embed embed2
  • Ang Disiplinang Ginawa Namin Sa Aming Spoiled-Sa-Gadget Na Panganay

    Ito ang ginawa ng isang nanay para hindi na malulong sa gadget ang anak niya.
    by Ana Gonzales .
Ang Disiplinang Ginawa Namin Sa Aming Spoiled-Sa-Gadget Na Panganay
PHOTO BY courtesy of Jessan Feting
  • Siguradong maraming mga nanay ang makakarelate sa sinabi ni mommy Jessan Fating, isang office-based working mom, na totoong kapag ayaw mong kulitin ka ng bata, bigyan mo [lang] siya ng gadgets at [siguradong] mananahimik na siya sa tabi. Pero nag-backfire ito kina mommy. "Nasobrahan siya sa cellphone. Na-spoil namin siya sa gadgets kaya nagkakatantrums siya kapag wala siyang cellphone," kwento niya sa post na ibinahagi niya sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    Seven years old na ang anak niya ngayon, ngunit aminado si mommy na three years old pa lang ay gumagamit na ng gadget ang anak niya.

    Pagbabahagi ni mommy, marami siyang napansing bad habits sa anak niya dahil sa kakagamit nito ng cellphone. Isa na riyan iyong nakasanayan ng anak niya na pagkagising na pagkagising pa lang, cellphone na ang hinahanap nito. "Instead na maghihilamos muna, iihi at mag-aalmusal, magce-cellphone na siya at manonood [ng videos] sa YouTube," kwento ni mommy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Hindi rin daw agad nagbibihis ang anak niya pagkagaling sa school. Hawak na raw agad nito ang cellphone. Hindi rin daw makausap ng maayos ang bata, lalo na kung nanonood ito ng videos. Magagalit pa raw ito kapag kinausap mo siya.

    Madalas din daw ay hindi nito naaalala ang mga ginagawa nito sa school. Nakakalimutan niya ang mga assignments—sasabihin lang daw kapag oras nang matulog.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mas pinipili rin daw nitong manood ng videos kaysa maglaro sa labas. Bukod pa riyan, nagtatantrums din daw ito kapag mahina na ang baterya ng cellphone niya. Kailangan daw ay ma-icharge mo ito agad.

    What other parents are reading

    Dito na napagtanto ni mommy na hindi na tama ang dalas ng paggamit ng cellphone ng anak niya. "In my realization, [naisip] ko na kaya siya ganoon sa cellphone niya, kasi sinanay namin siya ng ganun," sabi niya.

    Kaya naman nagdesisyon silang mag-asawa na tuluyan nang huwag pagamitin ng cellphone ang kanilang anak. "At first he was hesitant," pagsisimula ni mommy. "He asked for reasons why." Kwento pa ni mommy, gumawa rin daw ng maraming palusot ang anak niya para hindi mapagbawalan ang paggamit ng cellphone. Pero kalaunan, pumayag na rin daw ito sa panandaliang cellphone ban.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isang linggong inobserbahan ni mommy kung anu-ano ang mga pagbabagong mangyayari sa kanyang anak. "At first kapag dumarating na kaming mag-asawa, tinatanong ko siya kung gumamit siya ng cellphone at kung anong ginawa niya maghapon," sabi ni mommy. "Sabi niya, naglalaro raw siya sa labas ng taguan at natutulog kapag alas dos na ng hapon." Ibinahagi rin ni mommy na hindi na rin daw nanghihiram ang anak niya ng cellphone ng iba.

    What other parents are reading

    Matapos i-ban ni mommy at daddy ang cellphone, marami pa silang iba pang napansin na pagbabago sa anak nila.

    Ngayon daw ay mas attentive na ito kapag may kausap siya. Mas detalyado na rin daw itong makipagkwentuhan sa kanila. Mas madalas na raw maglaro ang anak niya. Nag-eenjoy na ito sa boardgames, baril-barilan at iba pa.

    Kwento pa ni mommy, kapag dumarating daw sila ng asawa niya galing sa trabaho, alerto na siya na humalik at magmano. "Kapag nakikipaglaro kami sa bunso namin, sumasali na siya at nakikipaglaro na rin," pagoobserba ni mommy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dati rin daw ay lagi nitong ginagaya ang mga napapanood nitong videos sa YouTube. Minsan daw ay nakikita na lang nila mommy na nagtutumba-tumbahan ang anak nila. Minsan daw ay talon nang talon o 'di naman kaya ay bigla na lang sisigaw.

    Bukod pa sa mga nabanggit, nakakahiligan na rin daw ng anak niya na maglaro ng chess kasama ang kanyang daddy.

    What other parents are reading

    Maraming na-realize si mommy dahil sa napakalaking pinagbago ng anak niya. "Technology can be helpful, but we have to use it in moderation—especially [when it comes] to our kids," payo niya.

    Nakita rin niya ang kahalagahan ng constant communication. "Talk to your kids more often, lalo na kung working parents kayo," sabi niya. Malaking kaibahan ang nagagawa ng simpleng pangungumusta sa ginawa ng anak mo buong maghapon.

    "Sometimes, kids are addicted to gadgets because they have nothing better to do," sabi pa niya. "Help your kids in some creative hobbies. Give them clay [or] old books," dagdag pa ni mommy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Maganda rin ang ibinahagi niyang quote mula sa ThinkingHumanity,com: "Cellphone brings you closer to the person far from you, but takes you away from the ones sitting next to you."

    What other parents are reading

    Addicted din ba ang anak mo sa gadgets? Anong ginagawa mo para masigurong hindi siya maaadik sa cellphone at tablet niya? I-share mo ang iyong techniques sa comments section.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles