embed embed2
  • Pangalan Nina Mommy At Daddy Equals Kakaibang Baby Names Na Walang Katulad

    Maraming witty at nakakatuwang paraan para pagsamahin ang inyong mga pangalan.
    by Ana Gonzales .
Pangalan Nina Mommy At Daddy Equals Kakaibang Baby Names Na Walang Katulad
PHOTO BY Shutterstock/3623
  • Sa panahon ngayon, hindi ka na mauubusan ng inspirasyon para sa unique na baby name. Marami na kasing mga palabas, karakter at kung anu-ano pang makikita online. Nariyan na rin ang mga baby name generators na isang pindot mo lang, may kakaibang pangalan ka na.

    Gayon pa man, dahil kinuha mo ang pangalan online, maaaring may maging kapareho pa rin ang iyong anak.

    Kung talagang gusto mo na unique at walang katulad ang pangalan ng baby mo, wala pa ring tatalo sa paghahalo ng pangalan ninyo ng daddy niya.

    Lumapit kami sa mga magulang sa aming Facebook group na Smart Parenting Village, para makita kung paano nga ba nila pinaghalo ang mga pangalan nila para mabuo ang unique name ni baby. Narito ang ilang halimbawa na pwede ninyong pagkuhanan ng inspirasyon. 

    Baby names na hango sa mga pangalan nina mommy at daddy

    Kunin ang dulong syllables

    'Yan ang ginawa nina mommy Thina at daddy Vergel. Nang pagsamahin ang kanilang mga pangalan, naging Athina Ergel ang unique name ng kanilang baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sina mommy Mariz naman at daddy Ledser, Rizser ang naging pangalan ng baby nila.

    Pwede rin ang unang syllables!

    Reynaldo at Consuelo ang pangalan nina mommy at daddy. Ang ending ng kanilang pangalan ay Reycon.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Cute na combination din ang mga pangalan nina mommy Phee at daddy Carl—Carlhee ang kinalabasan ng pangalan ng baby nila.

    Magandang choice din ang una at huling syllables

    Halimbawa, ang pangalan ni daddy ay Marion. Ang pangalan naman ni mommy ay Raquel. Ang nabuong pangalan ng baby nila ay Marquel.

    Maganda naman ang pagkakaikot ng pangalan nina mommy at daddy na Steve at Jenny. Naging Stenny Jeneve ang pangalan ng baby nila.

    Samantala, Kenleen naman ang naging pangalan ng baby nina mommy Pauleen at daddy Kenneth.

    Isali sina lolo at lola sa combination

    Marami ring mga nanay at tatay sa Village ang isinama sa formula ang mga pangalan nina lolo at lola.

    Halimbawa, nagmula ang pangalangan ng Village member na si mommy Margered sa mga pangalan ng kanyang nanay na si Geronima, tatay na si Eduardo, at lola na si Maria—kinuha lang ang lahat ng unang syllable ng mga pangalan nila para mabuo ang Margered.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isa ring magandang halimbawa ang pangalan na Chanel Adeliana. Halo raw ito sa pangalan ng mga lola na Amparo, Adela, Apolonia, at Carolina.

    Maghalo ng isa pang pangalan, bagay, o petsa na makahulugan sa inyo

    Pwede mong gawing inspirasyon ang ginawa nina mommy Kaye at daddy Jessie. Kaysierene ang pangalan ng anak nila. Kinuha nila ang '-rene' mula sa Black Nazarene dahil ipinanganak ang anak nila sa kapistahan ng Nazareno.

    James and Rachel naman ang pinaghalo nina mommy and daddy kaya naging Jamara ang pangalan ng anak nila.

    Sinamahan naman ng mga pangalan hango sa book of Bible ang mga pangalan ng anak nina mommy Jolly Ann at daddy Jerald. Jonal Genesis ang pangalan ng panganay nila, habang Jerly Psalm naman ang pangalawa. Kung sakali raw na may pangatlo, papangalanan nila itong Reve, hango naman sa Book of Revelation.

    Marami ka pang makikitang nakakatuwang name combinations sa Smart Parenting Village. Nariyan ang pangalan ng mga anak nina mommy Leigene at daddy Jemuel na ang kinalabasan ay Leimuel.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Roice naman ang naging pangalan ng anak nina mommy Grace at daddy Rojirone. Jaren Geosh naman ang naging pangalan ng baby nina mommy Karen at daddy Jayson nang isama nila sa formula ang pangalan nina lolo na Gregorio at Hermoso.

    Sky is the limit talaga at siguradong unique ang magiging pangalan ng baby ninyo kung ang magiging inspirasyon ninyo ay ang mga mismong pangalan ninyo o ng mga mahal ninyo sa buhay.

    Kayo, unique ba ang pangalan ng baby ninyo? Saan ito nanggaling? Ikwento niyo 'yan sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles