-
11 Na Pangalan Para Sa Batang Babae Na Natatangi, Magaganda, At Tunay Na Pilipino
Nilikom namin ang ilan sa mga pinaka natatanging pangalang Pilipino para sa mga batang babae na maaari mong isaalang-alang para sa iyong susunod na baby.by Stephanie Gonzaga .
- Shares
- Comments

Gusto nating lahat na makabuo ng mga natatangi at malikhaing pangalan para sa ating mga anak na babae. Ang henerasyon ng ating mga lolo't lola ay kinuha sa mga pangalan ng Espanyol at Ingles. Sinubukan nating ibahin ito sa pamamagitan ng pagbago ng baybay ng mga pamilyar na pangalan, ngunit pareho pa rin ang bigkas. Ang iba ay gumamit ng kanilang mga paboritong bagay, tulad na lang ng rock musician na si Raimund Marasigan na ipinangalan ang kanyang anak sa tanyag na Japanese gaming console na Atari.
Mga pangalang Pilipino para sa mga batang babae
Lahat ng mga pangalan ay kaibig-ibig, siyempre. Ngunit bilang paggunita sa Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, naisip naming maraming makukuhang magagandang pangalan sa mayaman nating wikang Filipino—pre-colonial na mga salitang Pilipino na magandang gawing mga pangalan para sa iyong anak na babae. Ang mga pangalang Pilipino ay nagpapahiwatig ng kadalisayan, pagka-diyos, at pag-ibig. Narito ang ilan sa mga pinakamagaganda at napaka-Pilipinong pangalan para sa iyong anak na babae.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW1. Awit
Perpekto ito para sa mga magulang na mahilig sa musika. Bigyan siya ng talento sa pag-awit sa pamamagitan ng pagpapangalan sa kanya ng kagandahan ng musika.
2. Bituin
Wala nang mas nakasisilaw na pangalan sa bituin. Ang mang-aawit at artista sa teatrong si Bituin Escalante ay isa sa iilan na nagdadala ng pangalang ito.
3. Dalisay
Sinasalamin ng pangalang ito ang kamusmusan ng bata. Marami itong pagpapakahulugan—katotohanan, kadalisayan, katapatan, bukod sa iba pa. Maaari rin itong tumukoy sa kaliwanagan at kalinisan.
What other parents are reading
4. Diwata
Magiliw, matalino, at maganda. Ang pagpangalan sa iyong anak sa engkanto ay parang pagbibigay sa kanya ng mga katangiang nito.
5. Himig
Isa pang pangalan na nagpahayag ng pag-ibig sa musika at pag-awit. Ito ay nangangahulugang "tono".
6. Hiraya
Nagpapahayag ito ng malikhaing pag-iisip o kakayahang tuparin ang kanyang mga pangarap. Kung ikaw ay lumaki noong '90s, marahil ay naaalala mo ang fantasy programna pambata, ang "Hiraya Manawari," na ipinalabas sa ABS-CBN. Si Bombi Plata, assistant director ng show, ay pinili ang pangalang Hiraya para sa kanyang anak na babae, na ngayon ay 15 taong gulang na.
CONTINUE READING BELOWwatch now"I love its meaning. It's an ancient Tagalog word for 'may your dreams come true.' Hiraya as a root word may also mean imagination, dream, or hopes, and Hiraya my daughter is a fulfillment of our dreams," paliwanag niya. (Gustung-gusto ko ang kahulugan nito. Ito ay sinaunang salitang Tagalog para sa 'nawa'y matupad ang iyong mga pangarap.' Ang Hiraya bilang salitang ugat ay maaaring mangahulugan din ng imahinasyon, panaginip, o pag-asa, at si Hiraya na aking anak na babae ay isang katuparan ng aming mga pangarap.)
7. Hiyas
Ipinapangalan natin ang ating mga anak sa mga magagandang bagay, kaya't bakit hindi pangalanan ang iyong anak na babae ng katumbas sa Pilipino ng "gem," "stone," o "jewel"? Ipinapalagay din nito na ang ating anak ay napakahalaga at katangi-tangi, at nais nating protektahan siya hangga't nabubuhay tayo.
What other parents are reading
8. Mayumi
Ang "Mayumi" ay nangangahulugang pino, wasto, banayad at mabait. Nangangahulugang malambot ang puso ng iyong anak at katangi-tangi bilang bulaklak.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMay ilang mga inang kinuha ang pangalan ng kanilang anak mula sa kanilang karanasan habang buntis. “We wanted her name to reflect her personality that we saw in her ultrasounds,”pagbabahagi ni Michelle Dacumos-Alingarog, ina ng 4 na taong gulang na babaeng si Mayumi. (Nais namin na maipakita ng kanyang pangalan ang kanyang pagkatao na nakita namin sa kanyang mga ultrasound.)
“Mayumi means demure, tender and honest. Her pinky was always up and her other hand was always wrapped around her chin and face. We chose Mayumi because we have a very Filipino-sounding last name and we wanted her first name to have a Filipino tone.” (Ang Mayumi ay nangangahulugang mahinhin, maamo, at tapat. Ang kanyang hinliliit ay palaging nakataas at ang kabilang kamay ay palaging nakahawak sa kanyang baba at mukha. Pinili nami ang Mayumi dahil mayroon kaming tunog Pilipinong apelyido at nais naming maging Pilipino rin ang kanyang unang pangalan.)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW9. Mutya
Tulad ng "hiyas," ang "mutya" ay tumutukoy ito sa anting-anting, hiyas, o perlas. Perpekto itong pangalan sa iyong unang anak na babae.
10. Sinta
Bilang pantawag sa minamahal, ang "sinta" ay tumutukoy sa "pag-ibig." Maaari itong gamitin upang ipahayag ang pagmamahal sa romantikong kahulugan o pag-ibig sa bansa. Isa sa mga anak na babae ni Senador Risa Hontiveros ay pinangalanang Sinta.
11. Tala
Ipangalan sa iyong anak ang magagandang ilaw sa kalangitan. Ang pangalang ito ay nagpapahiwatig ng hindi namamatay na pag-asa, kagalakan at inspirasyon.
Pinangalanan ni Gigi Singson ang kanyang apat na anak na babae na Tala, Marikit ("maganda"), Amihan at Hiyas. “Meanings for us were a factor. Hiyas in English is ‘gem’. For the twins, ‘Tala’ and ‘Marikit.’ It was like ‘bituing marikit.’ I named one of them ‘Tala’ because she was bigger than her twin,” dagdag ni Gigi. (Ang mga kahulugan para sa amin ay isang kadahilanan. Ang Hiyas sa Ingles ay 'gem'. Para sa kambal, 'Tala' at 'Marikit.' Ito ay tulad ng ' bituing marikit.’ Pinangalanan ko ang isa sa kanilang ‘Tala’ kasi siya ay mas malaki sa kanyang kakambal.)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW“We were wondering why in other countries, they name their children using native names,”pagbabahagi niya. (Nagtataka kami kung bakit sa ibang mga bansa pinapangalanan nila ang kanilang mga anak gamit ang mga katutubong pangalan.) “Why not give Filipino names for our children, something truly our own?” (Bakit hindi natin bigyan ng Pilipinong pangalan ang ating mga anak, isang bagay na tunay na atin?)
What other parents are reading

- Shares
- Comments