special needs children,autism,Tagalog,children with special needs,child with special needs,Smart Parenting Village,#SPConfessions,Mom On Having A Special Needs Child: Hindi Siya Swerte,autism, special needs parenting, SPConfessions, parenting challenges, learning disabilities, unconditional love, autism awareness, raising an autistic child, parental resilience, community support,A mom shares her challenges and triumphs of raising a child with autism. Join parents sharing their raw emotions, shedding light on the daily struggles, and debunking misconceptions.
ParentingKids with Special Needs

#SPConfessions: ‘Swerte Daw Kami Dahil May Autism Ang Anak Ko–Pero Mas Gusto Kong Mawala Ang Learning Disability Niya’

The most important thing to say to parents of special needs children is: ‘I’m here for you.’

Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala nito.

Real Talk: People tell me na swerte kami because [we] have an autistic child. Our life has improved significantly but I will credit ourselves for working hard to give our child what he needs to thrive in this world.

If I will be given a chance na mawala ang learning disability nya kapalit ng lahat ng karangyaan na meron ako sa mundo, I would without thinking twice. Kaya kong gawaan ng paraan ang pera but I am POWERLESS over the challenges that my child is facing and will face. The uncertainty about the future is eating me up.

Please don’t come after me saying na kaya ko ito sinasabi is because hindi ko tanggap ang sitwasyon. I’m a parent who is worried about my child’s future. I love my child but I will not romanticize his condition.

“Your feelings are valid.”

Tila paniniwala talaga ng maraming Pilipino na “swerte” ang pagkakaroon ng anak na may special needs o may autism, at tila normal din itong sabihin sa mga magulang, base sa dami ng mga nakaranas nito sa comments section, maliban sa nanay na unang nag-post nito.

Ayon sa ibang ina na nakatanggap ng ganitong kumento:

“Hello po. Mom of an autistic child po ako. Naiintindihan kita. Minsan naiinis na din ako pag sinasabihan ako ng ‘swerte yang anak mo’ and I feel so helpless and powerless din minsan. Your feelings are valid and it will not make you less of a mom. Kanya-kanya tayo how to cope. Since you don’t need advice naman, I pray na sana mabawasan man lang ni Lord ang bigat na nararamdaman mo.”

“Sobrang insensitive ng mga taong nagsasabi na ‘su-swertehin kayo’ dahil meron kayong ‘special child.’ Akala nila comforting iyon marining. Hindi nila alam na kaya ‘sineswerte’ as they say eh dahil sobrang nagsusumikap iyung mga magulang para maiprovide [ang] lahat ng needs at isecure ang future ng anak dahil sa takot mo na baka hindi nila kayanin ‘pag wala na tayo sa buhay nila. I am writing this comment para magsilbing awareness sa mga makakabasa na hindi po comforting na commentan niyo na swerte iyung bata o iyung mga magulang for having a child with disability or special needs. Pure hardwork po at prayers [ang dahilan].”

watch now

“I agree. Minsan may nagsabi din sa akin na ‘su-swertehin kayo kasi special child ang anak niyo.’ Ang sabi ko, ‘if you mean by being lucky is maging ganito ang anak, araw-araw na struggle, then huwag na lang kaming maging maswerte.’ Hindi parang amulet ang disability ng mga batang may special needs. Lucky ang mga bata whether may disability man o wala. Hindi nakakagaan ng loob namin ang masabihan palagi ng ganyan.”

“Mom of an ausome child here too, i feel you. And your sentiments are true and valid, totoo, [ang] pera magagawan ng paraan, pero iyung condition ng mga anak natin, habang buhay tayo mag-aalala para sa kanila. Focus lang tayo sa end goal to teach them to live independently, na kayanin nila mabuhay na walang inaasahang iba and to be able to function in this world alone. As they say, the world will not adjust to our children, we have to prepare them. Mapapagod, pero [hindi] tayo susuko.”

Mga hindi dapat sabihin sa mga magulang ng mga batang may special needs

Maliban sa “swerte yan!,” narito pa ang ilang mga hindi dapat sasabihin sa mga magulang na may anak with special needs:

“Kawawa naman siya / Kawawa naman kuya niya!”

Maaaring naiiba at may mga naiibang pangangailangan ang mga batang with special needs, pero hindi nito ibig sabihin na kailangan o dapat silang kaawaan.

“Anong nangyari sa kanya? Alam niyo ba bago siya pinanganak?”

Maaari nitong maipahiwatig sa mga magulang na may nagawa sila para maging ganoon ang kanilang anak, o kaya ay wala silang ginawa para matulungan ang anak. Kung nais malaman ang kondisyon ng bata, tanungin na lamang nang diretso, “Ano ang kanyang kondisyon?”

“Galing ba sa lahi ng iyong pamilya? Or ng asawa mo?”

Maaari nitong maipahiwatig na may pwedeng masisi sa kondisyon ng bata. At kahit na pa alam ng mga magulang ang sagot dito, maaaring ang tingin nila ay ito ay pribadong impormasyon na hindi nila kailangan sabihin sa iba.

“Sayang!”

Maaari nitong maparamdam nang kawalan ng pagpapahalaga sa batang may special needs.

Sa kabilang banda, may isang magulang na nagkumento ng ibang pananaw ukol sa pagiging swerte ng mga batang may special needs:

“Siguro may mga tao lang na hindi nila alam kung ano ang dapat (o hindi dapat) nilang sabihin kaya nauuwi sa ganoong statements... Sana!

“[I] have worked with children who have special needs, ang masasabi kong tunay na ‘swerteng dala’ ay:

  1. Makikita mo kung sino talaga ang concerned sa iyo at may unconditional love
  2. Makikilala mo ang sarili mo ng lubusan, kung gaano ka katatag at katiyaga
  3. Mabubuksan ang isip mo na marami palang iba't-ibang uri ng kakayahan ang bawat bata
  4. Makapagtuturo ka pala sa iba ng higit at malawak na pang-unawa

“Hamo siya na po iyung mga [hindi] pa nakakaintindi, dumadami naman po ang lalong nakakaunawa at nakakaappreciate sa ginagawa mo para sa iyong anak. Hugs po.”

Edited for spelling, punctuation, grammar, and formatting.

Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close