embed embed2
  • Parents Ask: May Masamang Epekto Ba Ang Lockdown Sa Social Skills Ng Anak Ko?

    Narito ang sagot ng mga eksperto.
    by Ana Gonzales .
Parents Ask: May Masamang Epekto Ba Ang Lockdown Sa Social Skills Ng Anak Ko?
PHOTO BY Unsplash
  • Maraming mga babies na ipinanganak noong kasagsagan ng COVID-19 ang hanggang ngayon ay wala pang nakikita o nakakasalamuhang ibang tao maliban sa mga magulang nila. Kaya naman ang takot ng mga magulang, baka magkaroon ito ng epekto sa social skills ng mga anak nila.

    ANONG LATEST TUNGKOL SA COVID-19?

    May mga magulang na nag-aalalang baka maging matatakutin sa tao ang mga anak nila. Samantalang ang iba naman ay nangangambang baka magkaroon ng separation anxiety at speech delay ang mga bata.

    May epekto ba ang lockdown sa social skills ng mga bata?

    Ayon kay Sheri Madigan, isang psychologist at eksperto sa child development, hindi pa alam ng mga eksperto ang long term effect ng lockdown sa social skills ng mga bata.

    Ngunit, pinapayuhan niya ang mga magulang na huwag masyadong mag-alala. Ayon sa kanya, ang magulang ang magiging modelo kung paano ang social interactions. Ito naman ang siyang matututunan ng mga bata at siya nilang gagamitin sa pakikihalubilo sa ibang bata at matatanda na makikilala nila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag pa niya, hindi kailangan ng isang six-month-old na bata na makihalubilo sa isa pang six-month-old na bata para matuto ng social skills dahil matututunan niya rin ito sa tulong mong magulang niya.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ito rin ang sinabi sa amin ng child behavior specialist na si Ria Campos Lopez sa isang episode ng aming webinar na How Po?. Sabi niya, ang interaksyon na nakukuha ng anak mo mula sa iyo at sa daddy niya ay sapat na para makatulong sa development ng kanyang social skills.

    Paano ko masisigurong natuturuan kong maging socially interactive ang anak ko?

    Ayon kay Madigan, importanteng tignan mo ang cues at signals ng anak mo. Kapag nakita mo ang mga signals na ito, ibabalik mo ito sa kanya sa pamamagitan ng eye contact, salita, at gestures.

    Makakatulong ba ang mga online video conferencing calls sa anak ko?

    Ayon sa ilang mga pag-aaral, maaaring hindi maging pareho para sa anak mo ang social interaction na ginagawa online kumpara sa social interaction na mararanasan niya kapag kaharap na niya ang kausap niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Halimbawa, maaaring kausap niya lagi online ang mga lolo at lola niya pero pwedeng mailang pa rin siya sa mga ito kapag kaharap na niya sila nang personal.

    Payo niya, ang pinakamabisang paraan para makabuti sa mga bata ang online interactions ay ang pagkakaroon ng tinatawag na shared experience.

    Ibig sabihin, sa halip na pagharapin mo lang silang dalawa sa screen, mas magandang sabay silang kakain at magku-kwentuhan sila ng kinakain nila. Sa ganitong paraan, mas lalalim ang alaala ng bata tungkol sa kausap niya.

    Kailan ako dapat mag-alala sa social development ng anak ko?

    Paliwanag ng mga eksperto, kapag 14 months na ang anak mo, kaya na niya ang tinatawag na joint or shared attention. Tumitingin na siya sa mga itinuturo sa kanya at nakikituro na rin siya.

    Kung 15 months na siya at hindi pa rin siya nagpapakita ng joint attention, mas makabubuting kumonsulta na sa mga eksperto.

    ANONG LATEST TUNGKOL SA COVID-19?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Normal na mag-alala ka sa development ng anak mo ngayong nasa panahon tayo na talaga namang walang kasiguraduhan kung makakalabas pa ba tayo tulad ng dati o hindi na.

    Ngunit sa halip na ubusin mo ang lakas mo sa pag-aalala kung okay ba ang development niya, gamitin mo ang panahong mayroon ka para kausapin nang madalas ang anak mo o 'di naman kaya ay basahan siya ng maraming libro.

    Nakakatakot mang aminin, nasa kamay mo ang kanyang development. May naitutulong man ang ibang tao, iba pa rin ang nagagawa ng social interaction na nakukuha ng anak mo sa iyo at sa mga taong kasama niya sa bahay.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles