Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Ang Mahahalagang Sintomas ng UTI sa Bata na Dapat Mong Malaman, Mommy
PHOTO BY iStock
  • Ang UTI o urinary tract infection ay isang uri ng impeksyon sa urinary system. Ang pagkakaroon ng bacteria ang karaniwang sanhi ng UTI sa mga bata. Kapag pumasok ito sa urethra pupunta ito sa urinary tract.

    Sintomas ng UTI

    Ang mga babae ang kadalasang nagkakaroon ng UTI kaysa sa mga lalaki dahil sa maikli ang ating urethra. Mabilis na nakapapasok ang bacteria dahil sa maikling distansya na kinakailangang maglakbay nito upang maabot ang ating bladder o pantog. Nangyayari ang UTI kapag maraming bacteria mula sa balat o sa dumi ay pumasok sa urinary tract at nagiging sanhi ng impeksyon.

    Narito ang ilang sintomas ng UTI mula kay Dr. Rosanne Sugay, isang internist at pediatrician.

    • Pagkakaroon ng lagnat
    • Pagiging iritable lalo na sa pag-ihi
    • Pagbabago sa dalas ng pag-ihi
    • Matinding kirot sa pag-ihi na maaaring dahilan labis na pag-iyak
    • Pananakit ng tiyan o pelvic
    • Pagsusuka
    • Mapanghing amoy ng ihi
    • Kawalan ng gana sa pagkain
    More from Smart Parenting

    Mga dapat gawin kapag may sintomas ng UTI

    Ang mga impeksyon ay kadalasang nagiging seryoso dahil ang mga sanggol ay hindi makapagsasabi tungkol sa maagang mga sintomas tulad ng balisawsaw o masakit na pag-ihi (burning sensation). Ngayon, alam ng mga pediatrician na kritikal na suriin ang ihi ng mga sanggol at mga bata na may mataas na lagnat.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dalhin at ipatingin agad sa doktor ang bata. Maaaring magdala o maghanda na ng sample ng ihi para sa pagsasagawa ng diagnosis.

    Kung hindi pa marunong mag-wiwi si baby sa banyo, may nabibiling “wiwi bag” sa mga drug store na ilalagay o idinidikit sa kanilang genitals para sumalo ng kanilang ihi. Kung marunong naman na si baby gumamit ng banyo, maaaaring saluhin o ilagay ang kanilang ihi sa isang malinis na lalalagyan. Kung possible at kakayanin, kunin ang midstream na ihi ng iyong baby.

    Lunas at gamot sa UTI

    Kapag na-diagnose ang iyong baby ng UTI, karaniwan na antibiotic ang inireresetang gamot ng doktor panlaban sa bacteria. Tiyakin din na nasusunod ang maayos na pagpapainom ng gamot upang magamot ang UTI ni baby. Kapag napabayaan o hindi nagamot ang UTI maaaring magdulot ito ng permanenteng sakit sa kidney.

    Tumatagal ang pag-inom ng gamot sa UTI nang tatlong hanggang 10 araw. Kailangan na tapusin at sundin mabuti ang ibinigay at iniresetang gamot ng doktor. Mahalaga ito upang lubos na mawala ang bacteria. Kapag hindi nasunod o maagang nahinto sa pag-inom, maaari magdulot pa ito ng ibang impeksyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Matapos ang ilang araw na pagpapainom ng gamot, uulitin uli ang pagsasagawa ng urine test upang matiyak na nawawala na ang impeksyon sa ihi.

    Karaniwan na tumatagal ng isang linggo bago tuluyan na mawala ang impeksyon. Mapapansin pa rin ang ilang sintomas kahit nagsimula na ang pag-inom ng gamot pero tawagan agad ang inyong doktor kapag walang naging pagbabago naman sa kalagayan ng iyong baby o mas lumala pa ang sitwasyon.

    More from Smart Parenting

    Ang karaniwang gamutan ng UTI sa mga bata ay sa pamamagitan ng oral antibitotics o pagturok ng antibiotics kung nahihirapan naman silang painumin o palunukin ng gamot. Maaari ding i-admit sa hospital ang mga bata upang idaan sa suwero ang antibiotic lalo na kapag

    • may edad na anim na buwan pababa
    • dehydrated na ang bata
    • kumalat na sa dugo ang impeksyon
    • may impeksyon na sa bato ang bata

    Mga dapat gawin para maiwasan ang UTI

    Dapat na palagian ang pagpalit ng kanilang diaper. Huwag hayaan na mababad o hintayin pa na punong-puno na ang diaper ni baby bago ito palitan. Bukod na maiiwasan ang rashes, maiiwasan din ang pagkakaroon ng UTI.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Madalas din na nagkakaroon ng ganitong mga sakit si baby sa mga edad na tinuturuan na siyang gumamit ng banyo. Tandaan na mahalaga sa lahat ang tamang pangangalaga sa pamamagitan ng pagkain ng masustansiya, pag-inom ng maraming tubig, at maayos na hygiene upang maiwasan ang pagkakaroon ng UTI.

    • Kailangan painumin ng maraming tubig si baby para sa madalas na pag-ihi. Hikayatin ang pagpunta sa banyo para umihi. Turuan silang huwag magpigil ng ihi. 
    • Sikapin na mabuting natatapos nila ang pag-ihi. Nagdudulot din kasi ng bacteria ang hindi pagtatapos ng ihi.
    • Ugaliin ang paglilinis sa genital area ng iyong baby. Makabubuti ang palagiang paghuhugas matapos ang pag-ihi.
    More from Smart Parenting

    Para sa mga batang babae:

    Iwasan ang bubble baths o paggamit ng matatabang na mabagong sabon. Dahil sa mas maikli ang urethra sa mga babae, mas mabilis ang pagpasok ng bacteria na magdadala ng impeksyon sa urinary tract.

    Pasuutin ng cotton na underwear dahil mas mabuti ito kaysa sa nylon sa pag-iwas ng pagkakaroon ng mga bacteria at nagagawa nitong maayos na airflow.

    Turuan sila punasan ang kanilang genital mula sa harapan papunta sa likuran. Nakatutulong ito na maiwasan ang pagpasok ng bacteria mula sa dumi sa kanilang vagina at urinart tract.

    Para sa mga batang lalaki:

    Mataas ang insidente ng UTI kapag hindi pa natutuli kaya turuan sila nang maayos na pag-ihi. Tiyakin na nakaihi silang mabuti at hindi nagmamadali.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maghigpit din sa pagtuturo ng pagiging malinis sa genitals o proper hygiene.

    Huwag hayaan kung may napapansin nang sintomas ng UTI sa iyong baby. Agad na komunsulta sa doktor upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
View more articles