behavioral problems,ASD,autism,autism spectrum disorder,behavioral disorder,developmental disability,Autism Spectrum Disorder: Sanhi, Sintomas at Lunas,autism, philippines, autism spectrum disorder, ASD, mga palatandaan, sintomas, gabay, pangkalahatang ideya,Alamin ang mga sintomas na kailangang bantayan, at kung kailan dapat kumonsulta sa doktor.
Parentingkids-with-special-needs TL

Paano Malalaman Kung May Autism Spectrum Disorder Ang Inyong Anak?

Ang autism spectrum disorder (ASD) ay isang developmental disability
PHOTO BYmirror.co.uk

Fact-Checked by Ronna Capili Bonifacio

Bilang isang magulang, maaaring narinig mo na ang katagang "autism" o "ASD". Ang autism spectrum disorder ito ay mahirap maunawaan, dahil nag-iiba ito sa bawat tao. Ngunit upang makakuha ng pangkalahatang ideya, narito ang ilang pangunahing impormasyon sa mga maagang palatandaan at sintomas na maaari mong makita sa iyong anak:

Ano ang autism?

Ang autism spectrum disorder (ASD) ay isang developmental disability dulot ng mga pagkakaiba sa utak na lumalabas sa pag-uugali, pakikipag-ugnayan, wika, at minsan, talino ng isang tao. Ito ay tinatawag na "spectrum disorder" dahil ang kondisyon ay maaaring maging banayad hanggang malubha, sabi ng ang US National Institute of Mental Health (NIH).

Ayon sa American Academy of Pediatrics, ang autism ay nakakaapekto sa 1 sa 68 na bata, at limang beses na mas malaki ang posibilidad na magkaroon nito ang mga batang lalaki kaysa sa mga batang babae. Sa Pilipinas, pumapangalawa ito sa cerebral palsy bilang developmental disorder na pinakamadalas na ma-diagnose, ayon sa Autism Society of the Philippines na iniulat ng Business Mirror.

Noon, ang ilang mga kundisyon tulad ng Asperger syndrome, autistic disorder at pervasive developmental disorder not otherwise specified (PDD-NOS) ay inihihiwalay sa autism. Ngayon, lahat ng mga ito ay kinikilala na bilang ASD.

Iba ang paraan ng pagkilos, pakikipag-usap, pakikipag-ugnayan at pagkatuto ng mga taong may ASD sa karamihan. Isa sa mga kilalang katangian ng mga taong nasuri na may autism ay ang kanilang pagkahilig sa mga pag-uugali at interes na may kaugnayan sa mga gawaing inuulit. Ngunit dahil ang autism ay may malawak na spectrum, maaaring magkaroon ng malaking pagkakaiba sa pagitan ng mga taong mayroon nito. "The learning, thinking, and problem-solving abilities of people with ASD can range from gifted to severely challenged. Some people with ASD need a lot of help in their daily lives; others need less (Ang mga kakayahan sa pagkatuto, pag-iisip, at paglutas ng problema ng mga taong may ASD ay iba-iba rin, mula sa pagiging likas na matalino hanggang sa pagiging hirap sa pag-iisip. Ilan sa mga may ASD ay nangangailangan ng maraming tulong sa kanilang pang-araw-araw na buhay; ang iba ay nangangailangan ng mas kaunti), " sabi ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

watch now

Hindi pa malinaw ang sanhi ng autism, ngunit iniisip ng mga eksperto na isa itong genetic condition na nagsisimulang mabuo sa panahon ng maagang pagbubuntis at dulot ng iba’t ibang mga salik tulad ng genetics, edad ng mga magulang, mga lason sa kapaligiran, at iba pa. May ilang mga kondisyon (tulad ng Rett syndrome at tuberous sclerosis) na nagpapalaki ng posibilidad ng pagkakaroon nito. Ang American Academy of Pediatrics (APA), CDC, at marami pang mga malalaking pag-aaral ay natuklasan at sinabing walang katibayan na ang mga bakuna ay nagdudulot ng autism.

Mayroon ba nito ang iyong anak?

Ang mga palatandaan at sintomas ng ASD ay karaniwang lumalabas kapag ang bata ay 2 o 3 taong gulang. Ang ilang mga sanggol na may autism ay tila lumalaki nang normal hanggang sa edad na ito, kung saan tumitigil na silang matuto ng mga bagong kasanayan o nawawala na sa kanila ang mga kasanayang dati ay mayroon na sila.

“Studies have shown that one-third to half of parents of children with an ASD noticed a problem before their child’s first birthday, and nearly 80 to 90 percent saw problems by 24 months of age (Ayon sa mga pag-aaral, isang-katlo hanggang kalahati ng mga magulang ng mga anak na may isang ASD ay nakapansin ng problema bago ang unang kaarawan ng kanilang anak, at halos 80 hanggang 90 porsyento ang nakakita ng mga problema pagdating ng ika-24 na buwan)," sabi ng ang CDC. Inirerekomenda ng APA na suriin para sa autism ang mga bata sa kanilang ika-18 at ika-24 na buwan na check-up.

Tulad ng karamihan sa developmental conditions, mahalagang matuklasan ng maaga ang autism. "You will not lose anything with early consultation with professionals (Walang mawawala kung maaga kang kumonsulta sa mga propesyonal," sabi ni Dr. Si Lourdes C. Sumpaico-Tanchanco, isang developmental-behavioral pediatrician sa The Medical City, at guro sa Ateneo School of Medicine and Public Health. "Ang maagang interbensyon ay nagbibigay sa iyo ng pagkakataon na mapabuti ang iyong anak sa hinaharap."

Mga palatandaan at sintomas

Tulad ng nabanggit na, iba ang autism para sa bawat bata. Kahit na mayroong mga karaniwang senyales ang autism, ang kombinasyon ng mga sintomas (na makikita sa pakikipag-ugnayan, kasanayan sa pakikipag-usap, pag-uugali, at katalinuhan ng isang bata) at kung gaano ito kalubha ay nagiiba-iba.

Hindi kailangang mayroon ng lahat mga sintomas sa ibaba, na inlista ng CDC at APA, para masabi na ang isang bata ay may ASD.

Mga senyales

Sa mga edad 1 hanggang 3 taong gulang

  • Hindi tumutugon kapag tinatawag ang kanilang pangalan sa edad na 12 buwan
  • Hindi tinuturo ang mga bagay (tulad ng eroplano sa kalangitan)  sa edad na 14 buwan gulang
  • Hindi naglalaro ng mga pretend games (tulad ng pagpapanggap na magpakain ng manika) ng 18 buwan
  • Hindi tumitingin sa mata

Mga batang higit sa 3 taong gulang

  • Nahihirapang intindihin ang damdamin ng iba o pag-usapan ang sarili nilang damdamin
  • Nahuhuli ang pagsasalita at mga kasanayan sa wika
  • Inuulit ang mga salita
  • Madaling mainis sa maliliit na pagbabago
  • Nahuhumaling sa mga interes
  • Pinapagaspas ang mga kamay, inuugoy ang mga kamay, at nagpapaikot-ikot
  • Kakaiba ang pagtugon sa tunog, amoy, lasa, itsura, at pakiramdam ng mga bagay

Mga kasanayan sa pakikipag-ugnayan

“Social issues are one of the most common symptoms in all of the types of ASD (Ang problema sa pakikipag-ugnayan ang isa sa mga pinaka-karaniwang sintomas ng lahat ng uri ng ASD),” ayon sa CDC, at maaari silang magdulot ng malaking problema sa pamumuhay ng isang bata. Muli, iba-iba ito sa bawat tao. May ibang mga batang may ASD na hindi interesado sa ibang tao. Ang iba ay maaaring gusto ng mga kaibigan, ngunit hindi nila alam kung paano magkaroon nito dahil hirap silang intindihin ang damdamin ng iba at ang hangganan ng kanilang personal space.

Karamihan ng mga batang may autism ay hirap magbahagi at makipaghalinhilan. Marami ang sensitibo at ayaw nang hinahawakan o niyayakap. Ang iba pa sa mga senyales ay: hindi pagkakaroon ng ekspresyon o pagkakaroon ng hindi angkop na ekspresyon ng mukha, pagtanggi kalmahin o aliwin ng iba sa panahon ng ligalig, at ang kagustuhang sarilinin ang mga interes.

Komunikasyon

Ang ilang mga batang may autism spectrum disorder ay nagagawang makipag-usap nang maayos. Ang iba ay paunti-unti lang magsalita, o hindi talaga. Ang iba ay nagsisimula magsalita kapag tumanda na nang kaunti. Maaari ding mahirapan sa pag-unawa ng wika o makilahok sa pag-uusap ang mga batang may autism.

Maraming mga batang nagsasalita ang karaniwang dumadaan sa isang yugto kung saan inuulit nila ang mga bagay na kanilang naririnig. Kung tatanungin mo ang isang bata na may autism, halimbawa, maaaring tumugon siya sa pamamagitan ng pag-uulit ng tanong pabalik.

Maaaring mahirapan rin ang mga batang may autism sa mga kilos, ekspresyon sa mukha, body language, at tono ng boses. Maaaring hindi nila maintindihan ang pagkasabik ng isang tao kapag nagsasalita ito sa matining na boses, o maisip na ang pagkurba paitaas ng bibig, o pagngiti, ay nangangahulugang masaya ang isang tao. Maaari rin silang magkaroon ng problema sa paggamit ng mga tonong ito, na maaaring dahilan kung bakit ang iba ay nagsasalita nang walang tono o parang robot.

Pagkilos

Mas nagagawa ng mga taong may autism ang mga paulit-ulit o routine na gawain at nahihirapan sila sa pagbabago. “A change in the normal pattern of the day—like a stop on the way home from school—can be very upsetting to people with ASD. They might ‘lose control’ and have a ‘melt down’ or tantrum, especially if in a strange place (Ang pagkakaroon ng pagkakaiba sa karaniwang nagaganap sa araw—tulad ng sandaling paghinto habang pauwi mula sa paaralan—ay maaaring maging magdulot ng pagkainis taong may ASD. Maaari silang mawalan ng kontrol at magwala, lalo na kung nasa kakaibang lugar sila)," sabi ng CDC.

Ang isang batang may autism ay maaari ring gumugol ng maraming oras sa paggawa ng mga kilos na paulit-ulit. Maaaring i-ugoy niya ang katawan sa magkabilang gilid, ipagaspas ang mga kamay, tumingkayad, o magpaikot-ikot. Ang ibang mga kilos na nabibilang sa mga sintomas ay:

  • Paglalaro ng laruan sa iisang paraan lamang
  • Nilalaro ang mga bahagi ng laruan sa halip na kabuuan nito (hal., pagpapaikot ng gulong ng laruang trak)
  • Pagpila-pila ng mga laruan o iba pang bagay
  • Parang hindi nakakaramdam ng sakit
  • Pagiging sobrang sensitibo, o hindi sensitibo kahit kaunti sa lahat ng mga amoy, tunog, ilaw, texture, at paghipo
  • Hindi pangkaraniwang paggamit ng paningin - tinitingnan ang mga bagay mula sa hindi pangkaraniwang anggulo

Therapy

Ang kailangan ng autism ay interbensyon batay sa indibidwal na katangian ng bata. "All interventions will rely on diagnoses and assessment results (Lahat ng interbensyon ay magdedepende sa diagnoses at sa resulta ng mga pagsusuri," paliwanag ni Edilberto I. Dizon, Ph.D., SPED diagnostician, at tagapayo sa Child Find Therapy Center. Isa rin siyang propesor sa College of Education ng University of the Philippines sa Diliman, Quezon City.

"The assessment results can tell us what the child can and cannot do. Based on that, we’ll be able to design a program which will help determine where to put the child, what to teach him, and how to teach him. Without assessment results, we will not know how to tackle it because each child is unique (Sa mga resulta ng pagsusuri makikita kung ano ang kaya at hindi kayang gawin ng bata. Batay doon, makapagdidisenyo kami ng isang programang makakatulong matukoy kung saan ilalagay ang bata, kung ano ang ituturo sa kanya, at kung paano siya tuturuan. Kung wala ang mga resulta ng pagsusuri, hindi namin malalaman kung paano gagawin ito dahil ang bawat bata ay natatangi)," idinagdag niya.

Maaaring kabilang sa therapy ang special education, behavioral therapy, kasanayan sa pakikipag-ugnayan, therapy sa pagsasalita at wika, at physical therapy. Minsan ay nagrereseta ng mga gamot na makakatulong sa mga sintomas na minsan ay kasama ng autism tulad ng anxiety, depression, at hyperactivity.

"Parents who first hear of the diagnosis of autism often grieve over the ‘loss’ of their child (Kadalasan, kapag nalalaman ng mga magulang na may autism spectrum disorder ang kanilang anak ay nagdadalamhati sila sa 'pagkawala' ng kanilang anak)," sabi ni Dr. Tanchanco. Hinihikayat at pinapayo nila ni Dr. Dizon bumuo at humanap ng support system. Dapat hilingin sa lahat ng mga miyembro ng sambahayan na lumahok sa pagsasagawa ng mga interbensyon at therapy. Ang pakikipag-usap sa ibang mga magulang na mayroon ding mga anak na may autism ay makakatulong nang malaki. Iwasan ang mga nag-iingay lamang at nagrereklamo, at maghanap ng iba pang mga magulang na positibo at nagbibigay-sigla. Maaaring makilala sila sa pamamagitan ng mga samahan tulad ng Autism Society of the Philippines.

References: National Institute of Mental Health, HealthyChildren (American Academy of Pediatrics), Centers for Disease Control and Prevention, BabyCenter, WebMD, National Health Service

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close