Halos lahat ng mga bata, kapag nagsisimula pa lang mag-aral, ay maaaring mahirapan sa mga subjects tulad ng math.
Ngunit kung napapansin mong hindi nag-iimprove ang math skills ng anak mo at mas nahihirapan pa siya, maaaring mayroon siyang learning disorder na kung tawagin ay dyscalculia.
Ano ang dyscalculia?
Ito ay isang learning disorder na may kinalaman sa abilidad ng anak mo para umintindi, matuto, at mag-solve ng math at number-based operations.
Lumalabas na nasa pagitan ng lima hanggang pitong porsyento ng mga batang nasa elementarya ang mayroon nito.
Paano ko malalamang may dyscalculia ang anak ko?
Hindi lahat ng mga batang hirap sa math ay may dyscalculia. Paliwanag ng mga eksperto, ang mga disorders tulad ng dyslexia, ADHD, at visual o auditory processing ay maaaring makaapekto sa math skills ng anak mo.
Pwede ring magkaroon ng iba pang mga learning disabilities ang mga batang may dyscalculia.
Anu-ano ang mga sintomas ng dyscalculia?
Ang isang batang mayroon nitong learning disability na ito ay maaaring:
hirap makakilala o makabasa ng mga numero
hindi agad natutong magbilang
hirap ikonekta ang numerical symbol (5) sa salita (five)
hirap makakilala ng mga patterns
hirap maintindihan ang order ng mga numero
nawawala kapag nagbibiling
matinding pangangailangan ng visual aids para makapagbilang
Bukod pa sa mga nabanggit, maaari ring makaranas ng mga sumusunod ang mga batang may dyscalculia:
hirap matuto ng mga basic math functions tulad ng addition, subtraction, at multiplication table
hirap makaintindi ng konsepto sa likod ng mga word problems at iba pang non-numerical math calculations
hirap mag-estimate ng oras
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ang mga batang may dyscalculia ay hindi lang hirap sa math kapag nag-aaral. Mapapansin mo ring hirap sila sa mga sumusunod:
tandaan ang mga zip codes, mobile numbers, o kahit simpleng game scores
magbilang ng sukli o kung magkano ang dapat ibayad
mag-estimate ng distansiya at kung gaano katagal makarating sa isang lugar
tandaan ang kaliwa at kanan
tandaan ang mga direksyon
magbasa ng oras
Sabi pa ng mga eksperto, ang isang pinakamalaking indikasyon na may learning disorder ang anak mo ay kung malaki ang kaibahan ng kanyang abilidad at ng kanyang talino o aptitude.
Halimbawa, maaaring maging mataas ang marka ng anak mo sa English o history, ngunit sobrang baba ng kanyang marka sa mga math-based na subjects.
Kung nagdududa kang maaaring may dyscalculia ang anak mo, kumonsulta agad sa doktor. Maaari ka ring kumuha ng updates mula sa kanyang math teacher para makita mo ang progress ng anak mo.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.