Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Alamin ang Inyong Karapatan: Listahan ng Mga Benepisyo ng PWD sa Pilipinas
PHOTO BY @DenKuvaiev/iStock
  • Para sa amin, isang napakalaking bagay ang anumang batas o programang tumutulong at umaalalay sa mga Pilipinong may kapansanan o persons with disabilities (PWD). Kailangan din nating ikalat ang balita tungkol sa mga benepisyong maaring hindi pa lubos na napapakinabangan ng maraming PWD sa bansa.

    Noong Disyembre 2016, ipinatupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Republic Act 10754 (isang batas na naipasa noong Marso 2016) na nagbibigay sa mga taong may kapansanan ng exemption sa value-added tax (VAT) ng ilang produkto at serbisyo, kabilang na ang mga restaurant, sinehan at gamot. Bukod pa rito ang 20 percent discount na nakukuha ng mga taong may PWD ID. Kung may nakalimutan kang bilhin, sakop pa rin ng VAT-exemption at 20 percent discount ang mga kasunod na pagbili, pati ang mga binili mo noong araw na iyon.

    Sinasabi rin sa batas na ito na kailangang maglagay ang lahat ng mga tindahan ng karatula na naglalaman ng mga karapatan at benepisyo ng mga PWD. “This is important. There are an estimated 1.2 million PWDs in the Philippines. But, only 50,0000 PWD cardholders are taking advantage of the benefits,” (Mahalaga ito. Merong halos 1.2 milyong PWD sa Pilipinas, pero 50,000 cardholders lamang ang nakikinabang sa mga benepisyo), ayon kay Senator Sonny Angara

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Narito ang listahan ng mga benepisyo at pribilehiyo na ibinibigay sa lahat ng PWD cardholders. Ibahagi ito sa mga pamilyang may PWD member. 

    Tandaan: Bukod sa PWD ID ng iyong anak, laging dalhin ang kasamang Persons with Disability Purchase Booklet. Kailangan ang dalawa para makapag-avail ng mga benepisyo. (Walang pang PWD ID? Alamin kung paaano mag-apply dito.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May 20% discount at VAT exemption ang mga PWD sa mga sumusunod:

    • Mga hotel at iba pang lodging establishments
    • Mga restaurant• Recreation centers
    • Mga sinehan, concert halls, circus carnivals at iba pang lugar na nagpapakita ng kultura, libangan at aliwan (culture, leisure at amusement).
    • Gamot
    • Medical at dental services, kabilang na ang diagnostic at laboratory fees at professional fees ng mga titinging doktor sa lahat ng pang-pribadong ospital at medical facilities (ayon sa guidelines na ipinapatupad ng Department of Health kasama ang Philippine Health Insurance Corporation).
    • Pamasahe sa eroplano at barko na byaheng domestic
    • Pamasahe sa mga pampublikong transportasyon tulad ng bus, jeep, taxi at shuttle service. Kasama rin ang mga tren (MRT, LRT) at Skyway.
    • Bayad sa funeraria at pagpapalibing sakaling mamatay ang PWD 
    More from Smart Parenting

    May 5% discount ang mga PWD sa mga ito:

    Mga pangunahing pangangailangan tulad ng:

    bigas, mais, tinapay, isda (sariwa, dried o nasa lata) at iba pang pagkain mula sa dagat, sariwang karne ng baboy, baka at manok, itlog, gatas (fresh at processed), gatas ng sanggol o formula, gulay, mga root crops, kape, asukal, mantika, asin, sabong panlaba, kahoy na panggatong, uling, kandila at iba pang produktong isasama sa listahan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA).

    Mga produktong tinuturing na prime commodities tulad ng:

    sariwang prutas, dried o processed na karne ng baboy, baka at manok, dairy products na hindi kabilang sa basic necessities, noodles, bawang, sibuyas, diaper, herbicides, pagkain at gamot ng mga alagang manok, baboy at baka, papel, school supplies, mga gamit sa paggawa ng bahay tulad ng nipa shingle, plyboard at pako, baterya, mga electrical supplies, bumbilya, steel wire at iba pang produktong isasama ng DTI at DA sa listahan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tandaan: Hindi pwedeng sumobra ng P1,300 kada lingo ang inyong bibilhin para ma-avail ang 5% na discount. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa basic necessities at prime commodities, mag-click dito.

    More from Smart Parenting

    Mga iba pang benepisyo ng PWD:

    Tulong sa edukasyon sa primary (nursery at kindergarten), secondary, tertiary, post-tertiary, pati na rin vocational at technical education sa mga pribado at pampublikong paaralan, basta maipapasa ng PWD ang lahat ng requirements.

    Mga benepisyong ibinibigay ng Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS) at Pag-IBIG

    Express lane para sa PWD sa lahat ng commercial na establishment at tanggapan ng gobyerno (kung wala, uunahin sa pila ang PWD)

    Proteksyon laban sa pananalita na may pangugutya at paninira (alamin ang detalye dito)

    P25,000-annual income tax deduction sa kamag-anak na kabilang sa fourth civil degree of consanguinity or affinity, na nakatira at nag-aalaga ng PWD (sa kasamaang palad, merong batas na gustong ipatupad para bawiin ito. Basahin dito.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    May ilang mga lungsod at probinsya ang naglagay na ng mga ordinansya para mag-abot ng karagdagang benepisyo para sa mga PWD sa kanilang nasasakupan. Sa Cebu City, binibigyan ng P12,000 annual assistance ang mga PWD. Libre rin ang parking para sa kanila sa lahat ng commercial establishment sa unang tatlong oras. 

    Libre naman ang sine para sa mga PWD tuwing Lunes at Martes hanggang 5 p.m. sa lahat ng mall sa Quezon City. Hindi kasali rito ang IMAX theatres at 3D screenings, at hindi rin ito valid tuwing public nonworking holiday. Kung blockbuster movie naman, isang linggo matapos ang unang araw ng screening pa pwedeng manood ng libre ang mga PWD.

    Inilunsad naman sa Zamboanga City ang Community Action and Resources for Accessible, Better and Leverage Environment (CARe-ABLE) para sa mga PWD, na nagbibigay ng mas pinalawak na mga proyekto at gawain para sa mga taong may kapansanan. Bumisita sa tanggapan ng inyong barangay o munisipyo para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga benepisyo ng PWD sa inyong lugar. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para lalong maintindihan ang mga benepisyo at karapatan ng iyong anak na may special needs, at mga batas na nagpapatupad nito, basahin ang Magna Carta for Disabled Persons o Republic Act 7277 dito, ang 2007 amendment dito, at 2016 amendment naman dito

    Isang komunidad tayo dito! Kung may alam pa kayong ibang mga benepisyo ng PWD, ibahagi ito sa mga kapwa magulang sa comments section sa ibaba.

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Know Your Rights: A List of PWD Benefits in the Philippines 

    More from Smart Parenting

View More Stories About
View more articles