embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
5 Paraan Para Mapaputi Ang Naninilaw Na School Uniforms
PHOTO BY iStock
  • Taong 2008 pa binigyan ng direktiba ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang DepEd na gumawa ng batas upang alisin na ang mandatory requirement na pagsuot ng school uniform sa mga pampublikong paaralan. 

    Nakasaad sa mga batas na ito na hindi sapilitan ang pagsususot ng uniform sa mga estudyante. Paglilinaw pa ng DepEd, kung mayroon nang nabili o ginagamit na uniform, maari pa rin nila itong gamitin upang hindi na gumastos pa para bumili ng panibagong isusuot at maari pa ring pumasok ang isang estudyante na naka-tsinelas. Layunin ng batas na ito na bawasan ang gastusin ng mga magulang lalo na tuwing umpisa ng pasukan, at para bigyan ng pantay pantay na access ang mga kabataan sa edukasyon kahit ano man ang kanilang estado sa buhay. 

    Noong taong 2016, inulit imungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “No School Uniform Policy” dahil napansin nito ang pagdami ng mga kaso ng out-of-school youths dahil sa patuloy na paglaki ng gastos ng mga magulang tuwing pasukan, lalo na at nabago ang curriculum at nadagdagan pa ang taon ng pag-aaral sa high school dulot ng K-12 Program.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ano nga ba ang kahalagahan ng pagsusuot ng school uniform?

    Maganda ang intension ng batas na ito, ngunit ayon kay Benjo Basas ng Ang Guro Party List, mahalaga ang patuloy na pag gamit ng school uniform dahil nakakatulong ito sa seguridad lalo na ng mga kabataan sa mga siyudad. Mas mapoprotektahan ang mga estudyante mula sa mga mapagsamantalang mga tao at may mga masasamang loob.  Mas mainam pa rin kung ang mga estudyante ay may pagkakakilanlan gaya ng kanilang school uniform at ID. 

    Kaya naman, hanggang ngayon kahit na may mga ganito nang direktibo ang DepEd at pamahalaan, patuloy pa rin naman na nagsusuot ng school uniforms ang mga estudyante sa pampublikong paaralan.

    Paano mas mapapangalagaan ang mga school uniforms ng mga anak mo?

    Bilang magulang, siguradong lahat ay gagawin mo para maibigay ang mga pangangailangan ng mga anak mo. Ngunit dahil na rin sa mahal ng mga bilihin, siguradong maraming paraan ka na ring naisip para ibigay ang mga pangangailangan ng mga anak mo nang hindi gumagastos ng malaki. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagdating sa kanilang mga school uniforms, mayroon pa nga bang mga epektibong paraan para makatipid? Oo naman! Isa na rito ang pagpapanatiling maganda ng mga school uniforms para magamit ito ng mas matagal ng iyong mga anak. 

    Makakatipid ka rin kung may kaunting allowance sa size ang mga unipormeng bibilhin mo, para magamit pa nila ito sa mga susunod na taon.

    Paano panatilihing maputi ang uniform ng mga bata? 

    Hindi basta-basta ang pagpapanatiling maputi ng mga damit lalong-lalo na ang mga school uniforms ng mga bata. Bukod kasi sa paninilaw nito, maaari rin itong magkaroon ng mga mantsang mahirap alisin at mga amoy na hindi na mabura. 

    Kung maliliit pa ang mga anak mo, asahan mo ring makakakitaan mo ng mga mantsang mula sa tinta ng ballpen at kung anu-ano pa ang kanilang mga uniforms. Siguradong matatapunan din sila ng kanilang mga baon o 'di naman kaya ay madudumihan dahil sa paglalaro. Bahagi na ang mga ito ng pagiging batang estudyante kaya naman kaysa ma-stress ka sa mga mantsang ito, narito ang ilang mga bagay na pwede mong gawin:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gumamit ng baking soda

    Ang baking soda ay isang natural na deodorizer at cleanser kaya naman epektibo ito sa pagpapaputi ng mga nangungutim na damit. Hindi rin ito gawa sa mga harmful chemicals kaya makasisiguro kang hindi maiirita ang balat ng mga anak mo. 

    Bukod sa pagtanggal ng pangungutim ng damit, epektibo ring pang-alis ng makapit na amoy at mantsa ang baking soda. Para gamitin ito, ibabad muna magdamag ang mga damit sa tubig na may baking soda. Maaari kang gumamit ng isang cup ng baking soda para sa isang galong tubig. 

    Pagkatapos mong ibabad overnight ang mga puting uniporme ng mga anak mo, pwede mo na itong labhan gamit ang inyong napiling laundry ddetergent. Gumamit ng mainit na tubig kung mabahong amoy ang gusto mong alisin sa uniforms. Maligamgam naman kung may mga maliliit na mantsa. Bago tuluyang matapos ang round ng washing machine o ang iyong pagkukusot, lagyan mo ang iyong nilalabhan ng 1/2 cup ng baking soda.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gamiting pambabad ang asin at kalamansi

    Epektibo ito para tanggalin ang mga mantsa sa school uniforms ng mga anak mo. Maglagay lang ng dalawang litrong tubig sa kaserola, pakuluin ito saka ito pigaan ng tatlong kalamansi. Pagkatapos ay lagyan ng isang kutsarang asin. Hanguin ito at gamiting babaran ng damit. Dagdagan lang ito ng sabong panlaba bago ilagay ang mga damit. Ibabad ang mga namantsahang school uniforms sa loob ng 40 minuto. Banlawan ito ng tatlong beses o higit pa para maalis ang amoy.

    Makakatulong din ang diretsong pagpahid ng kalamansi sa mga mantsa. Pagkatapos kuskusin ng kalamansi, pwede mo itong banlawan ng mainit na tubig at isampay. 

    Gumamit ng suka

    Magpakulo ng tubig, pigaan ito ng kalamansi at lagyan ng tatlong kutsarang suka. Ilagay ito sa mga naninilaw na uniforms. Ibabad ng 40 minuto bago kusutin sa sabong panlaba, banlawan at isampay.

    Mabisa itong gamitin para sa mga damit na may makapit na amoy maging sa mga uniforms na may dumi sa lining o sa kwelyo at manggas. Nakakatulong ang suka na alisin ang amoy pawis sa damit. Paghaluin lang ang tubig, suka at sabong panlaba sa isang batya. Ibabad dito ang mga naninilaw na damit ng hanggang 30 minuto. Pagkatapos ay kusutin, banlawang mabuti at saka isampay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ikula ang mga damit

    Dahil automatic na ang mga washing machines ngayon, hindi lahat ng mga nanay ay alam kung ano ang pagkukula ngunit matagal na itong ginagawa ng mga nanay. Ibabad mo lang ang mga naninilaw na school uniforms sa baking soda at ibilad ito maghapon. May mga pagkakataong ibinibilad ang damit ng hanggang dalawang araw, depende sa paninilaw nito. Pagkatapos ibilad, pwede na itong kusutin sa sabong panlaba, banlawan at isampay.

    Gumamit ng tina

    Ang tina ay kulay asul na powder na mabibili mo sa palengke o 'di naman kaya ay grocery stores. Tunawin lang ang dalawang kutsarang tina sa isang planggana ng tubig. Siguraduhing tunaw na tunaw ito bago mo ilagay ang mga damit. Kusutin itong mabuti. 

    Maaari rin itong gamiting pangbanlaw para mas lalong mamaputi ang mga damit.

    Maliban sa pagpapanatili sa kaputian ng mga school uniform ng ating mga anak, kailangan din mapangalagaan ang tahi at mga butones nito. Kaya naman kung parating gumagamit ng washing machine, siguraduhing nakabaliktad ang mga damit tuwing lalabahan upang hindi masira ang mga tahi at butones. Mas mainam din na mas madalas patuyuin ito sa hangin kaysa laging ipinapadaan sa dryer para hindi maluma.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa pamamalantsa naman, magsimula muna sa pinaka mababang temperatura, at dahan dahang itaas ito, huwag mainit na mainit agad dahil nakakasira din ito ng tela at maaring madaling maluma ang mga school uniform.

    Kayo? Anong sikreto ninyo para paputiin ang mga damit ng mga anak mo? I-share mo lang sa comments section. 

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles