BELOWwatch now"Disposables man or cloth, we are all great parents and alam naman natin yung mag wowork para sa situation natin. You do you, mom (and dads!)."
What other parents are reading
Kung curious ka kung anong gamit ni mommy na cloth diaper, isinama na rin niya ang impormasyong iyan sa kanyang post. "Most of my cloth diapers are Whitesnaps, which I use for daytime, with hemp insert as booster," pagbabahagi niya.
"Daiso cloth diapers, which I use if alam kong poopy time na. Old microfiber towel lang as insert kasi manipis ito." Gumamit din daw si mommy ng HushHush mula sa SM. "Three pieces lang ang mayroon ako for nighttime since this is waterproof."
Payo pa ni mommy, hindi kailangang bumili buwan buwan ng mga cloth diapers. "Depende sa pag-aalaga, tatagal ang cloth diapers hanggang sa mga susunod niyo pang babies," sabi ni mommy. "Tatlong beses lang akong bumili ng cloth diapers. Nang magkaroon na ako ng 15 pieces, okay na."
Nasubukan mo na bang gumamit ng cloth diapers? Kumusta ang inyong experience? I-share mo lang sa comments section.

- Shares
- Comments