discipline strategies,discipline,parenting,discipline tips,People & Society,Family/Children,Genres,sc24,anak,con-00390,rebelde,Bakit Nagiging Rebelde Ang Anak?,Family/Children,People & Society,Genres,BLURB
ParentingBig Kids

Bakit Nagiging Rebelde Ang Anak? Sanhi, Senyales, At Mga Dapat Gawin

Alamin ang mga dahilan kung bakit nagrerebelde ang anak at kung ano ang marapat mong gawin bilang magulang.
PHOTO BYADOBE

Kapansin-pansin na kapag may isa sa mga anak na problematiko ang pag-uugali o asal, apektado ang lahat sa pamilya. Karaniwan ding hindi alam ng mga magulang kung ano ang dapat gawin.

Dapat bang hayaan na lang dahil kusang titigil at magbabago? O mas dapat parusahan, halimbawa, babawiin ang paboritong laruan o gadget o pagbabawalan sa mga gusto nitong gawin? Bakit nga ba nagrerebelde ang anak? Sisikapin natin itong sagutin sa artikulong ito.

Ano ang mga emotional skills na kailangan matutunan ng bata?

Kapag ang mga bata ay mayroong frequent emotional outbursts, senyales ito na mayroon pa silang skills na hindi pa nade-develop. Ayon sa Child Mind Institute, narito ang mga skills o kakayahang kailangan para magawa ng batang i-regulate o harapin ang nararamdamang big emotions:

  • Impulse control
  • Emotional self-regulation
  • Problem-solving
  • Delaying gratification
  • Negosasyon
  • Pagsabi ng gusto at/o kailangan niya
  • Pagtukoy sa kung ano ang angkop at inaasahan sa anomang sitwasyon

Posible ring may nakikita kang patterns ng kanilang behavior kapag may pinagagawa ka sa kanila o kaya kapag may kasama silang tao/mga tao.

Ano ang mga senyales ng pagrerebelde ng bata?

Narito ang mga senyales ng pagrerebelde ng isang bata:

  • Aggression
  • Bullying o pambubulas
  • Defiance
  • May mga batang nagpapakita ng kawalang-galang at hindi pagsunod sa mga nakatatanda, partikular sa mga magulang o caregiver. Halimbawa rito ang hindi pagsunod sa mga tuntunin sa bahay o sa paaralan.
  • Tantrums: Normal ang tantrums dahil senyales din itong nagiging independent ang iyong anak. Sinusubok ka lamang niya para alamin ang kanyang mga limitasyon o boundaries. Dito na rin siya nagsisimulang bumuo ng sariling skills at mga opinyon. Sinisimulan na niyang tuklasin ang mundo at ang kanyang paligid.
  • Konsistent ang pagsisinungaling at panloloko
  • Paggawa ng mga bagay na delikado o risky katulad ng pananakit sa sarili (self-harm)
    Kilala rin bilang self-injury, self-mutilation o self-abuse. Nangyayari ito kapag sinasaktang ng bata ang sarili nang walang intensyong mamatay.
    Pinakakaraniwang anyo nito ang paglalaslas o skin cutting. Makakikita ka ng mga sugat sa kamay ng iyong anak, o kaya sa kanyang tiyan, mga binti, at iba pang bahagi. Tandaan ding karamihan sa kanila ay nagsusuot ng longsleeves o nagsusuot ng alahas kagaya ng pulseras para maitago ang kanilang mga sugat o mga peklat.
watch now

RELATED: Your Child Needs a Strict Parent. Here's How to Be a Good One

Mga sanhi ng pagrerebelde

  • Naimpluwensiyahan ng mga kaibigan
  • Family dynamics at paraan ng pagpapalaki
  • Karaniwang nakararanas ng mga problema sa pag-uugali ang mga batang dumaan sa corporal punishment.
  • Stress na emosyonal at psychological mula sa trauma at mababang self-esteem
  • Kawalan o kakulangan sa malinaw na boundaries at konsistent na pagdidisiplina mula sa mga magulang at iba pang tagapag-alaga

10 rekomendasyon ng eksperto

Mahalagang habang maaga, ma-address agad ito upang hindi na lumala pa. Kasama sa mga rekomendasyon ng mga eksperto ang sumusunod:

  1. Mag-establish ng malinaw na mga inaasahan at boundaries/limitasyon
  2. Ipaliwanag nang mabuti ang mga tuntunin o rules at mga consequences kung hindi masunod ang mga ito
  3. Maging patas at kailangan ding may empathy sa pagpapatupad sa mga tuntunin
  4. Hikayatin ang anak na makipag-usap. Hayaan silang i-express ang sarili. Pakinggan sila nang mabuti at iparamdam na hindi mo sila hinuhusgahan
  5. Lead by Example. Ipakita sa iyong anak kung ano ang positive behavior at conflict resolution skills.
  6. Maging magalang ka rin sa mga taong nakasasalamuha para ikaw mismo ang tutularan ng iyong anak.
  7. Predictable routines para sa mga pang-araw-araw na gawain
  8. Malaking tulong kung uunawain mo ang mga dahilan kung bakit ganito ang behavior o pag-uugali at ipinakikitang asal ng iyong anak.
  9. Mainam din ang paghingi ng professional help, sa mga psychologist halimbawa, kung kinakailangan ng karagdagang suporta. Malaking tulong kasi ang counseling at therapy. Matutugunan din nang mas mabilis at mabibigyan ng wastong payo kung kukunsulta na agad sa doktor o healthcare provider.
  10. Tandaang ang pagiging proactive pagdating sa mga usaping pamilya ay nakapagpapabuti sa relasyon ng mga kasapi nito.

Konklusyon

Napakahalagang magawa nilang ang pag-unawa at pag-manage sa kanilang nararamdaman. Ang mga batang kayang gawin ito ay nakapaglalahad ng kanilang emosyon sa maayos at malusog na pamamaraan. Ang kakayahan ng iyong anak na laging maging maayos ang asal at ang pumili na maging mabuti ay makatutulong sa kanya sa kanyang paglaki.

Nakababangon din sila mula sa mabibigay na damdamin at hindi pabugso-bugso ang kanilang damdamin. Nag-iisip din muna sila nang mabuti bago magdesisyon o bago gawin ang isang bagay. Hindi sila nananakit ng sarili at ng ibang tao.

Mainam kapag ganito ang sitwasyon dahil lalaki silang marunong pakalmahin ang sarili at mas kaya nilang makipagkaibigan, maging independent, at mas may kumpiyansa sa sarili.

Ang konsistent at walang sawang pagsuporta sa mga anak, bukas na komunikasyon, at pang-unawa ang magtataguyod sa kanilang maayos at malusog na paglaki at paglago bilang mga indibidwal.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close