-
Encouragement O Praise? Isa Rito Ang Maaaring Makasama Sa Anak Mo, Sabi Ng Eksperto
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Ano nga ba ang epekto sa mga anak natin ng mga papuring ibinibigay natin sa kanila? Sa isang nauna nang Smart Parenting article, ipinaliwanag ng mga eksperto na may mga uri ng papuri na sa halip makatulong ay mas nakakasama pa ito.
Ano ang praise at bakit maaaring hindi maging maganda ang epekto nito?
Ayon sa Positive Parenting, ang praise ay isang uri ng reward o pabuya. Masarap ito sa pakiramdam ngunit hindi nagtatagal ang epekto nito.
Halimbawa, masarap sa pakiramdam ang mga papuring nakukuha ng anak mo online. Ngunit pagkalipas ng kaunting panahon, mawawala na ang masarap na pakiramdam na ito na siya namang hahanapin ng anak mo. Dito na maaaring magsimula ang paghahanap niya ng mga 'likes' at maaari itong maging isang negatibong cycle.
Ayon pa sa mga eksperto, ang labis na papuri o praise ay maaaring makaapekto sa dahilan ng anak mo kung bakit niya ginagawa ang mga ginagawa niya.
Halimbawa, kung labis mong pinupuri ang anak mo sa pagkanta niya, maaaring magsimula niyang gawin ito para lang makakuha ng papuri mula sa iyo. Ibig sabihin, ginagawa lang niya ang mga bagay-bagay para makakuha ng papuri.
What other parents are reading
Bagaman normal sa mga bata na maghangad ng papuri, mas makakatulong sa kanilang paglaki ang makarinig ng encouragement.
Mas malaki ang positive impact ng pagkilala sa proseso na kanilang pinagdaanan kaysa sa pagpuri sa kinalabasan ng kanilang ginawa.
Heto ang isang halimbawa:
Praise: "Mommy: Ang ganda ng drawing mo, anak!"
Encouragement: "Mommy: Nakakatuwa na nage-enjoy ka sa pagguhit, anak! Ano ang paborito mong bahagi ng pagguhit?"
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNakikita mo ba ang pagkakaiba ng dalawa?
Sa pagbibigay ng encouragement, nasisiguro mong ginagawa ng anak mo ang mga ginagawa niya dahil gusto niya ang mga ito at hindi dahil naghahanap siya ng papuri.
Sa pagbibigay pugay sa prosesong pinagdaanan niya, maipapakita mo ang kahalagahan ng pagtitiyaga sa paggawa sa halip na i-highlight lang ang ganda ng resulta.
Dito mo makikita ang kahalagahan ng encouragement
Ito ang paga-appreciate sa efforts ng anak mo. Napakalaki ng naitutulong nito para makita ng anak mo ang lalim at ibig sabihin ng ginagawa niya. Ibig sabihin, mas makikita at mae-enjoy ng anak mo ang proseso kaysa sa resulta.
Mas magandang gamitin ang encouragement kaysa sa praise dahil nakakapagpataas ito ng motivation at confidence.
Ayon sa pag-aaral ni Dr. Carol Dweck, isang developmental at social psychologist, binabago ng labis na praise o papuri ang pag-iisip ng anak mo. Sa halip na magkaroon siya ng tinatawag na growth mindset, magkakaroon siya ng fixed mindset.
Ang mga batang mayroong fixed mindset ay hindi willing na mag-aral, matuto, at mag-effort para sa mga bagay na gusto nila.
Sa kabilang banda, kung encouragement naman ang gagamitin mo nang tama, lalaki silang naiintindihan na ang tunay na kaligayahan at pagiging confident ay nagmumula sa efforts at gawa—hindi sa resulta at pagiging perpekto.
Anu-ano ang mga mabisang paraan para gamitin ang encourgament?
Purihin ang positibong gawa. Halimbawa, kung pinili ng anak mo na mag-aral kaysa mag-gadget, purihin mo ang kanyang choice at hindi ang kanyang mataas na marka.
Huwag mong isama ang sarili mo sa papuri. Halimbawa, sa halip na sabihing "Proud ako sa accomplishments mo," sabihin mong "Nag-enjoy ka ba sa mga naabot mo?" o "Proud ka ba sa mga accomplishments mo?"
CONTINUE READING BELOWwatch nowTandaan, hindi masamang iparamdam sa mga anak mo na naa-appreciate mo sila at nakikita mo ang mga ginagawa nila.
Ang kailangan lang ay tama ang timing, tama ang pananalita, at ang habol mo ay siguraduhing nage-enjoy ang anak mo sa ginagawa niya.
Importante na ang ginagawa ng mga anak mo ay hindi para pasiyahin ka o makakuha ng papuri galing sa iyo, kundi para pasiyahin ang kanilang mga sarili o sundin kung ano ang kanilang gusto.
What other parents are reading

- Shares
- Comments