-
Getting Pregnant Senyales ng Pagbubuntis sa Unang Linggo: Bakit Wala Kang Mararamdamang Sintomas
-
Getting Pregnant Sintomas ng Tatlong Linggong Pagbubuntis: Mga Pagbabago Sa Iyong Katawan
-
Your Kid’s Health Ang Kailangan Sa Bahay Para Iwas Electrocution Maliban Sa Power Plug Cover
-
Love & Relationships Kinakausap Pa Rin Ng Asawa Ko Ang Ex Niya, Anong Gagawin Ko?
-
Alam Ba Ng Anak Mo Ito? Magbalik Tanaw Sa Mga Larong Pinoy Ng Ating Kabataan!
Inaabot tayo dati ng gabi sa paglalaro dahil dito!

PHOTO BY La Pomme Living
“Mata-mata-mataya-taya…” Madalas na mga salitang marinig natin sa mga larong Pinoy. Ilang beses kang naging ‘taya’ o nataya sa mga larong Pinoy? Ang maranasang madadapa, masusugatan, magasgasan, pagpapawisan ay bahagi na ng mga larong ito. Matapos na madapa, tatayo pa rin at itutuloy ang pagtakbo at paglaban. Minsan naman, uuwi ka ng bahay na umiiyak dahil may gasgas ka sa tuhod. Mapapagalitan ka pero masaya pa rin dahil ilang oras kang nakipaglaro sa mga kaibigan mo sa labas.
Bahagi na ng libangan ng mga Pilipino ang mga laro nabuo mula sa mga pinagsasaluhang karanasan ng mga komunidad sa ating bansa. Mahalaga ang mga laro bilang bahagi ng proseso ng pagkatuto ng mga bata. Malaki rin ang impluwensiya nito sa pisikal, mental, at moral na aspekto ng paglago ng isang bata. Natatandaan mo pa ba kailan ka huling naglaro ng ilan sa mga ito?
Mga larong Pinoy na ginagamitan ng tugmaan
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTaguan
“Tagu-taguan, maliwanag ang buwan, pagbilang kong sampu nakatago na kayo…” ang binibigkas habang nakatalikod ang taya na nakasandig sa poste o pader samantalang abala sa pagtatago ang mga kalaban nito. Pagkaraan niyang magbilang, magsisimula siyang maghanap at kapag may nakita siya magiging taya ito. Pero, magpapaunahan sila sa pagtakbo sa base. Kapag naunahan niya ang kalaban matatalo ito at ito naman ang hihiranging taya.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosLangit-Lupa
“Langit, lupa, impiyerno, Im-im-impyerno, saksak puso, tulo ang dugo, patay, buhay, alis ka na d’yan sa puwesto mo…” Habang binibigkas ito, itinuturo ang lahat ng kasali sa laro. Kung kanino titigil ang huling pantig, ang aalis ito. Ngunit, kung sino ang maiiwan siya ang magiging taya. Kapag nahirang na ang taya, ang ibang manlalaro ay aakyat sa mataas na bahagi na magiging "langit." Hindi puwedeng manatili sila sa puwesto kaya aabangan ng taya na nasa mababang bahagi ("lupa") ang paglipat ng mga kalaban at kapag may nahawakan o nasalat siya ito naman ang magiging taya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWJack en poy
“Jack en poy, hale-hale hoy! Sinong matalo s’yang unggoy.” Gaya rin ito ng bato-bato pick. May ibang ibang ayos ang palad para sa bato, papel, at gunting. Talo ang papel sa gunting, talo naman ang bato sa papel, ngunit panalo ang bato sa gunting. Kapag pareho ang ipinakita ng palad ng magkatunggali, wala itong puntos at uulit lamang muli. Nagsisimula ang laro sa pagbigkas ng mga salita habang nakakuyom ang palad ng mga manlalaro.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Mga larong Pinoy na may konsepto ng agawan ng bahay o base
Piko
Sa larong ito, kailangan maparami mo ang iyong bahay para tanghalin kang panalo. Gumuguhit sa sahig o lupa ng imahen gamit ang tsok o uling para sa isa at dalawang pagtapak. May hawak ding bato na pamato ang mga kasali sa laro. Ihahagis ito para makahakbang pasulong at pabalik sa base. Kapag nakompleto ang lahat ng hakbang, saka pa lamang magkapipili ng maangkin na “bahay.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAgawang Base
Binubuo ng dalawang grupo na ang bawat isa ay may kani-kaniyang base. Kailangan makuha ng kabilang grupo ang base ng kalaban para manalo. Kaya dapat na maingat na bantayan ang base. Kapag nahawakan ng kalaban ang sinumang miyembro, tatawagin itong ‘bihag’ at maililigtas lamang ito kapag nahawakan ng kasamahan.
Patintero
Tinatawag din itong "harangang taga." Ito ay may dalawang koponan. Ang isang koponan para sa tatawid at isa naman para sa haharang. Makapupuntos lamang kapag nakatawid sa kabilang panig ang isang koponan ngunit kailangan nilang mag-ingat na hindi sila masalat o mahawakan dahil kapag nangyari ito matataya sila at magpapalit sila ng posisyon.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTumbang preso
Ginagamitan ito ng tsinelas at lata. Kailangan patumbahin ng mga manlalaro ang lata gamit ang kanilang pamato na tsinelas. Binabantayan naman ng taya ang pamato na siyang ihahagis niya sa ibang manlalaro upang makataya siya ng iba.
Mga larong kailangan ng lakas at paglukso
Luksong Baka
Lulukso ang ibang manlalaro sa likod ng taya. Ang taya ang magsisilbing baka na yuyuko at luluksuhan. Magsisimula siya sa mababa na hanggang sa tumaas ito. Ang manlalaro na makasasalat o tatama sa anumang bahagi ng baka ang magiging taya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWLuksong Tinik
Gaya ng luksong baka, ganito rin halos ang proseso ng paglalaro nito. Nilalaro lamang ito ng dalawang grupo. Ang pinagkaiba nga lamang sa halip na likod ang tatalunin, mga daliri sa paa ang gagamitin. Pagdudugtungin ito ng dalawang manlalaro at ito ang magsisilbing tinik. Kailangan hindi sumayad dito at makatalon ang lahat para manalo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWLuksong Lubid
Ginagamitan ng lubid o kadalasan pinagdugtong na mga goma ang laro na ito. Binubuo ng tatlo o higit pang manlalaro. Lulukso ang bawat manlalaro habang pabilis nang pabilis na iniikot ang tali o lubid ng dalawang manlalaro. Kapag tumama sa lubid ang paa ng lumulukso, matatalo siya at papalit na tagahawak ng lubid. Kadalasan, nakaiisip din ang mga bata na lapatan ito ng awit na may himig ng panunudyo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWChinese Garter
Tulad ng luksong lubid, ginagamitan ito din ito ng pinagdugtong na mga goma o kaya garter. Lulukso ang mga manlalaro ngunit pataas nang pataas ito mula bukong-bukong hanggang itaas ng ulo. Kapag nalampasan ang pinakamataas, sila ang hihiranging panalo.
Mga larong ginagamitan ng bagay o gamit
Syato
Kailangan nito ng mahabang patpat para sa panghampas sa maikling patpat na siya namang pamato. Pumapagitna ang pamato sa pagitan ng dalawang bato o home base. Ihahagis ng unang manlalaro ang pamato sabay hataw rito ng panghampas. Pupuntahan ito ng naghagis at uulitin ang unang ginawa. Titigil lamang kapag hindi natamaad ang pamato habang nasa ere.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTurumpo
Kailangan nito ng bagay na hugis ng acorn na gawa sa kahoy at may pakong nakabaon ang ulo sa dulo at mahabang lubid na ipinupulupot dito upang umikot kapag inihagis sa lupa.
Yoyo
Ginagamitan ito ng dalawang pinagdikit na bilog na gawa sa kahoy at sa pagitan nito ang tali na ipinapalibot para umikot kapag inihagis ito. May iba’t ibang paraan ng pagpapakitang-gilas at patagalan sa pagpapaikot nito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSipa
Nilalaro ito gamit ang tingga na may balat ng kendi o straw. Ihahagis ito pataas at kailangang sipain paitaas ng mga manlalaro na ang target dapat hindi mahulog sa lupa ang tingga. Ang manlalaro na may pinakamaraming naisipa ang ituturing na panalo.
Kung pag-uusapan ang libangan ng mga Pilipino, hindi talaga mawawala ng mga larong Pinoy lalo na talagang mahilig tayo na maglaro kaya kahit sa panahong ito ng teknolohiya, makikita pa rin natin sa mga rural area na bahagi ang mga larong ito sa kanilang pamumuhay. Nagtitipon-tipon sila sa mga plaza o kahit sa malalawak na lugar, sa parang, maging sa mga kalsada. Sa katunayan, marami na ring naiimbentong larong kalye ang mga bata na nilalaro nila. Sa kabila ng pagod na naramdaman sa paglalaro ng mga ito, naroon pa rin ang sigla dahil bukod sa nababanat ang mga buto sa pakikipagtunggali sa kalaban, nahahasa rin ang iyong pakikipagkapuwa at pakikisalamuha sa iba.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPero ngayon ang mga bata tila hindi na mga larong Pinoy ang nilalaro nila. Babad na kasi sila sa paglalaro ng iba’t ibang online games sa kani-kanilang gadyet o manood ng mga video sa YouTube. Kaya nga sinikap ng Kagawaran ng Edukasyon at Philippine Sports Commission na paigtingin ang integrasyon nito sa kurikulum nang maituro sa mga mag-aaral sa paaralan. Sa gayon, makilala pa rin at hindi malimutan ng mga bata ngayon ang mga laro ng ating lahi.
Kung gusto mo pa na madagdagan ang pagmamahal ng anak mo sa ating kultrua, ipasyal siya sa Intramuros! Magsimula sa inyong DIY field trip dito.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network