baby bath,sp forum,sipon,ubo,ask the doctor,con-00062,newbie mom,greener,pwede ba paliguan ang baby na may ubo at sipon,r08-em,scr24,Pwede Ba Paliguan Ang Baby Na May Ubo At Sipon,pwede bang paliguan ang baby na may ubo at sipon, ubo, sipon, baby, paligo, common cold, cough baby,Pwede bang paliguan ang baby na may ubo at sipon lalo na kung bagong panganak palang?
ParentingBaby

Puwede Bang Paliguan Ang Baby Na May Ubo At Sipon?

May sagot ang Pinay doctor at mom of 4, pati na iba pang U.S.medical experts.
PHOTO BYShutterstock/Vasin Lee

Fact-Checked by Ronna Capili Bonifacio

Ang article na ito ay unang naipublish noong Pebrero 18, 2021. Nadagdagan ito ng updates noong Oktubre 31, 2024.

Madalas itanong sa SmartParenting.com.ph ang pagpapaligo sa baby. Puwede na daw ba paliguan ang bagong panganak ? O kaya kailan ang first bath? Ilang beses dapat paliguan sa isang linggo? Anong oras ang paligo? Isa pang kadalasang tanong ay kung pwede bang paliguan ang baby na may ubo at sipon.

Mula walo hanggang 10 beses kada taon puwedeng magkasipon ang baby na wala pang 2 years old, ayon sa Cleveland Clinic. Nagde-develop pa rin kasi ang immune system ng sanggol para labanan ang higit 100 uri ng cold viruses.

Kapag sinisipon, malamang ubuhin din si baby. Typical ang pagkakaroon ng wet o di kaya dry cough, saad naman ng Boston Children’s Hospital. Tumatagal ang ubo ng humigit-kumulang isang linggo, kung kailan wala na siyang sipon.

Pwede ba paliguan ang baby na may ubo at sipon

Rekomendado ng medical experts ang pagligo gamit ang maligamgam na tubig (warm bath) para maibsan ang pakiramdam ng sanggol na may ubo at sipon.

Sang-ayon si Dr. Remy Tahil, isang general practitioner sa Pilipinas at mom of 4, na puwedeng paliguan ang baby na may ubo at sipon, pati na lagnat. Basta raw saglit lang ang pagligo at patuyuin kaagad ang sanggol. 

Sabi ni Dr. Tahil sa Smart Parenting, “It’s all right to quickly bathe babies when they have cough and colds, and also when they have fever. Just thoroughly dry them.”

Isang mommy ang nagkuwento sa amin na binibigay lang niya ng “mabilis na ligo” ang mga anak noong sanggol pa ang mga ito kapag “normal ubo at sipon” lang. Para raw “labas din init sa katawan” at “mas maginhawa” si baby.

watch now

Kapag lumagpas na raw sa normal at medyo gumagrabe ang pakiramdam ni baby, punas na lang sa katawan ang ginagawa ni mommy katulad ng marami.

Mga Benepisyo ng Pagpapaligo sa Baby na May Ubo at Sipon

May ilang benepisyo sa pagpapaligo sa baby na may ubo at sipon, tulad ng:

  • Pag-regulate ng temperatura: Ang pagpaligo kay baby gamit ng maligamgam na tubig ay maaaring makatulong manumbalik ito sa normal na temperatura.
  • Pagpapagaan ng sintomas: Ang pagpapaligo gamit ng mainit-init na tubig ay maaaring makatulong maibsan ang ilang sintomas gaya ng sakit ng kasu-kasuan, panginginig, at baradong ilong.
  • Pagluwag ng plema: Maaari ding maibsan ang baradong ilong at ubo kung maliligo gamit ng mainit-init na tubig.

Alternatibo sa Pagpapaligo: Paano ang Tamang Pagpunas kay Baby

Kung pipiliing hindi paliguan si baby, maaari siyang punasan o bigyan ng sponge bath. Gawin ito sa pamamagitan ng:

  1. Magpuno ng palanggana ng maligamgam na tubig.
  2. Gumamit ng malambot na tela o washcloth at ibabad sa tubig. Pigain ito nang maigi.
  3. Marahang punasan ang balat ni baby simula sa ulo hanggang paa.
  4. Tuunan nang pansin ang mga kulubot sa balat ni baby, ang masesela na bahagi, at sa likod ng tenga.
  5. Kung kailangan, gumamit ng baby soap sa washcloth at punasan ang ulo at leeg ni baby.
  6. Punasan ulit si baby ng basang washcloth upang mabanlawan ang sabon.
  7. Tuyuin si baby gamit ang malinis na tuwalya.
  8. Bihisan si baby ng malinis na damit.

Home remedy para sa sipon o ubo ni baby

Ayon pa sa medical sources, walang gamot sa common cold. Kusa daw gumagaling ang maraming uri ng sipon pagkaraan ng pito hanggang sampung araw. Hindi ito nakakaapekto sa normal activities ni baby. Hindi rin kailangan siyang bigyan ng over-the-counter medication at hinding-hindi puwede ang antibiotics. 

May mga paraan na puwedeng gawin ang magulang para gumaang ang pakiramdam ng sanggol na may common cold.

  • Siguraduhin na komportable si baby at nakakapahinga nang husto.
  • Bigyan si baby ng maiinom gaya ng breast milk  para sa 6 months pababa. Kung lampas 6 months na, puwede nang bigyan ng tubig.
  • Dahil hindi pa kaya ni baby na suminga, puwede siyang gamitan ng saline solution at suction. Mga 15 minutes bago padedehin si baby, patakan ng over-the-counter saline (salt water) drops ang kanyang ilong.
  • Paluluwagin ng drops ang mucus. Matatanggal ang mucus gamit ang rubber bulb suction. Sa ganitong paraan, mababawasan ang bara sa ilong ni baby at makakahinga na siya nang maluwag.

Kailan dapat tumawag ng doktor sa sipon at ubo

Magsimula lang mag-alala ang magulang kung 10 days na ang sipon at ubo ng anak, ayon kay Robert Giesler, isang respiratory therapist sa Children’s Hospital-Los Angeles (CHLA). Baka kasi may ibang problema ang bata, gaya ng asthma, allergies, at enlarged adenoids.

Diin ni Giesler, ang mga batang wala pang 4 months ay hindi daw dapat umuubo masyado. Kaya kung madalas at matindi ang pag-ubo ni baby, baka may seryosyong dahilan. Maging alerto daw sa iba pang palatandaan:

  • Kapag inuubo ang newborn sa mga unang linggo nito
  • Umuubo kahit hindi dumedede
  • Ilang linggo nang umuubo ang bata
  • Hirap sa paghinga
  • Pinagpapawisan sa gabi
  • Nababawasan ang timbang
  • May kasamang dugo ang ubo

Mainam na komunsulta kaagad ang magulang sa doktor para masiguro ang kalagayan ng anak. Sa mga ganyang pagkakataon, tanungin muna ang doktor kung puwede bang paliguan ang baby na may ubo at sipon. 

Mga Frequently Asked Questions (FAQs):

Pwede bang gumamit ng essential oils para kay baby na may ubo't sipon?

Hindi maaaring gumamit ng essential oils para kay baby na may ubo't sipon sapagkat may ilang oils na mapanganib para sa mga batang may edad na anim na taon at pababa.

Ano ang mga sintomas ng dehydration sa baby na may sipon at ubo?

Ang ilan mga sintomas ng dehydration sa mga baby na may ubo at sipon ay:

  • Mahinang pag-ihi: Ang iilan na basang diapers o walang basang diapers sa loob ng walong oras ay sintomas ng mahinang pag-ihi.
  • Tuyong bibig: Tuyo o malagkit na bibig, tuyong mga labi, dila, o lalamunan.
  • Lubog na mga mata: Mga matang lubog o madilim na parte sa ilalim ng mga mata.
  • Lubog o malambot na bunbunan: Malambot o mukhang patag o flat na fontanelle o bunbunan sa ibabaw ng ulo.
  • Kawalan ng enerhiya: Kung si baby ay walang enerhiya o palaging inaantok o tulog.
  • Pagka-iritable
  • Ibang sintomas tulad ng: Malamig o kakaiba ang kulay ng kamay at paa, tuyot o kulubot na balat, at malalim o hirap na paghinga.

Gaano ka-often dapat i-check ang temperatura ni baby kapag may lagnat kasama ng sipon at ubo?

Hindi kinakailangan laging i-check ang temperatura ni baby ng ilang beses sa isang araw kung siya ay nakitaan ng lagnat. Maaaring iwasan kunin ang kanyang temperatura pagkatapos maligo, kung sila ay nababalot ng kumot o swaddle o damit, dahil maaaring maapektuhan nang mga ito ang thermometer.

Pwede bang bigyan si baby ng honey o iba pang natural na pampaginhawa sa ubo?

Hindi nirerekomenda ang honey sa mga baby na may edad isang taon at pababa dahil sa infant botulism-isang uri ng food poisoning sa mga baby. Huwag din bigyan si baby ng kahit anong over-the-counter na gamot sa ubo at sipon dahil ito ay maaaring magdulot ng mapanganib na side efects.

Pwedeng subukang bigyan si baby ng mainit-init na mga sabaw o inumin gaya ng apple juice o lemonade na maaaring makatulong sa kanilang plema at paghinga.

Read here for best ways to stop flu and colds from spreading in your family.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close