Noon, ang pagkain sa kantina ng paaralan ay walang katapusang mga pagpipilian para sa merienda o tanghalian. Naaalala n’yo pa ba ang mga inuming slushie, hiwa ng cheese pie, de-boteng soda, tuyo na karne ng baka, at maalat na chips na patatas? Napakarami pang iba na maaaring banggitin.
Ngunit nagbago na ang panahon. Lalong nababahala ang mga magulang na parami nang paraming mga lumalabas na pag-aaral na nag-uugnay ng junk food sa cancer at ang mga masamang gawi ng pagkain sa obesity. Dapat ba talagang kumain ang iyong anak ng iba pang pagkain maliban sa iyong ipinabaon?
Noong Marso 2017, naglabas ang Department of Education (DepEd) ng isang Department Order (DO) na naglalaman ng mga alituntunin sa mga pagpipilian ng masustansiyang pagkain at inumin sa mga paaralan. DO 13, s. 2017 – Policy and Guidelines on Healthy Food and Beverage Choices in Schools and in DepEd Offices inisyu upang maitaguyod at malinang ang “healthy eating habits among the youth and DepEd employees by making available healthy, nutritious, and affordable menu choices, and for setting food standards.” (malusog na gawi sa pagkain sa mga kabataan at empleyado ng DepEd sa pamamagitan ng paghain ng malusog, masustansiya, at abot-kayang pagpipilian sa menu, at para sa pagtatakda ng mga pamantayan sa pagkain.)
Kabilang sa mga layunin ng DO ay “provide guidance in evaluating and categorizing food and drinks.” (magbigay ng gabay sa pagsusuri at pag-uuri ng mga pagkain at inumin.) Basahin ang tungkol sa color-coded na mga kategorya rito.
Sa pamamagitan ng patakarang ito, maaari nang mabawasan ang pag-aalala ng mga magulang sa pagpapasok ng mga bata sa paaralan nang walang baon, maging para sa kaginhawahan o pang-ekonomikong dahilan. Sa katunayan, ang ilang mga paaralan ay nagsusumikap na gawing mas kawili-wili ang mga pagpipilian sa canteen sa pamamagitan ng pagsunod sa ilang mga tema, at sa pamamagitan ng pagsangkot din sa mga magulang. Ang tatlong mga paaralan, dalawa sa Metro Manila, ay nagbahagi sa amin ng kanilang mga hamon at ang mga malikhaing paraan sa pagharap sa mga ito.
Ang Pagbabalanse
Ang pinakamalaking hamon, ayon kay Rowie Matti , direktor ng Sacred Heart School sa Malabon, ay “creating a menu that will cater to the preference of students, and at the same time, ensuring that it is healthy and balanced.” (paggawa ng isang menu na maibibigay ang kagustuhan ng mga mag-aaral habang tinitiyak na ito ay masustansiya at balanse.)
“Students, being the kids that they are, are normally picky eaters and would prefer junk foods, fried foods, and salty or sweet foods over vegetables, fruits and healthy food,” idinagdag ni Rowie. (Ang mga mag-aaral, bilang mga bata, ay karaniwang mapili sa pagkain at mas gusto ang mga junk food, pinirito na pagkain, at maalat o matamis na pagkain kaysa mga gulay, prutas. at masustansyang pagkain.)
Si Aleli Rodriguez, pinuno ng paaralan ng Orchard School ng Abba (AOS) sa Davao City, ay sumasang-ayon. “There are still children who need to be reminded to eat vegetables. They set these aside, untouched, on their plates.” (May mga bata pa rin na kailangang paalalahanan na kumain ng mga gulay. Ibinubukod nila ito, hindi nagagalaw, sa kanilang mga plato.) Ito ang dahilan kung bakit tungkulin din ang mga guro na suriin kung naubos ng mga bata ang lahat nasa kanilang mga plato.
Ayon kay Teacher Ana Kamila Niguidula , pinuno ng paaralan at may-ari ng Holistic Education and Development Center o HEDCen sa Taytay, Rizal, ang susi ay “focus on being mindful about our choices for the canteen and what it stands for: health.” (pagtuunan ang pagiging mapanuri sa ating mga pagpipilian sa canteen at kung ano ang pinangangalagaan nito: kalusugan.)
Sa HEDCen, sanay ang mga mag-aaral sa mga pagkaing bagong luto at lutong bahay. Ang mga bagong mag-aaral ay madalas na nangangailangan pa ng oras para masanay sa menu, ngunit sa kalaunan naman nasisiyahan na sila sa mga hinahain sa canteen.
Pagtanggal sa mga junk food
Alinsunod sa utos ng DepEd, ang mga soft drinks at chips ay hindi pinapayagan sa canteen ng SHS. “In lieu of those, we have biscuits, sandwich, fruit juices, and fresh buko (coconut) juice available,” sabi ni Rowie. (Bilang kapalit nito, mayroon kaming mga biskwit, tinapay, fruit juice, at sariwang buko juice.)
Kailangan din ng mga ulam na may gulay, sabi ni Rowie. Minsan ginagamit ang mga prutas mula sa bukid ng may-ari ng paaralan, tulad ng saging, buko, at pinya.
“The viands and snacks are mostly home-cooked meals or lutong bahay, ensuring the health of students,” dagdag ni Rowie. (Karamihan sa mga ulam at merienda ay lutong bahay, na tinitiyak ang kalusugan ng mga mag-aaral.)
Sa HEDCen, mayroon ding patakaran na walang kendi. Ang pagpapahatid ng pagkain ay hindi pinapayagan maliban kung mahuhuli nang pag-uwi ang mga mag-aaral at sarado na ang canteen ng paaralan. Bilang isang patakaran, ang kanilang canteen ay nagsisilbi lamang ng mga sariwang pagkain at inumin, nangangahulugang walang concentrated o powdered na inumin o juice, at walang preserved na karne tulad ng tocino at longganisa. Maliban kung ang mga ito ay ginawa ng mga kawani ng canteen gamit ang kanilang recipe na walang preservative.
Sa kaso ng AOS, binigyang-diin ng tanggapan ng paaralan na ibigay sa kanilang mga operator ng kantina ang isang kopya ng mga patnubay ng DepEd bago magsimula ang taong pampanuruan upang matiyak ang kanilang pagsunod.
Paano ang pagtanggap ng mga mag-aaral sa pagpapatupad ng mga hakbang na ito? “Students sometimes feel that the menu is repetitive. However, they still have their favorites in the menu, and food in the canteen is almost always sold out,” sabi ni Rowie. (Minsan nadarama ng mga mag-aaral na ang menu ay paulit-ulit. Gayunpaman, mayroon pa rin silang mga paborito sa menu, at ang pagkain sa canteen ay halos palaging ubos.)
Pakikilahok ng komunidad ng paaralan
Tulad ng anumang inisyatibo, ang hakbang na ito, na naglalayong magbigay ng masustansiyang mga pagpipilian sa mga canteen ng paaralan, ay nangangailangan ng dedikasyon at pakikipag-ugnayan ng buong pamayanan ng paaralan upang magtagumpay. Narito ang ilan sa pinakamahusay na gawain ng mga paaralan:
- Ang SHS ay nagsasagawa ng mga pakikipag-usap sa mga magulang kung bakit mahalaga ang masustansiyang pagkain sa murang edad, at kung paano maghanda ng masustansiyang pagkain para sa mga bata.
- Maagang nagpaplano ng lingguhang menu ang canteen staff sa SHS, na binubuo ng dalawang pagpipilian ng merienda (tulad ng pansit, sopas, lugaw, banana fritters, at egg o chicken sandwich) at tatlo hanggang apat na ulam pag tanghalian.
- Isinasaalang-alang ng AOS ang mga mungkahi ng mga magulang sa kung ano ang pinakamabuting ihain sa canteen ng paaralan. Ang operator ng canteen ay nagsasagawa rin ng isang sarbey kasama ang mga mag-aaral, at inaayos ang menu batay sa mga mungkahi na ito, alinsunod sa mga alituntunin na itinakda ng paaralan. Mayroong dalawa hanggang tatlong pagpipilian bawat araw para sa pagkakaiba-iba.
- Gumagawa ang SHS ang sariling pananaliksik sa masarap at masustansiyang merienda na magugustuhan ng mga bata.
- Sa HEDCen, isinasaalang-alang ng mga kawani ng kantina ang kalendaryo ng paaralan kapag pinaplano ang kanilang menu bawat trimester. Halimbawa, naghahain sila ng pagkaing Pilipino sa panahon ng Linggo ng Wika. Kapag panahon ng pagsusulit, nag-aalok sila ng madaling bauning pagkain o easy-to-pack.
- Ang Hulyo ay Buwan ng Nutrisyon, kaya't pinataas ng SHS ang kamalayan sa kahalagahan ng pagkain ng mga prutas at gulay. Ang mga mag-aaral ay nagsasagawa din ng "Meatless Mondays" para sa buong buwan.
- Pinalitan ng AOS ang non-carbonated, matatamis o maasukal na mga inumin, tulad ng iced tea, ng mas masustansiyang inumin, tulad ng calamansi juice at lemon juice at cucumber lemon juice.
Pagiging Berde, Pagpapanatiling ligtas
Kasama ng masusutansiyang pagpipiliang pagkain ang mga patakaran sa pangangalaga ng kapaligiran at kaligtasan, tulad nitong mga ibinahagi ng mga paaralan:
- Ang HEDCen ay nagsasagawa ng paghihiwalay ng mga basura at kubyertos. Ipinapakiusap sa mga mag-aaral na iuwi sa bahay ang mga basura tulad ng mga balat ng kanlang baon upang maisulong ang maingat na pagbili batay sa packaging.
- Hiniling din ng HEDCen sa mga mag-aaral na magdala ng kanilang sariling mga kubyertos. Isinusulong ang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon bago kumain. Hindi rin iminumungkahi ang paggamit ng mga plastic plate cups upang maiwasan ang mga kemikal na bisphenol A o BPA.
- Kinakailangan ang pagpapareserba ng merienda at tanghalian sa SHS upang maiwasan ang pag-aaksaya ng pagkain.
- Ang canteen sa SHS ay mayroong mga kinakailangang permiso. Regular na nililinis ang lugar ng canteen at ang mga kasangkapang ginagamit. Isinasagawa ang wastong pagpapalamig at pag-iimbak ng mga nasisirang pagkain.
- Hinihiling din ng HEDCen na maingat na mapili ng mga sangkap sa pagluluto batay sa kalidad at kasariwaan. Sa AOS, ang pamamalengke ay ginagawa araw-araw kada alas-6 ng umaga upang matiyak na ligtas ang pagkain.
Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga patnubay na ito, isa lang ang natitirang hamon para sa mga paaralan. “Maintain the practice that we strive for every time, because the right priorities in health and the canteen food are already in place,” anya ni Teacher Ana. (Mapanatili ang mga gawaing sinisikap naming maisagawa, dahil ang tamang prayoridad sa kalusugan at ang pagkain ng canteen ay akma na.)
Narito ang isang sample na menu sa Holy Heart School (Ang presyo ay P50 hanggang P60 para sa ulam at kanin)
- Pritong manok at kanin
- Tinolang manok at kanin
- Adobong baboy at kanin
- Daing na bangus at kanin
- Tapa at itlog at kanin
- Tortang Talong at kanin
Halimbawang menu sa HEDCen (Ang presyo ay P50 para sa mga mag-aaral; P60 para sa matatanda)
- Pocherong baboy at lumpiang togue at kanin
- Mga homemade oatmeal cookies
- Kamote-calamansi juice
Halimbawang menu sa AOS Davao (Lahat ay may kasamang mga gulay at prutas)
- Lunes: Baboy
- Martes: Baka
- Miyerkoles: Manok
- Huwebes: Pasta
- Biyernes: Isda