breastfeeding,breast milk,bottle feeding,Tagalog,weaning from the breast,evergreen,pagtigil sa pagsuso,pagpapasuso sa bote,paghinto sa pagpapasuso,r08-em,scr24,8 Paraan Kung Kailangan Nang Patigilin si Baby sa Pagpapadede,breastfeeding, bottle feeding, weaning baby from the breast, pagpapasuso, paghinto sa pagpapasuso, pagtigil sa pagdede, pagpapadede sa bote, Tagalog, evergreen,Narito ang mga tips para mas maging madali ang paglipat sa bote kung balak mo nang patigilin si baby sa pagsuso sa iyo.
ParentingBaby

8 Paraan Kung Kailangan Nang Patigilin si Baby sa Pagpapadede

Kailangan ng sapat na panahon at tiyaga kapag balak nang patigilin sa pagsuso ang anak
PHOTO BYiStock

Fact-Checked by Ronna Capili Bonifacio

Ang article na ito ay unang naipublish noong Agosto 9, 2020. Nadagdagan ito ng updates noong Setyembre 27, 2024.

Inirerekomenda ng World Health Organization (WHO) ang eksklusibong pagpapasuso sa baby sa unang anim  na buwan. Ang iba, paunti-unti nang itinitigil ang pagpapasuso sa baby at sinisimulan nang pakainin siya ng malalambot na pagkain sa edad na ito. Pero may mga baby na ayaw talagang tumigil o malayo sa pagpapasuso ng kanilang ina.

Para sa WHO, ang susunod na pinakamagandang opsyon kapag titigil nang pasusuhin ang anak ay ang cup feeding o paggamit ng maliit na baso sa pagpapainom ng na-express na breast milk. Naiiwasan ang pagkalito o nipple confusion sa pamamagitan ng cup feeding, bukod pa sa mas abot-kaya ito (dahil hindi mo kailangang bumili ng bote). Mas mapapadali rin nito ang paglipat mula sa pagsuso papuntang pag-inom sa baso kapag nagawa ito nang tama.

Kung ang cup feeding ay hindi naaayon, maaaring gumamit ng baby bottle, pero huwag ding pakasiguro na magugustuhan ni baby ang pagdede sa bote.

Heto ang maaari mong gawin kung nais mong sa bote na dumede ang iyong baby

Sumubok ng ilang uri at brand ng bote at obserbahan

Malalaman mong natagpuan mo na ang boteng nararapat sa iyong baby kapag hindi na siya iritable o naiinis kapag dumedede. Subukin mo ang mga nipple na parang kagaya ng totoong nipple ng mommy o iyong tinatawag na natural o mother-like-nipple, at magsimula rin sa mahihina lamang ang daloy o slow flow nipple.

Hayaang ibang tao ang magbigay ng bote ng gatas sa iyong baby

Ipagawa ito kay Daddy. Iminumungkahi pa nga ng iba na wala dapat ang Mommy sa parehong kuwarto kapag ibinigay ng Daddy ang bote kay baby. Makatutulong daw ito para maiwasan ang pagkalito sa nipple.

Subukin ang iba-ibang posisyon ng pagpapadede sa bote

Maaaring malito ang baby sa pagdede sa bote kung hahawakan siya ng mommy sa paraan ng paghawak sa kaniya kapag pinapasuso siya. Hanapan siya ng magandang posisyon para mas komporatable siya habang dumedede sa bote.

watch now

Subukin ang ibang temperatura ng bote na ang laman ay breast milk

Kasama sa pagpapadede sa bote ang pagtunaw ng frozen na breast milk at pagpapainit ng bote na may lamang gatas. Tingnan kung makukuha mo ang tamang timpla ng temperatura na mas malapit o gaya sa iyong breast milk.

Huwag maglalagay ng hot sauce o sili sa iyong nipple para lamang mapatigil sa pagsuso si baby

Ang mas mabuti mong gawin ay maglagay ng kaunting breast milk sa nipple ng bote na ibibigay mo sa iyong baby.

Magsimula sa pamamagitan ng pagbigay ng dede sa bote isang beses kada araw

Lagyan ito ng kaunting dami ng breast milk. Subukin na ibigay ang bote sa iba’t ibang oras sa araw o sa gabi. Unti-unti ay dagdagan ang bilang o dami ng pagbibigay ng dede sa bote sa iyong baby at damihan na rin ang laman nito.

Alukin siya ng pagkain sa halip na pasusuhin siya

Isang paraan para maalis ang atensyon ng baby sa gatas ay ang pag-alok sa kanya ng pagkain na may sari-saring lasa kapag siya’s anim na buwan na.

Ang pagpapasuso ay hindi lamang para sa kalusugan ni baby

Tiyakin na naibibigay pa rin kay baby ang emosyonal na suporta na kailangan niya sa pamamagitan ng pagyakap, paghaplos, at paghalik kapag napagdesisyunan mong magpadede na sa bote. Kapag gusto ni baby ng pagkalinga o aruga, huwag ipagkait sa kaniya ang iyong suso kung ito ang magbibigay ginhawa sa kanya.

Ang emosyonal na epekto ng pagpapahinto ng pagpapasuso sa baby at ina

Sa pagpapahinto ng pagb-breastfeed, maaaring makaranas ang mga ina ng pag-iiba ng relasyon sa kanilang sanggol at kanilang identidad bilang isang ina. Ang breastfeeding ay isang espesyal na karanasan sa pagitan ng ina at ng kanyang anak, kaya't ang paghinto dito ay maaaring magdulot ng halo-halong emosyon sa sanggol at ina, kasama na ang pakiramdam ng pagkawala ng kaugnayan nilang dalawa. Bukod dito, ang pagpapahinto ng breastfeeding ay mangangahulugan na hindi na ang ina ang pangunahing pinagmumulan ng pagkain ng sanggol, na maaaring magdulot ng kawalan ng katiyakan o pagbabago sa tungkulin at pagkakakilanlan ng ina.

At kinakailangan itong bigyang pansin ng mga ina, at maghanap ng ibang paraan para manumbalik ang kanilang relasyon.

Mga palatandaan na handa na si baby tumigil sa pagpapasuso

Narito ang ilan sa mga senyales na handa nang tumigil si baby sa pag-breastfeed:

  • Hindi interesado o naiinis kapag dumedede.
  • Mas mabilis na pagdede.
  • Mabilis maagaw ang pansin habang dumedede.
  • Pinaglalaruan ang dede ng ina, tulad ng paghila o pagkagat dito.
  • Nursing for comfort o pagdede ngunit hindi sapat para makakuha ng gatas.

Frequently asked questions ukol sa pagitigil sa pagpapadede

Ano ang mga senyales na masyadong maaga pa para itigil ang breastfeeding?

Maaaring makita sa pag-uugali ng bata kung masyado pang maaga ang pag-tigil ng breastfeeding. Labis na pag-iyak or pagkagalit, regressive (o pagbalik sa mas bata na development) na pag-uugali, pagkabalisa, palaging paggising sa gabi, ayaw mahiwalay at palaging paghahanap sa ina ay maaaring mga senyales na masyadong mabilis o maaga ang pagtigil sa pagb-breastfeed.

Gaano katagal dapat tumagal ang proseso ng weaning?

Kung tatanggalin mo ang isang nursing session kada araw, maaaring tumagal ng mahigit-kumulang apat na linggo baka tuluyang humiwalay sa pagdede ang sanggol.

Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa 7 Things to Try if You Want to Wean Your Baby From the Breast

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close