teaching,parenting tips,parenting,autism children,autism,autism spectrum disorder,Tagalog,sc24,con-00432,lch-00432,Epektibong Stratehiya Para Sa Pagtuturo Ng Batang May Autism,Autism, Pagtuturo, Edukasyon, Special Needs, SPED, Estratehiya, Gabay, Kakayahan, Payo, Teknik,Alamin ang mga epektibong pamamaraan sa pagtuturo ng mga batang may autism. Gabay at mga tip mula sa mga eksperto sa edukasyon.
ParentingKids with Special Needs

Pagtuturo Sa Batang May Autism: Mga Tips At Gabay

Ayon sa isang SPED teacher, maraming pamamaraan para matulungan ang batang may autism, at kasama na dito ang pagbibigay sa kanila ng positibong karanasan sa pagkatuto.
PHOTO BYAdobe Stock

Bawat bata ay may pare-parehong pangangailangan para matuto pero magkakaiba ang pamamaraan at pagtanggap ng bawat bata. Ang iba naman ay may natatanging pangangailangan kompara sa mga tradisyonal na pamamaraan ng pagtuturo sa kanila. Higit lalo ang pagtuturo sa batang may autism na nangangailangan ng dagdag na paggabay at suporta para matulungan silang maging matagumpay sa pagkatutong akademiko at sosyal.

Isang iniisip ng magulang ay kung paano matuturuan ang anak na may autism para magdebelop ang kaniyang mga kakayahan at makapamuhay siyang normal. Sabi ni Teacher Aira, isang SPED teacher, mahalaga ang pagkakaroon ng routine at mga intervention na makatutulong sa bata. Maraming pamamaraan para matulungan ang batang may autism at ang pagbibigay sa kanila ng positibong karanasan sa pagkatuto, maging ang pagtataguyod ng mabuting pakikipagkomunikasyon sa kanila na makababawas sa dagdag na stress at iba pang alalahanin kalaunan.

Magkakaiba ang Pangangailangan ng Bawat Batang May Autism

Ayon sa World Health Organization, ang Autism spectrum disorder (ASD) ay iba’t ibang uri ng kondisyon na ikinakategorya batay sa antas ng pangangailangan gaya sa pagkikipag-ugnayan o social interaction at pakikipagkomunikasyon. Ang iba naman ay batay sa karaniwang padron ng kanilang ginagawa, ikinikilos o pag-uugali.

Iba’t iba ang kakayahan at pangangailangan ng bawat batang may autism. Nakabatay ito sa antas o lebel ng kanilang kaso at maaaring magbago rin sa paglipas ng mga panahon. Ang ibang batang may autism ay may kakayahang makapamuhay nang mag-isa samantalang may iilan na matindi ang kakulangan at nangngailangan nang pangmatagalang pag-aalaga at suporta. Kadalasang nagkakaroon ito ng epekto sa kanilang edukasyon. Gayunpaman, malaki ang magagawa ng suporta ng pamilya at ang pagbibigay ng tulong mula sa mga lokal at pambansang ahensya.

Mga Tips sa Pagtuturo ng Batang May Autism

Magkakaiba rin ang antas ng talino o intelektuwal na kakayahan ng bawat batang may autism. Upang tugunan ang kanilang mga pangangailangan, maaaring subukan ang mga payong ito:

1. Gumamit ng direktang pakikipag-usap

Makipag-usap sa kanila sa paraang mas higit nilang maiintindihan. Ang mga gaya nila ay nahihirapan umunawa ng mga matatalinghagang pananalita. Binibigyang interpretasyon o pagpapakulugan nila ang lahat nang kongkreto at salita sa salita.

watch now

Maging mahinahon o malumanay din sa pagsasalita. Iwasan na pasigaw na pakikipag-usap sa kanila. Naguguluhan kasi sila kapag masyadong masyadong malakas ang boses.

2. Magbigay ng mga simpleng panuto

Gawing payak ang mga panuto para sa kanila at hindi komplikado. Nahihirapan sila kapag sangay-sangay ang mga panuto na ibibigay sa kanila. Mas makatutulong sa kanilang maunawaan ito kung hahatiin sa kanila ang panuto nang isa o dalawang hakbang muna hanggang sa makumpleto ang gawain kaysa sa isang bagsakan. Tiyakin din na simple lang ang mga salita at direkta ang pagpapaliwanag o hindi na paligoy-ligoy pa.

3. Iwasan ang maraming sensory

Nakadi-distract o nkawawala ng pokus nila ang maraming ganap o bagay halimbawa ang iba’t ibang kulay ng ilaw, kakaibang mga amoy, o sobrang ingay. Mas makabubuti sa kanila ang pagkakaroon ng mga kalmado o magaan sa matang mga kulay na mas nagpaparelaks ng kanilang paligid. Iwasan na run ang paglalagay sa dingding nang maraming poster o iba pang puwede nilang tingnan o makita.

4. Gumamit ng mga visual

Makatutulong sa kanila lalo na sa pagbabasa ang paggamit ng mga visual. Nakabubuti ito bilang paalala sa kanila ng mga rule na dapat nilang sundin o kung saan nila makikita ang isang bagay o saan sila dapat pumunta. Sa paggamit ng biswal na larawan at pagmo-modelo mas madali sa kanila ang matuto kaysa sa mahabang paliwanagan.

5. Magkaroon ng mga routine

Mahalaga ang pagkakaroon ng mga iskdeyul na sinusunod nila. Kailangan ang kanilang pang-araw-araw na routine ay pareho sa bawat araw magmula sa simula pa lang. Maaaring magbago sa mga pagkakataong may espesyal na okasyon. Sakali man na kailanganin na magbago, ang paglalagay ng angkop na larawan na kakatawan sa selebrasyon o okasyon ay dapat na ilagay sa kanilang iskedyul.

6. Pumili ng mga paulit-ulit na gawain

Maaaring bigyan sila ng mga paulit-ulit na gawain sa paggawa ng mga gawain o proyekto. Magkaroon ng lugar para sa work box task gaya ng paglalagay o pagbabalik ng mga pambura, lapis, o paghihiwalay ng mga pangkulay, at iba pa sa lalagyan nito. Hayaan din silang tumayo-tayo sa halip na umupo sa mesa. Mas nakabubuti rin kasi sa kanila ito kung pinapayagan silang tumayo nang paulit-ulit habang nakikinig sa panuto.

7. Bigyan sila ng kaunting pagpipilian

Kapag mas marami silang pagpipilian, mas nalilito sila at nahihirapan na makasunod. Halimbawa, kung papilipiin sila ng kulay, bigyan lamang sila ng dalawa hanggang tatlong pagpipilian.

8. Hikayatin at magkaroon ng isa sa isahang interaksyon

Maaaring may estruktura munang sinusunod sa simula na makasasanayan nila para sa paglinang ng kanilang pakikipag-ugnayan sa iba. Nakabubuti ang one to one interaction sa pagpapaunlad ng kanilang kakayahang sosyal habang patuloy na dinidebelop ito.

9. Bawasan ang stress

Karaniwang nahaharap sila sa mga anxiety kapag may mga hindi inaasahang mga pagbabago. Nakararamdam sila ng pagkabigo o frustating ito para sa kanila. Tulungan nila na mapanatag at mapakalma at makabalik sa kanilang routine. Gayundin, madali rin sa mga batang may autism ang makakuha ng emosyon ng iba kaya kung nakakaramdam ka ng stress o umiiyak ka, maaaring lumayo muna sa kanila.

Ang mga Pagsubok ay Magagandang Oportunidad

Habang ang batang may autism ay patuloy sa pagkatuto, makararamdam sila ng mga pagkakataon na nabibigla o overwhelming sa kanila ang mga bagay-bagay. Ang pagkakaroon ng positibong pagtingin ng mga magulang sa ibang bagay ay malaking tulong. Isiping isang magadang pagkakataon ang mga pagsubok sa halip na pasakit o pahirap ito. Tulungan ang mga batang may autism na magkaroon ng pag-iisip na harapin ang mga pagsubok nang may positibong pagtingin at ihanda sila sa kung paano malalampasan ang iba pang pagsubok na darating o kahaharapin nila.

Higit sa lahat, matuturuan natin ang mga batang may autism sa pamamagitan ng pagiging mabuting modelo sa kanila ng mapagpasensya, maunawain, at magalang sa lahat ng pagkakataon. At, bigyang pakilala at papuri o reward ang bawat bagay na nagagawa nila.

Mga Pinagkunan ng Impormasyon:

Basahin ito para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga batang may autism.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close