-
Your Kid’s Health Mga Red Flags Kung Nahulog Mula sa Kama o Mataas na Lugar ang Iyong Anak
-
Preschooler Preschool Teachers Reveal 7 Discipline Hacks to Get Kids to Behave
-
News Naging Bikitima Ng Scam Si Jolina Magdangal Ng Isang Online Plant Seller
-
Love & Relationships 3 Reasons People in Happy Relationships Cheat And How to Move On
-
Tandaan Ito Kung Papaliguan Si Baby Sa Hapon
Ayon sa mga eksperto, hindi ito makakasama sa anak mo kung gagawin mo ito ng tama.by Ana Gonzales .

PHOTO BY Pexels
Isa ang pagpapaligo sa mga techniques ng mga magulang para mapatulog ang kanilang mga anak. Malaking ginhawa kasi sa mga bata kapag napapaliguan sila, lalo na't malimit na mainit ang panahon dito sa ating bansa.
READ MORE ABOUT BABY BATH TIME HERE:
- The Most Important Thing To Remember For Baby's First Bath, According To Pedia
- Remember 'TWAG' When Bathing Your Baby, Says Dermatologist
Ang pag-aalala lang ng mga magulang, okay lang bang paliguan ang mga babies kahit hapon na? Mayroon kasing sabi-sabing nakakasama ito sa kalusugan ng bata dahil maaaring pasukin ng lamig ang katawan niya.
Agad naming ikinonsulta ito sa mga eksperto, sa aming live webinar na How Po? Ayon kay Dr. Faith Alcazaren, isang pediatrician, ang dalas at oras ng pagpapaligo sa mga bata ay depende sa edad nito.
Gaano kadalas ko pwedeng paliguan ang anak ko?
Sabi ni Dr. Faith, kung ang baby mo ay edad anim na buwan pababa, hindi niya inirerekomenda na paliguan mo ito ng higit sa dalawang beses sa isang araw. "Nakaka-dry ang tubig. Nakaka-dry ng balat ang pagpapaligo," paliwanag niya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPwede mong paliguan ang anak mo sa umaga, tanghali o hapon. Payo ni doktora, kung sakali mang mainitan siya, pwedeng punasan mo na lang ang katawan niya para 'di na siya kailangang paliguan.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosNarito pa ang ilang mga tips ni doktora para presko si baby kahit hindi paliguan:
Bihisan si baby ng damit na cotton ang tela
Mas presko ang telang cotton kaya mainit man ang panahon, hindi gaanong pagpapawisan si baby.
Paikutin ang hangin sa bahay
"If we can afford it, let's adjust the ambient temperature," payo ni doktora. Sabi pa niya, buksan ang air conditioning, kung mayroon kayo, sa oras na talagang mainit ang panahon. "It's a matter of controlling the temperature para ma-control ang sweating ng bata," paliwanag niya.
Ang pinakamahalagang payo ni doktora pagdating sa pagpapaligo sa mga babies at sa mga bata ay siguraduhing walang tinatawag na cold draft na pumapasok sa loob ng bahay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWKung papaliguan mi man ang anak mo dalawang beses sa isang araw, araw-araw, lalo na kung sa hapon, dapat ay hindi nakabukas ang mga bintana at mga pintuan kung saan mo pinapaliguan si baby. "[Dapat] walang aircon sa katabing kwarto, that will cause cold draft," sabi ni doktora.
"Yung cold draft ang nagiging cause na nagsisipon-sipon 'yung bata o nagiging iritable lalo dahil nilalamig," paliwanag pa niya. "Just a quick bath twice a day will help."
READ MORE ABOUT BABY BATH TIME HERE:
- The Most Important Thing To Remember For Baby's First Bath, According To Pedia
- Remember 'TWAG' When Bathing Your Baby, Says Dermatologist
Payo naman ng mga nanay sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Good idea ang pagpapaligo sa hapon—basta't siguraduhing tandaan ang bilin ni doktora. Iantabay na agad ang twalya, siguraduhing hindi malamig sa kwarto, at patayin ang mga electric fans at air conditioning sa bahay.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPara sa kabuuan ng mga tips ni doktora, panoorin mo lang ang video na ito:
May mga techniques ka ba sa pagpapaligo sa baby mo? I-share mo na iyang sa comments section.

View More Stories About
Trending in Summit Network