kinder,student,baon idea,baon,baon suggestion,kindergarten,elementary schools,students,elementary,baon ideas,baon tips,sc23,Easy Filipino Baon Recipe: Baon Para Sa Mga Elementary Students,baon, baon ideas, baon recipe, easy recipe, easy baon, elementary students, grade school, students, kids, school,Ito ang mga puwede mong ipabaon sa anak mo na nasa elemtary level
ParentingBig Kids

Easy Filipino Baon Recipes: Mga Puwedeng Ipabaon Sa Elementary Students

Plus: 5 easy recipes para sa baon ng iyong anak.
PHOTO BYADOBE STOCK

Isa pa sa pinaghahandaan nating mga mommy ang baon ng ating mga anak sa paaralan. Gusto natin na healthy ang kanilang kinakain para mayroon din silang sapat na lakas na magagamit sa mga school activities nila. Isa sa hinahanap din natin ay iyong madaling ihanda lamang dahil busy rin tayong mga mommies. Bukod pa rito, hanap din natin ang mga budget-friendly na baon pero masustansya.

Nagbigay ang FNRI-DOST (Food and Nutrition Institute ng Department of Scientce and Techonlogy) ng ilang paalala sa paghahanda ng baon ng inyong mga anak para matiyak na masustansiya ang pagkain nila.

Tips Para Sa Healthy Baon Ng Mga Anak Sa Elementary School

1. Planuhin nang maaga ang mga babaunin ng inyong anak.

Mas magiging madali ang paghahanda ng baon kung maaga itong napaplano. Mas mainam na isang linggo maaga ang pagpaplano at magkaroon ng iba’t ibang pagpipilian ang iyong anak. Turuan sila na madebelop ang kakayahang pumili para sa kanilang sarili.

2. Siguraduhin marami ang food groups ng baon.

Dapat na may 3 hanggang 4 na food groups ang inihahandang baon para mabigyan sila ng sapat na lakas ang iyong anak na magagamit niya sa mga school activities (halimbawa: rice + fried chicken + buttered o boiled vegetables + fruit)

3. Alalahanin na madaling recipes ang dapat gamitin.

Piliin ang madaling ihanda gaya ng pritong isda, manok o baboy, beef tapa, fish/meat omelette, at iba. Samahan ito ng gulay at prutas bilang side dish.

4. Gumamit ng iba’t ibang palaman ng tinapay gaya ng tuna, cheese, itlog, o manok.

Piliin ang tinapay na gawa sa whole grain at ang mayonnaise o dressing na low fat. Dagdagan ito ng gulay gaya ng lettuce, kamatis, o pipino. Ihanda ang mga palaman sa gabi para makabawas ng oras sa umaga.

RELATED: Uneaten Baon Your Source of Stress? Why It's Happening and How to Deal

5. Magpabaon din ng fresh milk o mga juice mula sa prutas.

Makatutulong ito na matiyak na masustansiya ang inumin ng iyong anak. Iwasan ang pagpapabaon ng mga carbonated beverages. Kung magpapabaon ng mga tetra pack fruit juice, ilagay ito sa freezer para kapag nilagay sa lunch box, doon na ito matutunaw, gayundin mapapanatili nitong malamig ang mga pagakin.

watch now

6. Tiyakin na ligtas, malinis at sapat na tubig ang naiinom ng iyong anak.

7. Tiyakin na maayos ang pinaglalagyan ng baon ng iyong anak.

Gumamit ng thermal o insulated lunch box para mapanatiling mainit o malamig ang mga pagkain. 

Narito naman ang easy Filipino baon recipe na inihanda ng Yummy.Ph para sa limang araw na meal plan at pasok naman sa budget na maaari ninyong subukan para sa inyong mga anak.

5 Easy Filipino Baon Recipes Para Sa Mga Estudyante

1. Tilapia Strips Recipe

Sa halagang 32 pesos kada servings, maaaring magawa ang ulam na ito. Madali pang makahanap ng tilapia sa mga palengke o kundi naman maaaring subukin din ang mga frozen creamy dory fillet sa mga local supermarket. Maaaring pagkunan ng protina at iba pang nurtrisyon ang tilapia.Tingnan ang recipe instruction sa link na ito. 

2. Pechay and Hibe Fried Rice Recipe

Sa halagang 22 pesos kada serving, mayroon ka nang masustansiyang kanin at gulay. Pinaghalo-halo ang mga ito sa isang fried recipe meal. Nilahukan lamang ng scrambled egg, pinatuyong maliliit na hipon o hibe, at tinadtad na mga dahon ng pechay Tagalog. Kapag usapang kanin, tiyak na patok ang sinangag sa ating mga Pinoy. Hindi pa masasayang ang mga kaning lamig o bahaw natin. Ihalo na rin dito ang ulam para sa dagdag na lasa at swak na itong pambaon. Tingnan ang recipe instruction sa link na ito.

3. Chili Garlic Tofu Recipe

Sa halagang 36 pesos kada serving naman ang gastos para sa baon na ito. Isa sa masarap din na pagkain ang tokwa lalo na kung prito. Kilala ito sa tawag bean curd at mataas ito sa protina at fat. Bukod pa rito, mayroon ding iba’t ibang bitamina at minerals na makukuha sa tokwa.Taglay rin ng tokwa ang lahat ng mahahalagang amino acids na kailangan ng katawan. Maaaring alisin ang chili sa recipe na ito kung hindi naman mahilig ang iyong anak sa maanghang. Tingnan ang recipe instruction sa link na ito.

4. Tortang Talong Recipe with Tokwa

Maaaring ihanda nang mas maaga ang talong na itotorta para mas madali ang pagluluto nito. Madalas hindi nagiging ulam ito dahil sa oras na ginigugol sa paghahanda ng talong pero maraming sustansiya ang makukuha rito gaya ng mayaman ito sa fiber, antioxidants, nagpapabuti ng brain function, nakababawas ng stress at anxiety, at nagpapabuti ng kalusugan ng mata.

Maaaring i-partner ito sa natirang ulam na manok o baboy rin. Sa halagang 28 pesos naman kada serving ang budget para sa recipe na ito. Tingnan ang recipe instruction sa link na ito.

5. Sayote Lumpia Recipe

Gamitin ang mga gulay na natira sa iyong ref at samahan ng sayote bilang dagdag na panlasa rito. Sa halagang 25 pesos naman kada serving ang budget para sa recipe na ito. Maaaring samahan mo rin ng mga natirang manok o isdang ulam ito, himayin lamang ito nang makadagdag sa lasa ng lumpia. Masustansiya ang sayote na naglalaman ng dietary fiber, protein, at vitamins. Tingnan ang recipe instruction sa link na ito.

Pero kung pihikan sa pagkain o picky eater ang iyong anak, maaaring mong subukin ang bento-style na baon para sa kaniya. Nakaaliw rin kasi para sa mga bata ang pagkakaroon ng baon na nakahanda nang ganito.

Dagdgan mo pa ng “note card” na naglalaman ng mensahe na makahihikayat sa kaniya na kainin at ubusin ang kaniyang baon at makapagpapataas ng kaniyang kumpiyansa.

Bagaman nakatutuwa sa kanila ito, kailangang maglaan din ng sapat na oras ang mga mommy sa paghahanda ng ganitong baon. Siyempre kailangan din ng tiyaga at pasensya para sa pagdidisenyo nito. Gayunpaman, magiging madali naman ito kung maagang maihahanda at maipaplanong mabuti. 

Pinakamainam sa lahat ay maisama ang inyong mga anak sa pagpaplano at paghahanda ng kanilang mga baon sa school para mas maging responsable sila. Makapipili rin silang mabuti kung ano ang ibig nilang maging baon sa school at makatitiyak ka na hindi ito masasayang.

Kung kasama rin sila sa paghahadna, makakayanan nilang maghanda rin ng sarili nilang baon sa mga susunod na pagkakataon.

Basahin ang article na ito para sa karagdagang baon tips para sa mga bata.


Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close