embed embed2
  • May Free Basketball Clinics Ang Jr. NBA At Milo Online! Game?

    Isa ito sa mga pinakaaabangang event ng mga bata tuwing summer.
    by Ana Gonzales .
May Free Basketball Clinics Ang Jr. NBA At Milo Online! Game?
PHOTO BY iStock
  • Hindi maikakaila na isa ang taunang Milo Sports Clinic sa mga summer events na talagang inaabangan ng mga bata. Bukod kasi sa natutuo sila ng mga basic basketball, badminton, at volleyball moves, nahahasa rin ang kanilang pakikisama sa kapwa nila mga bata. 

    Kaya naman nang nakapasok sa ating bansa ang banta ng COVID-19, maraming mga summer activities, pambata man o matanda, ang hindi natuloy.

    Bago pa man malungkot ang iyong mga anak, nag anunsyo na ang Milo na itutuloy pa rin nila ang kanilang Milo BEST Center Basketball Clinic—pero ngayon, kita-kita na tayo online sa pamamagitan ng mga instructional videos na ilalabas nila sa YouTube.

    What other parents are reading

    Sa isang Panayam ng Cebu Daily News, sinabi ni Rico Navarro, isa sa mga organizers sa clinic sa Cebu, na ang series ng online drills ay ipapalabas linggo-linggo. Pwede ito sa mga batang edad 7 hanggang 12.

    "Milo and the BEST Center developed these for basketball and volleyball. It's a snapshot of what the BEST Center summer clinics are like," paliwanag niya. Sabi pa ni Navarro, mayroon pang ibang clinics ang Milo para naman sa iba pang sports. 

    Ang Basketball Efficient & Scientific Training (BEST) Center na sponsored ng Milo ay itinatag noong 1987 ng dating national basketball coach na si Nicanor Jorge. Ito ang kauna-unahang nagturo sa mga batang Pinoy ng fundamentals ng basketball gamit ang isang scientific at systematized na approach. Ilan sa mga kilalang graduates nila ay sina Chris Tiu at ang magkapatid na sina Thirdy at Kiefer Ravena.

    What other parents are reading

    Hindi man hands-on na makakapagturo ang mga coaches, malaki pa rin ang maitutulong ng online classes lalo na't ngayong taon, libre ang pagpasok sa sports clinic. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Yes. Free as it's online. Public service in this time of pandemic. Many were actually asking if the summer clinics would be held. But we had to politely tell them all clinics are put on hold until this (COVID-19) is over," sabi ni Navarro.

    Ang maganda pa rito bukod sa pagiging libre, ayon kay Navarro, matuto ang mga bata ayon sa sarili nilang bilis. "Summer and sports clinics have been a norm for the BEST Center and Milo since 1978. There was no way this annual summer clinic was going to be stopped; not after 42 years," pahayag ni Navarro.

    What other parents are reading

    Sa iba pang balita, pwede ring matuto mula sa mga sikat at mahuhusay na NBA basketball players ang mga anak mo sa pamamagitan ng Jr. NBA At Home

    Ito ay bahagi ng proyektong NBA Together na naglalayong turuan ang mga bata ng ma basketball skills at drills na magagamit nila sa kanilang paglalaro. Ang masaya, tuturuan ka ng mga mismong idols mo mula sa NBA at WNBA.

    Pwede ring maging bahagi ang anak mo ng Three-Point Contest ni Trae Young o 'di naman kaya ay matutong magbalanse kasama ang Dallas Mavericks head coach na si Rick Carlisle. Ipapakita rin ni Walt Nebb ang kanyang Dribble Over the Cone Drill, habang ibabahagi naman ni Isaiah Thomas ang kanyang Walking Hamstring Stretch. 

    Napakarami pang videos mayroon sa website na talaga namang kayang-kayang gayahin ng mga anak mo kahit nasa sala lang siya.

    Hindi dapat maging hadlang ang pinagdadaanan natin ngayon para matupad ng mga anak mo ang pangarap nilang maging basketball o volleyball stars. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Para sa iba pang balita at kwento tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.

    What other parents are reading

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles