-
5 Paraan Para Tulungan Ang Anak Na Magkaroon Ng Kumpiyansa Sa Sarili
by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Alam natin na mahalaga ang self-confidence at self-esteem, lalo na para sa mga bata. Malaki kasi ang epekto ng mga iyan sa paglaki at paghubog niya bilang tao. Pero ano nga ba ang pagkakaiba ng dalawa?
Puwede kasing mataas ang self-confidence pero mababa ang self-esteem, ayon kay Dr. Neel Burton, isang psychiatrist na nakabase sa England.
Aniya, halimbawa, may mga sikat na performer ang puno ng self-confidence sa entablado pero kulang naman sa self-esteem sa likod ng limelight kaya nalululong sila sa bisyo at nauuwi sa trahedya ang buhay.
Paliwanag ni Dr. Burton na para maging self-confident, kailangan may tiwala sa sarili at kanyang angking abilidad. Ang self-confident person daw ay handang humarap sa mga bagong hamon, oportunidad, at responsibilidad.
Sa kabilang banda, ang mga tao raw na may healthy self-esteem ay sapat ang pagkilala at pagpapahalaga sa sarili. Hindi nila kailangan ng external factors (income, status, notoriety) at dumepende sa mga bisyo. Hindi sila natatakot sa failure o rejection at marunong silang tumanggap ng hurt at disappointment.
May tips ang mga eksperto mula sa Child Mind Institute at Psychology Today kung paano matutulungan ng magulang ang anak na magkaroon ng self-confidence at self-esteem.
Maglaan ng oras sa pakikipaglaro
Ang panahon na ginugugol mo kalaro ang anak ay nagpapakita na “valuable” at “worth your time” ang bata. Kaya nga para kay Nico Bolzico, walang puwedeng umistorbo habang kapiling niya ang anak na si Thylane tatlong oras sa umaga at tatlong oras sa hapon.
Kapag magkasama kayo ng anak, mainam na ibuhos ang atensyon sa bata. Mararamdam kasi niya kung lumilipad ang iyong isip at may ibang priyoridad.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMakakatulong ang pagiging dedicated mo sa inyong laro para malaman niyang pinakikinggan mo siya at para maging close kayo sa isa’t-isa.
Bigyan ang anak ng magaang na trabaho
Kailangan ng bata ang oportunidad na maipamalas ang kanilang kakayahan at meron silang kontribusyon sa pamilya.
Maaari mo siyang bigyan ng tungkulin sa pagliligpit ng kanyang laruan pagkatapos gamitin. O di kaya patulungin sa mga gawaing bahay, gaya ng pagwawalis, paghahanda ng hapag-kainan, at paghuhugas ng plato.
Kapag nagagawa niya ang tangkulin at trabahong ibinigay mo, makakatulong iyon sa pagtaas ng kanyang kumpiyansa sa sarili.
Maging attentive
Kapag binibigyan mo ng oras ang anak at pinakikinggan siya, nararamdaman niya na importante siya sa iyo. Maganda ang epekto nito sa kanyang self-worth at mas bibilib siya sa kanyang sarili.
Tandaan lang na habang kausap ang anak, tignan niya sa mata at tulungan na maging kumportable siya sa paglalabas ng emosyon. Subukan din na ibahagi ang sarili mong mga karanasan para lumakas din ang loob niya sa mag-open up.
Dalasan ang encouragement
May pagkakaiba ang encouragement sa praise. Kapag nagbibigay ka ng praise, pinupuri mo lang ang anak mo. Pero kapag nagbibigay ka ng encouragement, pinupuri mo rin ang kanyang hard work.
Kaya huwag lang daw tumigil sa pagsasabi, tulad ng “Ang ganda ng drawing mo.” Sabihan din siya ng “Pinag-isipan at pinagtrabahuan mo ang drawing. Great job!”
Ang batang puro praise ang natatanggap mula sa magulang ay maaaring makaramdam lamang ng pagiging worthwhile kung may nagagawa silang kapuri-puri. Baka ang mangyari tuloy, maging uhaw siya sa approval ng ibang tao.
CONTINUE READING BELOWwatch nowSamantala, ang pagiging busog ng bata sa encouragement ay magpapakita sa kanya ng kahalagahan ng effort na inilalagay sa isang gawain mula simula hanggang matapos ito.
Sikapin na maging good example
Magagawa lang ng magulang na maituro at matulungan ang anak na magkaroon ng self-confidence at self-esteem kung siya mismo ay patuloy na kinakalinga ang sarili. Kaya bigyan din ng atensyon at pangangalaga ang iyong mental health.
What other parents are reading

- Shares
- Comments