-
Toddler Huwag Bumigay Sa Tantrums! Paano Manindigan Sa Pagsabi Ng 'Hindi' O 'No'
-
Toddler Nagsisilbing 'Happiness Anchor' ang Family Vacation Paglaki ng mga Bata
-
Money Heto Ang Mga Kailangan Mong Gawin Bago Mag-Add To Cart, Ayon Kay Chinkee Tan
-
Home Ang Sagot Sa Malamig Nating Kape! A Heating Coaster That Keeps Coffee Warm For Hours
-
Subukan Ang Online Vocal Lessons Mula Sa Isang Dating Philippine Madrigal Singer!
Online ang mga masasaya at engaging vocal lessons ni Teacher Bianca.by Ana Gonzales .

PHOTO BY Bianca Lopez / Mark Francis Parallag
Likas na talented talaga ang mga Pinoy. Marami sa atin ang mahilig kumanta, sumayaw, at umarte. Kaya nga patok na patok sa ating bansa ang mga social media apps tulad ng TikTok.
Kung nakikita mo sa anak mo na talagang hilig niya ang pagkanta at balak niya itong gawing career sa hinaharap, pwede mo siyang paturuan sa isang vocal coach. Hindi kailangang pumunta sa isang music school dahil kahit ang vocal coaching ay online na rin.
Nariyan si teacher Bianca Lopez, isang soprano soloist na dating miyembro ng Philippine Madrigal Singers. Marami na siyang nagawang opera performances, pati na rin musical theater performances.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWCONTINUE READING BELOWRecommended VideosNgayon, abalang-abala si Bianca sa pagtuturo ng bata at matatanda ng vocal lessons online. "My youngest [student] is seven," kwento niya. "There are beginners and there are advance students. I have all of those varying ages and varying levels in singing."
Sa mga footages na ibinahagi ni Bianca, makikita mong may mga estudyante siya sa iba't-ibang panig ng mundo. Mayroong nakatira sa Canada, mayroong nasa California, at siyempre, mayroon ding mula sa iba't-ibang panig ng ating bansa.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW"The first lesson will also be with the fundamentals of music," pagbabahagi niya. "Like diaphragmatic breathing, vocal production, how to use the soft palate, how to use our articulators, diction in singing, and all of those interpretations."
What other parents are reading
Bata pa lang ay pagkanta na ang nagpapatibok sa puso ni Bianca, kaya naman siguradong maraming matututunan ang mga anak mo sa kanya.
Narito ang kabuuan ng panayam ng Summit Video Originals kay teacher Bianca:
Interesado ka ba sa iba pang online classes at live sessions? Magregister na sa Smart Parenting Events para makakuha ng exclusive access sa mga upcoming Smart Parenting online webinars, expert talks, at live.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network