embed embed2
  • Pwedeng Gayahin! 5 Pre-Birthday Photoshoot At Cake Smash Ideas

    Maraming mga themes at ideas na pwede mong subukan ano man ang iyong budget.
    by Ana Gonzales .
Pwedeng Gayahin! 5 Pre-Birthday Photoshoot At Cake Smash Ideas
PHOTO BY courtesy of Joseph Catacutan / courtesy of Elva Roldan
  • Sobrang creative talaga ng mga magulang ngayon. Nariyang mag-DIY sila ng OOTD ng mga anak nila, bumuo ng sarili nilang playpen o playground, o 'di naman kaya may mag-design ng kanilang sariling cake para sa ano mang okasyon na mayroon sila. Hindi nauubusan ang mga nanay at tatay ng paraan para makatipid nang hindi ikinokompromiso ang kalidad ng mga bagay na ibinibigay nila sa kanilang mga anak.

    Bukod pa sa mga nabanggit, madalas na ring i-DIY ng mga nanay ang photoshoots ng kanilang mga anak. Kung gusto mo ring subukan ito ngunit hindi mo alam kung saan ka magsisimula, tignan mo lang ang mga nagawa na ng mga nanay at tatay na miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

    Everyday Things

    Kapag sinabing 'photoshoot' madalas ang una mong naiisip ay bonggang backdrop, props, at costumes. Pero ang katotohanan, limitado lang naman ang iyong budget at time. Bakit hindi mo na lang gamitin ang mga pang araw-araw na gamit na meron sa inyong bahay?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Mga ordinaryong bagay na naging extraordinary!
    PHOTO BY courtesy of Cham Secretario

    Ganyan ang ginawa ni mommy Cham Secretario. Maparaan niyang inayos ang mga gamit nit baby, dinamitan niya ito ng angkop sa mga gamit at saka niya nilitratuhan ng nilitratuhan. Ang resulta? Cute at candid na mga pictures na siguradong ikatutuwa mong tignan kapag malaki na ang iyong anak. Hindi na kailangan pang gumastos ng mahal. Cake lang at ilang balloons ay okay na.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Little Professional

    Kakaiba naman ang ginawang photoshoot ni mommy Elva Roldan para sa kanyang baby. Ayon sa kanya, matagal nilang pinangarap mag-asawa na dumating ang kanilang anak, kaya naman ngayon ay todo bigay sila. "Eight years po namin siyang hinintay, kaya effort kung effort ako sa monthsaries niya," kwento ni mommy sa kanyang post sa Village.

    Mukhang papasa bilang little artist si baby ah!
    PHOTO BY courtesy of Elva Roldan
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Siya rin lang ang nagtahi ng mga damit na isinuot ng baby niya. Tawagin na ang nating 'Little Professionals' ang tema niya. Mayroong nurse, mayroong teacher, mayroong dentist, at mayroon ding ballerina. Mayroon pang chemist, flight attendant, at iba pa—sobrang cute at nakakaaliw ang mga napili niyang propesyon.

    More from Smart Parenting

    Princess

    Syempre hindi mawawala ang theme na princess, pang-photoshoot man 'yan o sa mismong birthday na.

    Pwede mong gawing inspirasyon ang pre-birthday photoshoot ni mommy Sai Sollano para sa kanyang baby. Ayon sa kanya, pitong buwang gamutan dahil sa PCOS bago pa sila biniyayaan ng baby girl. Kaya naman talagang prinsesa si baby sa kanyang mommy.

    PHOTO BY Photo courtesy of Sai Sollano
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Safari o Barnyard

    Kung napapansin mo namang mahilig sa mga animals ang iyong baby, pwede mong gawin ang safari o hindi kaya ay barnyard theme.

    Bagay na bagay kay baby maging adventurer!
    PHOTO BY courtesy of Karen Smith

    Ganyan ang peg ni mommy Karen Smith para sa cake smash at prebirthday shoot ng anak niya. Marami ka na ngayong maoorderan ng Safari-themed na outfit. Samahan mo pa ng hat, green na background, at mga stuffed animals, pasadong-pasado na.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Cars

    Patok na patok naman sa mga baby boys (mas lalo sa mga dads) ang cars na theme. 'Yan ang ibinahagi ni daddy Joseph Catacutan sa Village. Gwapong-gwapo ang kanilang anak na naka-Ferrari pa na mini car!

    Nakakatuwa rin ang mga poses ni baby dahil parang 'kinukumpuni' niya ang kanyang munting sasakyan.

    Saan ang lakad mo, baby?
    PHOTO BY courtesy of Joseph Catacutan
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Cars din ang napiling theme ni mommy Ocel de Guzman-Montaño para sa kanyang baby boy. Ibang klases pangarera naman ang mini car na mayroon siya.

    More from Smart Parenting

    Marami pang iba't-ibang pre-birthday themes sa Smart Parenting Village na pwede mong pagpilian.

    Nasubukan mo na bang magkaroon ng pre-birthday shoot para sa iyong anak? Anong theme ninyo? Kumusta ang inyong experience? I-share mo lang sa comments section. Huwag kalimutang sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles