embed embed2
  • Tongue-Tie at Lip-Tie: Kailangan Ba ng Agarang Operasyon?

    Nakakaapekto ag tongue-tie at lip-tie sa maayos na breastfeeding.
    by Dinalene Castañar-Babac . Published Apr 14, 2019
Tongue-Tie at Lip-Tie: Kailangan Ba ng Agarang Operasyon?
PHOTO BY iStock
  • Maraming hamon at problema ang kinakaharap ng mga mommy sa kanilang breastfeeding journey. Nariyan ang kaunting milk supply at pagsusugat ng nipple lalo na kapag mali ang pag-latch ni baby. Ang ganitong sitwasyon ay maaaring masolusyunan sa tulong ng mga lactation consultant. Ngunit paano kung may problemang pisikal si baby gaya ng tongue-tie at/o lip-tie? Kailangan ba ito ng operasyon para maging successful ang breastfeeding?

    Karaniwan na minor surgery sa pamamagitan ng laser ang sagot sa tongue-tie o lip-tie kaya naman pinuputol o ginugupit ang nakakasagabal na balat (frenulum) sa labi o sa gilagid. Mabilis lang din ang proseso nito na kadalasan tumatagal ng 5-30 minuto depende sa sitwasyon. Kapag baby pa, madali lang dahil ginugupit lamang at hindi na kailangan ng stitches at pag-inom ng gamot.

    What other parents are reading

    Ano ba ang kaibahan ng tongue-tie at lip-tie?

    Ang tongue-tie o ankyloglossia (o paniniwala ng iba na maikli ang dila) ay dahil sa masyadong maikli ang manipis na balat na nasa ilalim ng dila ni baby (lingual frenulum) na humahadlang sa paggalaw ng dila. Samantala, ang lip-tie ay pagkakaroon ng balat sa itaas na bahagi ng labi (labial frenulum) na nakadikit sa itaas na gilagid o gums. Maaaring isa sa mga ito ay maranasan ni baby o kaya naman ay pareho. 

    Bakit nga ba nagkakaroon ng ganito ang mga baby? Walang sapat na datos na makapagpapaliwanag sa dahilan ng pagkakaroon ng ganito ng mga baby. Sinasabi ng iilan na maaari itong namamana o nakukuha mula sa genes. Kinakailangan pa ng malawak na pag-aaral para sa sitwasyong ito.

    Paano malalaman na mayroon tongue-tie o lip-tie si baby?

    Narito ang ilan sa mga senyales para malaman na may ganito si baby:

    1. Hindi maayos na nakakadede sa ina.
    2. Hindi natatagalan ang pagdede.
    3. May maririnig na click na tunog habang dumedede.
    4. Nabubulunan habang dumedede.
    5. Hindi sapat ang timbang ni baby.
    6. Hindi lubos na naipapakita nang maayos ang gilagid.
    7. Hindi labis na nailalabas ng baby ang kaniyang dila.
    8. Parang laging gutom si baby.
    9. Labis na paglalaway o drooling
    10. Pagiging kabagin 
    What other parents are reading

    Ano ang epekto ng pagkakaroon ng lip-tie o tongue-tie ni baby sa kanyang mommy?

    • pagkakaroon ng paltos o pagsusugat ng nipple
    • nakadarama ng sakit o hindi komportable habang nagpapadede
    • pagiging flat ng nipple o pagkakaroon ng stripe mark pagkatapos magpadede
    • makapagdedebelop ng engorgement, mastitis o blocked ducts
    • kawalan ng maayos na tulog dahil sa palagiang pagpapadede
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ano-ano ang mga komplikasyon ng tongue-tie at lip-tie?

    Nakakaapekto ito sa maayos na breastfeeding

    Kapag may lip-tie hindi kakayanin ni baby na maayos na maisara ang labi at maidikit ang nguso sa dibdib ng mommy. Kapag naman may tongue-tie, nakasasagabal ito sa pagkilos ng dila na responsable rin sa pagkuha ng gatas o pag-express ng milk habang sumususo.

    Problema sa pagsasalita ni baby

    Ang pagkakaroon ng tongue-tie ay maaaring maging sanhi ng problema sa paglikha ng mga tunog o pagbikas ni baby ng mga letra gaya ng "t," "d," "z," "s," "sh," "r," at "l."

    Magdudulot ng suliranin sa oral hygiene

    Maaaring mahirapan na maalis ang mga naiiwang piraso ng pagkain sa ngipin na maaaring maging sangi ng tooth decay at pagmamaga ng gilagid. Maaari din itong maging sanhi ng pagkakaroon ng espasyo sa pagitan ng mga ngipin lalo na sa harapang bahagi.

    Kahirapan sa pagsasagawa ng mga oral activities

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Dahil sa pagiging lip-tied o tongue-tied ni baby, maaaring makapagdulot ito ng kahirapan sa pagdila sa ice cream na nasa apa o paghipan sa mga musical instruments na kinakailangan ng hangin.

    What other parents are reading

    Ano ang gamot sa tongue-tie at lip-tie o paano ito nasosolusyunan?

    Ang pagtitiyak ng ganitong kalagayan ni baby ay maaaring gawin ng mga eksperto gaya ng pediatrician, lactation consultant, at dentista. Inirerekomenda ng ilang doktor at lactation consultants ang agarang pagsasaayos nito bago pa man lumabas ang sanggol sa ospital. Ang iba naman ay naghihintay o hinahayaan na lamang dahil maaari namang umayos ito sa paglipas ng panahon.

    Ngunit, kapag ito ay nakapagdudulot ng anumang suliranin, surgical treatment ang tanging solusyon. Ang proseso ay maaaring frenotomy o frenuloplasty para sa tongue-tie.

    Frenotomy 

    Ang frenotomy ay isang simpleng proseso na hindi kinakailangan ng anesthesia. Ginagawa ito sa clinic ng doktor o kaya sa nursery ng hospital.

    Matapos masuri ng doktor ang lingual frenulum sa pamamagitan ng sterile scissors, gugupitin o puputulin ang nakasasagabal na balat sa giladgid. Mabilis lamang ito at panandalian lamang ang sakit na mararamdaman ni baby dahil hindi pa ganoon karami ang nerve at blood vessels sa bahaging ito. Kung may pagdurugo man kakaunti lamang ito kaya ipinapayo rin ang agarang pagpapa-breastfeed pagkatapos maisagawa ang proseso para huminto ang anumang pagdurugo at mabigyan ng ginhawa si baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Frenuloplasty

    Samantala, ang frenuloplasty ay inirerekomenda kung masyadong makapal ang lingual frenulum. Mas maproseso ang pamamaraang ito na dahil sa bukod sa ginagamitan ng anesthesia, kinakailangan din ng mga surgical tools. Tinatahi ang ginupit na bahagi at naghihilom naman sa paglipas ng panahon. Matapos ang frenuloplasty, ipinapayo ang pagsasagawa ng paggalaw o ehersisyo sa dila para maisayos ang pagkilos nito at mabawasan ang pagkakaroon ng peklat.

    Frenectomy 

    Tinatawag naman frenectomy ang proseso na ginagawa para sa lip-tied. Mas ginamit na ng mga propesyonal ang laser treatment na ito dahil nakapagbabawas ng tiyansa ng pagdurugo at mas hindi gaanong traumatic ang pamamaraan para sa mga baby. Mabilis din ang prosesong itong na umaabot nang 30 segundo kung saan gumagamit ang dokto ng laser para putulin ang lip-tie.

    Kapag may suspetsa kang tongue-tied o lip-tied si baby, agad na komunsulta sa doktor. Kapag hindi ito naagapan agad maaaring magresulta ng mastitis at pagsusugat ng nipple kay mommy habang mababang timbang at pagkabalisa o pagka-iritable naman kay baby. Kung minsan, ang ganitong pisikal na kalagayan ni baby ay hindi problema sa pagpapa-breastfeed. Ngunit, maaari naman itong magbunga ng iba pang suliranin gaya ng guwang sa pagitan ng mga ngipin at problema sa pagsasalita niya kapag lumaki na kaya mas mabuti na matugunan agad ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sources: Smart Parenting, Mayo Clinic, WebMD, Mama Natural

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close