Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Pagpapahilot At Masahe, Pwede Na Nga Ba Pagkatapos Manganak?

    Narito ang ilan sa mga experiences ng mga nanay sa Smart Parenting Village.
    by Jhem Bon .
Pagpapahilot At Masahe, Pwede Na Nga Ba Pagkatapos Manganak?
PHOTO BY iStock
  • Normal na sa mga babae ang makaramdam ng sakit sa likod, binti, at braso ilang araw o linggo matapos nilang manganak. Kailangan kasi ng iyong katawan ng sapat na panahon para maghilom at makarecover. Bukod pa riyan, ang pagpapasuso ay nakakangawit at nakakapagod din. Kaya naman isa sa mga bagay na inaasam ng mga nanay ay magpahilot o magpamasahe. Ngunit ang kalimitang tanong, kailan nga ba pwedeng magpamasahe at ligtas ba ito?

    Ginalugad namin ang aming Facebook group na Smart Parenting Village para sa mga experiences na ibinahagi ng mga nanay. Narito ang ilan sa kanila:

    (Paalala: Ugaliing kumonsulta muna sa doktor bago magpamasahe, lalong-lalo na kung ika'y sumailalim sa cesarean delivery. Unahin ang pagkonsulta sa doktor bago ano pa man para masiguro ang iyong kaligtasan.)

    More from Smart Parenting

    Hanggat maaari, sa professional ka magpamasahe

    May mga home service massages na ginawa talaga para sa mga buntis. Sa katunayan, mayroon pang services tulad ng lactation massage na pwedeng makatulong para makapagproduce ka ng mas maraming breastmilk. Ayon sa isang nanay sa Village, nagpamasahe siya sa MassageMNL at ang kinuha niya ay ang post-partum massage service na inooffer nila. Ilang araw lang iyon matapos siyang manganak. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Piliin ang light to moderate pressure

    May mga nanay sa Village na ilang buwan ang hinintay bago nagpahilot at ayon sa kanila, nagpamasahe sila sa ordinaryong mga massage parlors at salon, kailangan mo lang sabihin na kapapanganak mo lang para magaan lang ang pressure na i-apply sa mga areas na ipapamasahe mo.

    More from Smart Parenting

    Huwag sa lower back at balakang

    May mga nanay na pinayagang magpamasahe anim na buwan pagkatapos nilang manganak ngunit iniwasan nilang ipamasahe ang kanilang balakang at lower back.

    Ayon sa American Pregnancy Association, maari nang magpa-masahe ang isang ina kung kailan komportable na itong gumalaw. Ano mang position o parte ng katawan ay maari na ring ipamasahe, depende kung saan ka komportable. Ano ba ang nagagawa nito para sa mga bagong panganak?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    •  Nakakawala ng sakit ng katawan mula sa panganganak
    •  Nakakatulong ito sa postpartum hormone balance 
    • Nababawasan ang panganib ng depression sa mga bagong ina
    • Nakakabawas ng pamamaga ng katawan mula sa pagbubuntis
    • Nakakatulong sa bagong panganak na makatulog ng maayos
    • Ang relaxation na hatid ng masahe ay nakakatulong sa pagpapalabas ng gatas ng ina

    Tunay ngang nakakatulong sa mabilis na recovery ang pagpapamasahe pagkapanganak. Cesarean man o normal delivery ka, makabubuting humingi muna ng permiso o clearance sa inyong doktor bago ito ipagawa.

    Magpamasahe lamang sa mga trained therapist at huwag kalimutang banggitin kung ilang linggo o buwan na ang nakalipas o kung nagkaroon ka man ng komplikasyon sa panganganak. Magpatingin agad sa doctor kung mayroong hindi magandang pakiramdam pagkatapos magpahilot o masahe.

    Hindi rin lahat ng mga massage parlors ay tatanggapin ka kapag nalaman nilang katatapos mo lang manganak. Halimbawa, sa mga blind therapists sa mga malls, isang taon pagkapanganak ang tinatanggap nila na kliyente, CS man o normal. 

    Nakapagpamasahe ka na ba pagkatapos mong manganak? Saan at kumusta ang iyong experience? I-share mo na sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles